Day 10

1.2K 37 0
                                    

                        VLER POV

Nong lumabas si Xyion ay nagpaalam rin ako sa kanila para sundan siya. I know that he want someone to talk to at sa akin lang nag-o-open si Xyion. He doesn't want to get attached to any one. Since his parents died wala na siya ibang inisip kundi ang hanapin ang may kasalanan ng pagkamatay ng parents niya. Because of that incident happen to his parents and to himself. He changed himself and become someone that he expected to be.

We knew each other since we're both in Elementary Days. Nilipat siya sa school namin, from famous school to not so famous school. Nilipat siya ng Uncle niya nong bata pa siya.

Every girls likes him and drooling over him but no woman ever take his heart dahil wala naman siyang puso at walang pakialam. Lahat ng lalaki sa school namin ay ayaw siya, dahil ang yabang niya daw. Kung makaasta akala mo daw kung sino. Lagi siyang nakikipag-away para lang magalit ang pamilya niya at bigyan ito ng sakit ng ulo.

Wala rin gusto sa akin dahil parehas lang kami ni Xyion ng ugali. Actually ganito akong tao pero si Xyion, he changed himself na hindi naman talaga siya. Nong nakita niyang may kalaban ako at medyo dehado ay tinulungan niya ako. Hanggang sa di ko nalang namalayan na naging magkaibigan na kami.

He shared everything to me of what had happened to his life and his plan. Alam ko lahat dahil ako lang ang pinagkakatiwalaan niya. He was like a brother to me. Lahat ng meetings at yung Graduation namin walang parehas na umattend kundi yung yaya ko na malapit sa akin.

Busy ang parents ko sa business nila at ang palaging kong kasama ay mga maids. Kaya siguro ganito kami kasundo dahil parehas kami na nangungulila.

Nakita ko siya sa labas ng Bar na naninigarilyo.  Lumapit ako sa kaniya at tinap ang balikat niya.

"Hey"

"What?"

"Mainit pa ba pakiramdam mo kaya kailangan mo pang magpahangin dito na pati aircon don ay di tumalab?"

"Tss."

"Ano siya sayo?"

"Who?"

"Ryianella"

"She just a crazy ignorant and noisy woman who just popped up and messed everything"

"She insisted tha--" putol niyang sabi dahil nagsalita ako.

"An angel. From heaven" sabi ko at humarap siya sa akin saka tinapon ang ubos na sigarilyo.

"You knew?"

"Yeah..she told me"

"Sinabi niya ba na Guardian Angel ko siya at naging tao dahil sa akin? Naniniwala ka ba don? Sino bang puta na maniniwala don? Ang mga bata at ang mga taong walang utak! She is so freaking ignorant, pinasasakit niya ulo ko. Alam mo yun? Kaya hindi ako naniniwala. Hindi talaga. Hindi ba siya natatakot sa akin? Ako pa ang pinagtripan ha!" Inis niyang sabi.

"I know its funny. Kung pinagtri-tripan ka niya, do the same, kung nagtri-trip lang siya sayo. Kapag nagsasabi siya ng totoo eh di wala."

"You know what that's what I do. This plain and boring life, pwede ko siyang pagtripan din dahil tinatarantado niya ako. Imagine bro, bigla lang sumulpot yang babaeng yan. Baka nga ginagawa niya yan para mapansin ko!"

"She's not a problem to me. Nakakatuwa nga siya. She made me laugh when I first saw her in the pathway kung nasaan yung malaking puno. .."

"...wala siyang alam sa mundong to"

"That's why she's ignorant!"

"At inosente".dugtong kong sabi.

"Bakit ba natin siya pinag-uusapan? Tss"

"Ewan ko sayo. Pasok na nga tayo sa loob" sabi ko at naglakad na kami papasok sa Bar.

********

                    RYIANELLA POV

Pagkalabas ni Vler ay maya-maya lang ay lumabas din ako. Masyadong matao at ang sakit ng mata dahil sa ilaw na patay sindi na ibat-iba pa ang kulay. May malaking bula rin sa taas na may butas butas. Ang galing talaga.

Sa tabi-tabi naman ay may nakaupo at nag-uusap.

Buti nalang hindi ako nawala at nakalabas na ako.

Nakita ko silang dalawa na nag-uusap.

Nagsisigarilyo na naman. Tigas ng ulo.!

Nagtago ako sa isa sa mga kotse na nakapark sa labas ng Wild Bar na to. Yun yung nabasa ko taas.

Pinakikinggan ko ang pinag-uusapan nila. Ngayon ay nagsisisi na ako dahil sa mga naririnig ko galing sa kaniya. Kahit medyo di ko naiintindihan yung iba. Sana lang di mura yun dahil masama yun.

"Sinabi niya ba na Guardian Angel ko siya at naging tao dahil sa akin? Naniniwala ka ba don? Sino bang puta na maniniwala don? Ang mga bata at ang mga taong walang utak! She is so freaking ignorant, pinasasakit niya ulo ko. Alam mo yun? Kaya hindi ako naniniwala. Hindi talaga. Hindi ba siya natatakot sa akin? Ako pa ang pinagtripan ha"

"You know what that's what I do. This plain and boring life, pwede ko siyang pagtripan din dahil tinatarantado niya ako. Imagine bro, bigla lang sumulpot yang babaeng yan. Baka nga ginagawa niya yan para mapansin ko!"

Di ko napansin at namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Bigla ko lang itong pinahiran. Pumasok na lang ulit ako sa loob. Nakayuko ako habang naglalakad ng may nabangga ako. Inangat ko ang paningin ko at tumingala. Ang tangkad kasi niya at kulay dilaw ang buhok niya. Ang astig nga eh at ang tangos ng ilong niya.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya" paumanhin ko.

"It's alright babe. Are you alone?"

"Ha?"

"I said are you alone?"

Nge! Parehas pala tong magsalita nina Xyion at Vler eh. Nakakainis naman o. Di nga ako masyadong nakakaintindi eh! Huhuhu. Naiiyak na naman ako.

"Sige alis na ako" sabi ko sa lalaki ngunit hinawakan niya lang ang kamay ko. Pilit kong inaagaw sa kaniya yung kamay ko ngunit ang lakas niya.

"Bitawan mo ako!"

"Hey! I need someone to talk to. Don't go away" sabi niya ngunit di ko naintindihan ng bigla lang natumba tong lalaki dahil sinuntok ni Vler.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Vler.

Tinignan ko si Xyion. Nakatayo lang to habang yung kamay nasa bulsa at ni hindi ako tinignan.

Ganito na ba talaga siya? Ang sama niya talaga. Walang pakialam sa kapwa.

"Ayos lang ako Vler" sagot ko kay Vler.

Tumayo na yung lalaki at sinuntok niya si Vler dahilan para dumugo yung gilid ng labi niya. May dalawang lalaki na lumapit at tinulungan yung lalaking kulay dilaw ang buhok. Siguro kasamahan ng lalaking yun.

"Mag-ingat ka Vler" sabi ko habang pinauulanan niya ng suntok ang lalaking dilaw ang buhok. Sinikmuraan niya ito at sinipa sa gilid ng ulo. Nagkakagulo na ang lahat. Ni walang kahit sino ang umawat sa kanila.

"Tigilan niyo na yan!" Sabi ni Xyion sa dalawang lalaki na aakmang suntokin si Vler patalikod.

"Wag kang makialam ah!" Sigaw ng lalaki sa kaniya

"Paano yan eh gusto ko." Sabi niya at isang suntok lang sa mukha ay napatulog na niya agad ang lalaki.

Ang galing!

Binasag ng lalaki yung bote at isasaksak sana kay Xyion kaya tumakbo ako at hinarangan si Xyion. Nakatalikod kasi siya dahil pinagsisipa niya sa mukha yung lalaki kaya sa akin nasaksak yung bote na binasag ng lalaki.

"Ryianella!" Rinig kong sigaw ni Vler, babagsak na sana ko sa sahig ngunit may sumalo sa akin, si Xyion.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon