Day 89

678 31 28
                                    

Xyion's POV

Tanaw ko ang mga tao sa baba at mga sasakyan. Its obvious that the people here are already aware and knew what happen in the other street. Another day rose up and later on they will taste the darkness.

"Pinuno nakahanda na po ang mga bagong baril at mga bomba. Nakakalat narin ang ating mga tauhan para manggulo sa lugar na to"

Nilingon ko ang lalaki at tinignan ng seryoso. Tumitig din siya sa akin ngunit kalaunan ay tumungo siya.

"Good. Gather all the bad people every where and kill those who will oppose." I commanded in a serious tone. The man bowed to me as he exit.

I looked at the whole place again when a voice appeared in my head.

"Xyion, gusto kong makinig ka ng mabuti. May mga tao talaga na maglilinlang sayo kaya dapat huwag kang makinig sa mga taong iyon. Ilagay mo sa inyong isipan na wala kang dapat paniwalaan kundi kami lang". The voice in my head reminded me.

"Huwag kang mag-alala. Ang mga taong mabubuti ay isang lason at kasuklamsuklam sa atin." I said.

"Iyong babae kagabi. Lumayo ka sa babaeng iyon o di kaya ay patayin mo!"

"Nakakapagtataka. Kilala niya ako. Bakit niya ako kilala? Nong hinawakan niya ako, bakit parang gumaan ang loob ko?" Naguguluhan kong tanong. Biglang sumakit ang ulo ko dahilan para mapadaing ako sa sakit.

"Aaaahhh!"

"Xyion, isa siyang temtasyon! Mabuti siyang nilalang. Guguluhin ka lang niya para malaman niya ang kahinaan mo upang talunin ka. Gusto mo bang matalo sa isang nilalang na mabuti?"

"H-hindi! Hindi ko hahayaang mangyari iyan!" Inis kong sabi. The voice in my head laughed so hard. Unti-unti na siyang nawawala sa ulo ko kasabay ang sakit nito. Umalis na ako sa rooftop at bumaba na.

~~~~

Ryianella's POV

Naghahanda sila ng almusal ngayon habang ako ay nakatitig lang kay Vler na nagluluto.

"Vler?" Tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" Sabi niya pero di niya ako nilingon. Likod niya lang ang kausap ko. Likod niya nakaharap sa akin eh. Kaharap niya iyong kalan.

"Si Herea pala. Manood sana kami ng Tinkerbell. Ang daming DVD ibinigay sa akin si Peter Pan. Kaso nong gabing iyon nawala siya. Kasama ba natin siya non?"

Hinarap niya ako bago siya nagsalita.

"Hindi natin kasama si Peter Pan kagabi. Siguro sa kalungkutan mo nag-iilusyon ka na." Sagot niya.

"Hindi pala?" Panigurado kong tanong habang nakakamot sa batok.

Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.

"Hindi. Walang Peter Pan. Sa palabas lang yan" sagot niya.

"Ah, okay. Si Herea?"

"Um, nasa U.S."

"Ha? Bakit?"

"Her parents ca-- I mean dumating ang mga magulang niya at sinundo siya. Ikakasal na rin siya."

"Ikakasal na rin siya?!" Gulat kong tanong.

"Oo."

"Akala ko ba kayong dalawa. Gusto ka pa naman niya"

Kumunot ang noo niya at tinignan ako ng seryoso. Napatakip ako bigla sa bibig ko.

"P-pasensya na." Paumanhin ko

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon