Day 90

447 16 2
                                    

A/n: Hello dear readers! I am very sorry for the very late update. I thank you so much guys for reading this ugly story of mine. I can't believe that this story ended up to be in 26.8k views. Like wow! I am so happy because you spent time reading this. Give some of your thoughts or comments and you can vote if you want. From this day forward, I will update and update.:-)

THIRD PERSON'S POV

Alas onse na ng umaga at abala silang lahat sa paghahanda para sa magaganap mamayang gabi. Hinahanda na ni Vince ang kaniyang mga inventions na binili pa galing sa iba't-ibang lugar, si Cerian naman ay busy sa pagbabasa ng lumang libro na naglalaman patungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanila ngayon, si Rodjan ay inaaral ang buong lugar ng Gareda, at mga daang pwedeng daanan upang mapabilis ang pagdating nila don, at para narin hindi matunugan ng mga kalaban.

Samantala, si Vler ay busy sa pagpa-paalala kay Ryianella kung ano ang dapat niya gawin. Hindi na sana ito isasama ni Vler ngunit nagpupumilit ang dalaga. Hindi niya rin naman kasi to matitiis dahil may pagtingin siya rito.

"Ayos na ba yang likod mo?" Tanong ni Vler kay Ryianella. Tumango muna at ngumiti si Ryianella bago sumagot.

"Okay na. Hindi na dumudugo. Nakakalungkot lang kasi ang tagal niyang maghilom. Sa ti-tingin ko.." putol na sabi ni Ryianella dahil nagsalita si Vler. 

"Ano?!"

Umupo si Ryianella ng maayos sa kama habang nakaluhod naman ang kanang paa ni Vler bilang pagsuporta. 

Tumayo si Vler kasabay ng pagpasok ng dalawang kamay niya sa kaniyang bulsa. Tinitigan niya si Ryianella na nakatungo.

"...sa tingin ko baka tuluyan na akong naging tao. Ibig kong sabihin ay, wala na a-akong kapangyarihan para harapin ang kalaban. Matagal na naghihilom ang sugat ko. Hindi katulad noon na kapag nasusugatan ako, naghihilom agad. Noon, hindi ako nakakaramdam ng sakit pero nong gabing iyon, nasaktan ako ng sobra, pati na dito." Dugtong sabi ni Ryianella sabay turo sa puso niya.

Bumuntong-hininga si Vler at hinila niya ang kaniyang buhok kasabay ng paglalakad ng pabalik-balik, tapos humawak sa kaniyang baba. Para siyang tanga at halatang kinakabahan sa mangyayari.

"Vler? Anong problema?"

Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan ng diretso ang dalaga.

"Ryianella, you don't have-- I mean, wala ka ng kapangyarihan. Tao ka na. Anong laban mo? I know I can protect you but, um..paano kung mawala ka sa paningin ko at di kita magawang mailigt--"

Tumayo si Ryianella at hinawakan ang kanang bisig ni Vler upang mapatigil niya ito sa kakasalita. Halata kasi na nag-aalala si Vler at nagiging OA na masyado.

"Huwag ka ng mag-isip na kung ano-ano. Katulad ng sinabi mo, malakas ako, hindi ako madaling manghihinaan ng loob. At isa pa, kailan ko tong gawin para kay Xyion. Guardian Angel niya parin ako kahit ganito na ako. Tungkulin ko na protektahan siya."

"Tungkulin ko rin ang protektahan ka dahil, um-ah mahalaga ka sa akin. Ipangako mo sa akin na walang mangyayari sayo. Huwag kang lalayo sa tabi ko." 

Ngumiti ng malapad si Ryianella at niyakap si Vler.

"Salamat, Vler dahil hinayaan mo ako na sumama. Kahit na alam ko na ayaw mo. Huwag ka ng mag-aalala sa akin" ngiting sabi ni Ryianella sabay kumalas sa pagkakayakap kay Vler.

"It is one of the thing that you can't remove from me, worrying, protecting, caring and loving you" seryosong sambit ni Vler kasabay ng paghalik niya sa noo ni Ryianella.

~~~~

"Bro? Handa na ang lahat" pag-papaalam ni Vince sa kaniyang mga kaibigan na may dalang dalawang itim na bag na nakasabit sa bawat balikat niya.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon