Day 9

1.1K 36 0
                                    

                  RYIANELLA POV

Kanina pa ako palakad-lakad sa tinatawag nilang Mall na maraming mga tao. Nagtataka nga ako kung bakit sila nandito. May mga binibit-bit na katulad na binigay sa akin ni Xyion kanina kung nasaan nandoon ang damit. Mga kumakain at may lalaki at babae na naglalakad habang magkahawak kamay.

Naiingayan na rin ako sa suot kong sandals kaya hinubad ko to. Hihihi. Hawak ko na ang sandals ko habang naglalakad kaso nga lang pinagtitinginan ako at di ko alam kung bakit.

"Nasaan na kaya si Xyion?"

"Napapagod na ako"

"Saan ko naman yun mahahanap?"

Yohoo! Pinuno? Kausapin niyo ko. Saan ko hahanapin si Xyion?. Kung di niyo lang sana tinanggal ang pakpak ko kanina ko pa siya nahanap. Huhuhu. Malapit na akong umiyak o.

Lakad lang ako ng lakad habang nakatingin sa paligid-ligid.

Wala siya sa lagayan ng basurahan, wala siya sa halaman, wala siya sa sasakyan na nandito sa Mall.

Bubuksan ko sana to ng pinigilan ako ng babae na maganda.

"Maam, bawal po hawakan at buksan yan" sabi nong babae at humingi lang ako ng paumanhin.

Napanganga ako ng nakita ko ang isang mahabang hagdan na gumagalaw pataas. May mga tao na kahit nakatayo lang ay umaangat na sila. Samantala sa langit sobrang haba at dami ng mga hagdanan don samantalang dito tatayo ka lang nasa taas ka na.

Waaah! Ang galing galing! *clap-clap*

Lumapit ako don at pinagmamasdan ito ng may nagsalita.

"Excuse me Miss. Nakaharang ka diyan. Padaan ako." Sabi ng babae

"Ryianella po pangalan ko, hindi po Miss. Pwede po kayong dumaan" ngiting sabi ko sa kaniya.

Bigla lang siya tumayo sa gumagalaw na hagdan ay nasa taas na siya.

Weeee! Subukan ko nga.

Inangat ko ang isang paa ko at kasunod nong isa. Muntik pa ako matumba buti nalang nakahawak agad ako.

Nakatayo lang ako ng matuwid at halos si ako kumikilos baka mapaano ako. Pinikit ko lang ang mata ko. Ramdam ko na umaangat ako. Pagbukas ko nasa taas na ako.

"Waaah! Ang galing talaga.! Sabihan ko kaya si Pinuno pagbalik ko don na pagalawin rin yung hagdan namin don. Hehehe"

Tatlong beses ko yung inuulit at nasisiyahan talaga ako kahit yung ilan nakatingin at pinagtatawanan ako, yung iba nagbubulungan. Siguro binabahagi nila ang sekrito nila sa isa't-isa. Ibubulong nalang para di marinig ng iba. Oh diba?

Pero bakit sa akin nakatingin?*pout*

Umalis na ako don. Nasa labas na ako ng mall.

Hala! Ang dilim na pala. Nasaan ka na Xyion? Hindi ko na siya mahahanap. Ano ang gagawin ko? Huhuhu. Nakakaiyak. Hindi ko na siya makikita at ipapadampot na niya ako sa mental.

Hindi ko na siya mapipilit na paniwalaan  ako. Na Guardian Angel niya ako.

Naglalakad ako ng nakayuko ng may narinig ako ng malakas na ingay. Ang daming sasakyan na dumadaan. Tumatawid kasi ako hindi ko naman alam na ang daming sasakyan. Huhu.

"Hoy Miss! Magpapakamatay ka ba? Green light o!" Inis na sabi ng lalaki sa akin at dahil don umiyak na ako.

May alam ba ako sa mga pinagsasabi niya? Wala kaya. Huhuhu.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon