Day 98

293 9 0
                                    


RYIANELLA'S POV

"Ayos ka na ba talaga?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa hallway.

"I'm fine now as long as you're here," sabi niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Nasa labas na kami ng hospital. Mula sa malayo, ay nakita namin si Vler na nakasandal sa itim na van. Lumapit kami sa kaniya.

"I've been waiting here. What took you so long guys?" tanong ni Vler habang kunot-noong nakatingin sa amin.

"Ah, blame Ryianella." Naunang pumasok si Cerian sa van at tinuloy ang pagbabasa.

"What do you mean?" tanong niya at tinignan ako.

Inalalayan ko na makapasok si Xyion sa loob ng van.

"I'm very fine, wife," sabi ni Xyion at ngumuso lang ako. Tinuro kami ni Rodjan.

"What about that?" seryosong tanong ni Vler.

"Tignan mo nga, bro. Kanina, naglakad kami nang mabagal kasi sabi ni Ryianella ay dapat bagalan lang ang paglalakad para hindi mabinat si Xyion. Kung alam mo lang ang mukha ni Xyion kanina. Naku bro, para kaming sira." Tumawa si Rodjan nang malakas.

"Rodjan ha!"saway ko sa kaniya at bigla lang siyang yumuko at nagpeace sign.

"Pasok na tayo sa loob," sabi ni Vler at pumasok na kami.

•••••

Maraming mga bagay na nangyari sa amin. Mga bagay na kahit sinong tao ay mahihirapang paniwalaan ang lahat.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang lima na masayang nag-uusap. Napunta ang tingin ko kay Xyion, ang lalaki na nagbago dahil sa pag-ibig. Ang lalaking binago ng masamang pangyayari ngunit binalik sa totoong siya dahil naman sa mga magagandang pangyayari.

Nilapitan ko sila, nasa garden kasi kami ng mansion ni Xyion.

"Ano ba pinag-uusapan niyo ha?" tanong ko at biglang kinuha ni Xyion ang kamay ko at pinaupo ako sa lap niya. Niyakap niya ako.

"Ang sweet nila no? Hanap na nga rin ako,"sabi ni Rodjan.

"Sapat na ang libro sa akin,"singit naman ni Cerian.

"May secret kasi kami," sabi ni Vince.

Kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yan? Gagawa na naman kayo ng masama?"

Umiling si Vince habang tumatawa."No. We're good now. Diba, guys?" Tumango silang lima.

"Eh ano?" nakanguso kong tanong.

"It's a secret, wife." Tumayo ako sa pagkakaupo sa lap ni Xyion at tinignan siya ng seryoso.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak sa gagawin mo-ninyo," sabi ko.

"It will cause me no harm but it will give me happiness when you give me your consent," sabi niya.

"English ka na naman eh!" Tumawa siya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Basta. Magtiwala ka lang sa akin. Mahal na mahal kita Ryianella,"nakangiting sabi niya. Halata sa mga mata niya ang sinseridad. Ramdam ko na uminit na naman ang mukha ko at may kung anong insekto sa tiyan ko.

•••••

Nakita ko si Vler na naghuhugas ng mga pinagkainan namin kanina. Dumating rin si Rodjan galing sa garden, bitbit ang natitirang plato. Naglakad ako papalapit sa kaniya.

"Ako na maghuhugas, Vler." Tinignan niya ako saglit at binalik ang atensyon sa ginagawa.

"Ako na," sabi niya.

Huminga ako ng malalim. "Vler?" tawag ko.

"Yes?" Pinaharap ko siya.

"Sana magiging maayos ka na. Sana makahanap ka ng iba na iibigin mo," sabi ko.

Ngumiti siya sa akin."Thank you, Ryianella. But, you can't force me to love someone yet. Not now." Pinatay niya ang gripo at nilapag ang mga plato sa mesa. Kumuha siya ng tuyong tela at pinunasan ang mga plato. Tinulungan ko siya.

"Pwede naman tayo maging magkaibigan," sabi ko.

"Yes. Ikaw ang kaibigan ko na hinihiling ko na mas magiging higit pa roon. But, I accepted the fate, though, it's painful. 'Yon naman ang dapat na gawin. Ang importante ay makita kang masaya. Masaya sa taong totoo mong mahal," sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

Ngumiti ako ng malapad." Maraming salamat talaga, Vler." Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ako pabalik at maya-maya ay siya ang unang bumitaw.

"T-Tapusin na natin 'to," sabi niya. Napansin ko na namula ang paligid ng mga mata niya. Hindi ako manhid upang di malaman na nasasktan siya.

••••

XYION'S POV

"Bakit ang tagal niya dumating dito?" Kanina pa ako di mapakali habang hinihintay si Ryianella sa garden.

"Bro, nagpapaganda pa siya," sabi ni Rodjan.

"Ayusin mo ang pagpropose ha?" paalala ni Rodjan.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano tingin mo sa akin? Hindi marunog magpropose?" tanong ko.

"Well, kanina ka pa practice nang practice sa sasabihin mo at nauutal ka pa. Nakakahiya. Bakit hindi ka nahawaan sa talent ko?" sabi niya at tumawa ng malakas.

"Let's get out of here. Ryianella is here!" sabi ni Vince at dali-daling hinila si Rodjan paalis ng garden. Bigla naman kumabog ng malakas ang puso ko.

I'm walking back and forth while my hands are shaking. Ganito ba ang feeling kapag magpropose ka sa taong mahal na mahal mo?

Maya-maya lang ay nakita ko si Ryianella na nakasuot ng puting dress at naka white na doll shoes.

She looks very angelic. Well, angel naman talaga siya. Hindi lang angel. Isang guardian angel na nagpabago sa isang tulad ko na ubod ng sama. Isang guardian angel na nagligtas sa akin. Isang guardian angel na mahal na mahal ako, pinili maging tao upang makasama ako habang buhay. Wala na akong mahihiling pa. Sobrang swerte ko sa kaniya. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong binigay sa amin.

Sinalubong ko siya at inaya sa upuan niya.

"Para saan 'to, Xyion?" tanong niya pagkakaupo niya.

"Ito 'yong sinasabi kong secret," nakangiting sabi ko.

"Ang ganda mo, Ryianella. Hindi ka talaga nabibigong pabaliwin itong puso ko. Mahal na mahal kita," sabi ko.

Ngumiti siya."Mahal na mahal kita, Xyion. Higit pa sa buhay ko." Tumayo ako at nilapitan siya sa upuan niya.

Lumuhod ako at bigla siyang napatayo. "Ano 'yang ginagawa mo?" tanong niya na nakakunot ang noo.

"You've been mentioning about marriage before," sabi ko,"and I want you to marry me."

Kinuha ko ang pulang box sa bulsa ko at binuksan ito. Napasinghap siya at halata sa mukha na naiiyak na siya.

"Pwede ba kita maging asawa, Ryianella? Tatanggapin mo ba ako bilang asawa mo at maging kabiyak mo habang buhay?" tanong ko.

Tumango siya habang umiiyak."O-Oo. Oo, Xyion. Papakasalan kita," sagot niya. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya at agad siyang niyakap. Hinalikan ko siya sa noo at sunod sa labi niya.

"Mahal na mahal kita, ignoranteng guardian angel ko,"natatawa kong sabi.

"Mahal din kita, Xyion!"sabi niya and she gave me a smack on my lips.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon