Day 39

889 28 0
                                    

                        XYION POV

"Dito ka lang" sabi ko kay Ryianella habang sinusuot ang leather jacket ko.

"Sama na lang kasi ako. Kahit hindi mo ko isasama makakapunta parin ako don." Sabi niya. Nakaupo siya sa kama habang yung alaga niyang pusa nasa lap niya nakapatong.

"May tiwala ka ba sa akin?" Tanong ko sa kaniya. Nagkatitigan kami ngayon sa isat-isa. Parang sinusuri namin ang sinasabi ng aming mga mata. Staring her for a long period of time, either seconds, minutes or hours makes my heart beat so loud and an unexplainable feeling inside my stomach.

"I will not do anything that will make you worry. I don't like seeing you getting worried because of me. You sacrificed so much to me, Ryianella. Trust me this time."  Sabi ko sabay gulo ng buhok niya.

"May tiwala ako sayo, Xyion. Pero hindi mo maaalis sa akin ang di mag-alala sayo. Guardian Angel mo ko. At dapat hindi ako mapapalayo sayo sa kahit anong oras." Sabi niya na may pag-alala sa mga mata.

"I love you" sabi ko at napakamot lang siya ng buhok niya.

"Ang daya mo talaga! Hindi kita naiintindihan." Nakanguso niyang sabi.

"Mahina kasi utak mo." Seryosong sabi ko at binelatan lang ako.

"Maiwan ka dito kay, Herea. Babalik ako na walang ginawang anumang masama" sabi ko at lumabas na kami ng kwarto. Magkasabay kaming dalawa na bumaba sa hagdan.

Hanggang sa makarating na kami sa sala. Nandito na rin sila sa sala.

You're the reason why I'm acting strange, Ryianella. You are the reason why my life starting to have a light.

"Herea, dito lang kayo ni Ryianella. Aalis na kami" sabi ko kay Herea at tumango lang siya. Nilingon ko si Ryianella. Magkatabi kasi sila ni Herea.

"Huwag ka ng mag-alala" sabi ko at tinalikuran na sila. Nakasunod lang ang tatlo sa akin. Pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan at pinaandar na ito.

************

             THIRD PERSON'S POV

Alas singko na ng hapon. May mga tauhan ni Garry ang nakamasid sa ReCage building. Isa itong building na luma at abandona na. Sa di kalayuan ay nandon sila. Nang napansin nila na may paparating na apat na sasakyan ay dali-dali silang nagtago sa may damuha. Nang makalagpas na ang mga sasakyan ay lumabas agad ang mga to. Sinundan nila ang mga sasakyan.

Mas naunang nakarating sina Xyion at ang kaniyang mga kasama, samantala ang kaniyang mga Tito ay paparating pa lang.

Tumawag ang isa niyang tauhan kay Garry.

"Boss? May apat na sasakyan ang narito."

"Sino sila?"

"Hindi po namin naabutan. Nasa loob na po ata sila"

"Mga walang utak.! Sundan niyo!"

"Opo, Boss!"

Bago pa man nakarating si Xyion sa ReCage ay alam na niya ang lahat. Tumawag kasi si Vince nong papunta pa lang siya sa ReCage. Halos di siya makapaniwala sa kaniyang nalalaman. Parang huminto sandali ang mga oras na iyon at napatulala siya. Iniisip niya kasi kung totoo pa ang sinabi ni Vince o hindi.

Sa pagkakataong ito. Umiiyak si Xyion. Umiyak siya nang dahil sa galit at sakit na nararamdaman niya. Na mismo pamilya pa niya ang pumatay sa magulang niya.

Pagkapasok niya sa Underground floor ay bigla niyang sinugod si Vince at hinawakan ng mahigpit ang kwelyo nito. Nagulat si Vince sa inasal ng kaibigan niya. Kaya tinanong niya ito..

"Xyion? Bakit? Huminahon ka nga" sabi ni Vince sa kaniyang kaibigan. Tinitigan lang siya ng seryoso at malamig nito.

"Totoo ba ang sinasabi mo!?" Galit nitong tanong kay Vince

"Bro? Huminahon ka nga" biglang singit ni Rodjan at inilayo nina Cerian at Vler si Xyion kay Vince.

"Bro? Kung ayaw mong maniwala, tanungin mo siya." Inis ring sabi ni Vince sabay turo sa lalaki na may sugat sa binti.

Agad namang lumapit si Xyion don at sinuntok ito sa mukha.

"Sabihin mo sa akin?! Sabihin mo sa akin kung totoo ba!" Galit na gakit nitong tanong.

Dalawa ang nasa isip niya. Gusto niya patayin ang mga Tiyo niya. Ngunit naguguluhan siya kung papatayin niya ba ang mga Tito niya o ikulong na lang ang mga to. Todo pigil talaga siya sa galit na nararamdaman niya ngayon.

"T-totoo X-Xyion, s-sila a-ang n-nag-utos na pa-patayin ang ma-magulang mo" nahihirapan nitong sagot kay Xyion. Yung tatlo naman na wala ng mga dila ay tahimik lang sa kanilang kina-uupuan.

"BAKIT!?BAKIIIITTT!" Galit nitong sigaw habang itinaas ang kamay na may hawak na baril at don pinaputok sa kisame.

Naiiyak siya sa galit. Ngayon na ulit siya umiyak ng dahil ulit sa galit na nadadama niya ngayon. Sariling kapatid, pinatay nila. Pinatay nila ang magulang ko. Mga walang hiya! Sabi nito sa kaniyang isip.

"Xyion? Bro? Anong gusto mong gawin namin?" Tanong ni Rodjan sa kaniyang kaibigan at hinarap niya ito sabay punas ng mga luha niya.

"Hindi ko alam! Hindi ko alam! Naguguluhan na ako!" Seryosong sagot nito

Naguguluhan talaga siya sa nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang pumatay. Patayin ang mga Tiyo niya. Pero na aalala niya si Ryianella. Ang kaniyang guardian. Kaya kahit gusto niyang patayin ang mga yun, naisip na nagtitiwala si Ryianella sa kaniya. Naisipan din niya na hindi lang iyon ang paraan.

********

Dumating na sina Garry at Mic. Ngunit hindi nila alam na nagkalat ang mga tauhan ni Vince kaya nahuli nito ang mga tauhan ni Garry.

"Nasaan na ang mga tauhan mo, kuya?" Tanong ni Mic sa kaniyang Kuya.

Palinga-linga si Garry sa paligid ng gusali pero mga sasakyan lang ng tauhan niya ang nandito.

"Hayaan mo na ang mga walang silbi na iyon. Pasukin natin ang gusaling yan" sabi ni Garry sa kaniyang kapatid.

Naglalakad na sila papunta sa building na iyon. Pagkapasok nila isang mahabang hallway ang nakikita nila.  Hanggang 7th floor ang gusaling to kaya hindi nila alam kung nasaan sila. Naglalakad silang dalawa ng patingin-tingin sa paligid. Hawak nila ang kanilang mga baril.

"Saan kaya sila, kuya? Saan natin sila hahanapin?" Tanong ni Mic ng may biglang tumutok ng baril sa batok nilang dalawa.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon