Day 77

648 21 0
                                    

 
                  RYIANELLA'S POV

"Subukan niyo lang lumapit!"

"Ibigay mo siya sa amin!" Sabi ng alagad ng kasamaan. Nag-aapoy ang katawan nito at may maitim na mata. Sila ang tinatawag na mga KAWAL Sa KAWALAN.

Pinalutang ko si Xyion at nilagyan ng puting barrier. Ang sino man magtatangka na galawin ang mahal ko ay masasaktan ng todo.

"UMALIS KAYO SA  DAANAN KO.!" Inis kong sigaw.

"Puting guardian, ibigay mo nalang siya sa amin. Tanggapin mo na lang na wala na ang mahal mo"

Limang kawal ang nakaharang sa daraanan ko patungo sa lagusan. Na kung saan nandon ang palasyo ng mga anghel.

"Huwag mong sabihin iyan!" Sabi ko. Nang dahil sa galit ay biglang lumiwanag ang pakpak ko. Ang madilim na lugar na to na puno ng kaluluwa ay kinain ng liwanag na nanggagaling sa akin.

Tumakbo ako papalapit sa kanila, nang medyo malapit na ako ay tumalon ako papunta sa taas at tinapunan sila ng kapangyarihan ko. Ramdam ko ang malakas na enerhiya mula sa puso ko, na lumalabas sa dalawa kong kamay.

Bumaba ako at nakita silang nanghihina.

"Tumabi na kayo. Hindi ko kayo gustong saktan. Paki-usap. Kailangan ko ng makita si Xyion" sabi ko sa kanila.

"Hindi kami papayag. Kami ang mananagot sa panginoon kung hindi namin siya makukuha sa iyo."

"Pwes! Hindi ko na kasalanan na mapahamak kayo. Kayo ang nagtulak sa akin kaya patawarin niyo ako sa gagawin ko" sabi ko at lumipad papunta sa kanila ang balahibo ng pakpak ko na naging matulis. Nabalot ng balahibo ang  katawan nilang lima at agad silang sumabog.

Lumakad ako palapit kay Xyion at tinanggal ang barrier na ginawa ko. Pinatayo ko siya ngunit nakayuko lang ang ulo niya. Puno na ng dugo ang damit niya. Naiiyak na naman ako. Sobrang nasasaktan ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang ganito, walang malay. Inangat ko ang ulo niya gamit ang kamay ko at hinalikan siya sa labi.

"Mahal kita, Xyion. Parating na ako." Sabi ko at niyakap siya. Binuka ko ang mga pakpak ko at lumipad na pataas.

~~~~~~

Malapit na kami sa lagusan patungo sa palasyo. Marami pa kasing mga dimension na malalagpasan bago ka makarating sa pinakatuktok ng langit.

Napatigil ako sa paglipad ng may mga itim na mga anghel kasama ang kanilang pinuno. Nakaharang sa lagusan.

Paano na? Kailangan kong makalagpas. Naku po! Panginoon, tulungan niyo po ako.

"Ibigay mo si Xyion sa amin. Hindi mo ba nakikita? Dapat sa amin si Xyion. Ibigay mo ang katawan niya sa amin" sabi ng pinuno ng masamang guardian.

"Hinding-hindi ko siya ibibigay sa inyo. Hindi siya nararapat sa inyo. Pakiusap, nagbago na si Xyion. Hindi siya masama, kayo ang may kasalanan kung bakit namatay ang magulang niya. Nang dahil sa kasamaan niyo. Dahil sa inyo, ang inosente, mabait at mapagmahal na bata ay nagbago ng dahil sa inyo, ngunit hindi ko na hahayaan na babalik siya sa pagiging masama."

"Nag-iisa ka lang butihing anghel. Ano ang iyong laban sa amin? Kukunin namin si Xyion. Walang tutulong sayo dahil mismong kasama mo, ang nakikita nila ay parating ka na sa lungga niyo, pero ang totoo--heto ko at hinaharangan namin. Mas makapangyarihan kami. Kayo? Waka kayong ibang ginawa kundi, magmahal, gumawa ng mabuti, nagbibigay pag-asa. Hahaha, walang kwenta! Magiging katapusan mo na ito!"

Puno ng kaba ang puso ko. Ang aking paghinga ay pabigat ng pabigat.

Hindi! Hindi ako dapat mabigo. Para sayo mahal ko. Gagawin ko ang lahat para hindi ka mapapunta sa kanila.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon