Day 11

1.1K 38 1
                                    

XYION POV

I was busy kicking that guy's face ng bigla ko nalang narinig si Vler na sinigaw ang pangalan ni Ryianella. Paglingon ko sinaksak na siya ng lalaki ng boteng binasag nito.  Tinulak ko ang lalaki at naiwan sa tiyan niya ang bote. Sinalo ko siya bago siyang tuluyang bumagsak.

I don't know what I suppose to feel that time. No one even dare to save my life. Sino ba naman ako sa kanila? Sinagip niya pa talaga ako. Sana hinayaan niya nalang para mamatay na ako. Ayaw ko na rin namang mabuhay dahil ayaw ko sa mundong to at gusto ko na makasama ang mga magulang ko.

Pero habang nasa mga kamay ko siya, nanginginig ako sa galit. The feeling that wants me to kill that bastard. Mix emotions. I am experiencing mix emotions that I couldn't figure out what I truly feel right now. Naiinis ako sa babaeng to kung bakit kailangan niya pang gawin ang bagay na to sa isang katulad ko.

"Tayo mo na ako" bigla niyang sabi at bigla nalang napadilat ang mga mata ko sa nakikita ko. Tinanggal niya lang yung bote na nakasaksak sa tiyan niya at ni walang dugo akong nakikita.

Si Vler, busy sa pagbugbog don sa lalaking sumaksak kay Ryianella. Yung mga tao rito ay wala lang pakialam dahil kilala na nila kami, lalo na ako. Parati kaya kaming napapaaway dito. Lahat ng mga nasisira namin ay binabayaran naman namin yun, sobra pa nga. Tss.

"Ano ka ba?" Seryoso kong tanong.

"Diba, sabi ko sayo. Guardian mo ako. Tungkulin ko na alagaan, protektahan, bantayan at gabayan sa tamang landas. Hindi ako maglalaho o mamamatay, pwera nalang kung ikaw ang nasaksak at namatay, eh di wala na rin ako. " ngiting sabi niya.

"Naniniwala ka na ba?" Nakapout niyang sabi.

"Tss. Di mo na kailangan gawin yun. Hindi ko hinihingi ang tulong mo at lalong di kita inutusan. Wala akong paki kung tungkulin mo iyon. Hinayaan mo nalang sana para mawala na ako sa mundong to." Sabi ko sa kaniya ngunit seryoso lang siyang tumititig sa mga mata ko. Ako naman ay ganon din.

"Ayaw mo sa buhay mo. Ayaw mo sa mundo mo. Ayaw mo sa lahat at nagagalit ka sa lahat. Puno ng galit ang puso mo dahil sa nangyari sa mga magulang mo. Yung araw na nasa panganib ka ay nasa tabi mo ako pati ng mga Guardian ng magulang mo, pero dinasal ng magulang mo na iligtas ka at walang mangyaring masama sayo, dininig yun ng mga Guardian nila at prinotektahan ka.."

"Nong binaril ka ay sinangga ko yun atsaka binatukan pa kita non para makatulog  at para isipin nila na namatay ka na."

"Tss. Pambihira! Ang lakas mo palang mambatok ha!"

"Naniniwala ka na?" Sayang tanong niya.

"Tss."

"Xyion, tandaan mo na nasa tabi mo lang ako lagi kahit na dumating ang araw na iwan na kita. Ipaparanas ko sayo kung gaano kaganda ang buhay, ang mundong ginagalawan mo, iaalis ko ang poot at galit sa puso mo, at higit sa lahat ibabalik ko sayo ang tiwala mo sa Diyos..."

"Gusto ko ibalik ang totoong ikaw na nakasanayan ko" ngiting sabi niya at umiwas lang ako sa mga titig niya.

" kaya sana Xyion wag mong pairalin ang galit mo. Ayaw ko na mapunta ka sa masama at magkaroon ng masamang Guardian dahil naging masama ka na, dahil nilamon ka ng galit mo. Sana kontrolin mo ang sarili mo. Kaya ako naging tao para mapalapit ako sayo at gabayan kang mabuti. Nong Guardian pa ako ang layo-layo ko na sayo, Xyion. At ayaw kong mapalayo sayo. Habang palayo ako ng palayo, palapit ng palapit naman ang Masamang Angel." Lungkot niyang sabi.

Pasensya na Ryianella. Ngunit ganito na ako. Hindi pa ako handa na ibalik ang dating ako. May mga bagay pa akong gustong gawin.

"Naayos mo na?" Tanong ko kay Vler na papalapit sa amin at tumango lang siya. Hindi na siya nagulat kong bakit walang sugat si Ryianella dahil alam ko sa isip niya, he already concluded that Ryianella is really an angel at espesyal. Sa tingin palang niya kay Ryianella ay nababasa ko na. Gusto niya ang babaeng to, ANG GUARDIAN KO.

"Mabuti naman ayos ka" sabi ni Vler kay Ryianella

"Oo naman. Hehehe. Ako pa." Sabi niya

"Yan ba kapangyarihan ng mga anghel?" Tanong ni Vler. See? Basta si Ryianella nagiging madaldal siya kaysa kina Rodjan at Cerian. Speaking of them, nasaan na yon sila?

"Malakas yung pakiramdam namin at syempre nakakalipad kami."

"Hindi ka nasasaktan o nasusugatan?"

"Pag si Xyion ang nasa panganib at iniligtas ko siya, hindi ako masasaktan o masusugatan."

"Kung iba?"

"Hindi naman siguro. May guardian ka kaya."

"Hmm"

"Lahat kayong mga tao may mga Guardian. Naintindihan mo ko?"

"I guess so" sagot ni Vler sabay tawa ng tipid.

"Nandiyan lan-- Woah! May away na naman ba?" Tanong ni Rodjan na di man lang inayos yung belt niya, yung polo niya puno ng lipstick ng babae. Hays. Alam niyo na kung ano ang ginawa ng dalawang yan.

"Bakit di niyo kami tinawag?" Tanong ni Cerian

"Alam niyo, kulang pa nga eh. Pag praktisan ko nga kayo no? Para mawala ang kati ng kamay ko. Uunahin ko yang mga bibig niyo!" Inis kong sabi sa dalawa at tumahimik na lang sila.

"Gabi na. Uwi na tayo" dagdag kong sabi kanila at naunang naglakad

"Ryianella! Sumunod ka!" Sigaw ko para marinig niya dahil medyo malayo na ako sa kanila.

Nasa kotse na ako at hinihintay si Ryianella. Nag-uusap sila ni Vler pagkatapos ay kumaway sa kaniya.

"Alis na kami!" Paalam ng dalawa.

"Bro? I have to go. Bye" paalam sa akin ni Vler at tumango lang ako.

Lumapit na sa akin si Ryianella at nakayuko ito.

"Tss. Pumasok ka na sa loob. Sa bahay ka na.!" Sabi ko at dali-dali naman siyang pumasok. Magkatabi kami ngayon.

"Talaga? Sa inyo ako titira?"

"Paulit-ulit ka? Tumahimik ka baka magbago ang isip ko"

"Hindi yan. Hehe. Ang saya!"

"Ang ingay mo." Walang emosyon kong sabi habang ang mata ay nakatuon parin sa daan. Tinignan ko siya saglit. Nakatulog na agad siya.

Guardian ko siya dapat gising siya 24/7, kaso isang angel na naging tao dahil sa akin. I'm sorry but I'm not going to change what i am now. Marami pa akong bagay na dapat gawin, Ryianella.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon