Day 61

755 24 1
                                    

                    XYION'S POV

Bigla kami napatigil sa pagtakbo ng narinig namin ang malakas na pagsabog.

"Fuck!" Pagmura ko at tumakbo ulit. Nakita namin ang malaking butas sa pader. Dali-dali kaming pumasok don at nakita ko na karga nila si Ryianella. Ipinasok pa to sa kulay brown na tela at may tali sa taas.

Nanggigigil ako sa galit. Halos hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang alam ko lang, galit na galit ako. Sinugod ko sila pero yung may hawak kay Ryianella ay nakapasok na sa loob ng itim na van at pinaandar na ito. Naiwan ang isang lalaki na hawak ko sa kwelyo at pinagsusuntok ang mukha.

"Saan. niyo. siya. da.dal.hin!" Sabi ko sa bawat suntok ko sa kaniya.

"Bwesit!"- Rodjan

"Ryianella!"- Herea

"Kainis!"-Cerian.

Hindi ko sila pinansin. Pinagtatadyak ko ang lalaking to na nasa 30s o 40s ang edad.

May humawak sa braso ko at hinila ako palayo sa lalaki.

"Tama na. Mapapatay mo siya" sabi ni Vler ng seryoso. Di ko napigilan ang sarili ko at umiyak na lang.

"Fuck! Vler! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Si Ryianella?! Si Ryianella, kinuha nila." Iyak kong sigaw na may halong galit.

"Bro? Huminahon ka. Nilagyan ko ng tracking device ang van nila. Itinapon ko lang yun kanina bago pa nila mapaandar ang sasakyan nila at sigurado ako na dumikit ito. Look." Sabi ni Vince sabay pakita ng phone niya.

"Diba sa Squatter's area nila dadalhin? They changed their hideout." Dagdag niyang sabi.

"Sundan natin" sabi ni Cerian at dali-dali kaming tumakbo papunta sa harap ng school. Inikot lang namin ang labas ng school building hanggang sa nakarating na kami sa parking lot.

"Herea? Don't come with us. It's to dangerous. I'll text you the address and call the police. Okay?" Sabi ni Vler at tumango lang si Herea saka pumara ng taxi.

Sumabay ako kay Vince. Siya ang nagmamaneho habang ako ay hawak ang phone niya. Galit kong tinitigan ang pulang dot na gumagalaw palayo sa amin.

Bwesit talaga! Bwesit ka Sunny. I swear kapag nakita kita, babalian kita ng buto kahit babae ka pa. I don't fucking care! If I saw just a little scratch on her, I'm going to make you suffer.

Sa kakatitig ko sa phone ni Vince ay bigla lang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko to sa bulsa ko. Napatingin pa kami ni Vince sa isa't-isa bago ko ito sinagot. Ni-loud speaker ko to.

Unregistered number.

"Hello!" Inis kong sabi.

"Xyion, my nephew! How are you?"

"Fuck woman! Give me back my wife! Now!" Galit kong sigaw.

"Parating na sila dito. Sa tingin mo ibibigay ko siya sayo? No way! Ha-ha-ha. But-- unless...iurong mo ang kaso at pakawalan si Kuya Garry at ang husband ko! And half of your money dapat ibigay mo sa amin. Pasalamat ka nga may natira pa sayo" sabi niya sabay tawa na nakakainis.

"Shit! Fine! Just make sure walang mangyari sa kaniya dahil tinitiyak ko sayong babae ka, I'll hunt you down wherever you go!" Sabi ko sabay patay ng tawag.

"Stupid!" Sabi ko.

"Yeah, you're right. She's stupid! Nandito na tayo sa Gambrige. Mga taong katulad nila ay walang kaalam-alam sa mga babies ko. Ang galing!" Sabi ni Vince sa akin.

Pinarada namin ang mga kotse namin malayo sa bahay na pinagdalhan ni Ryianella. Napapalibutan ng puno ang bahay at medyo malayo sa bayan.

Alas sais na ng gabi ng nakarating kami.

"So what's the plan?" Tanong ni Cerian.

"Our goal here is to make her safe." Sabi ko.

"I know its part of the plan. But bro? Wala ba tayong you know, guns?" Sabi ni Rodjan

"Nandito sa compartment." Rinig naming sabi ni Vince kaya pumunta kami sa likod ng kotse niya.

"Shit bro! Ang ganda ah!" Manghang sabi ni Rodjan.

"Latest yan! Alagaan niyo yan ha?" Parang ewan na sabi ni Vince.

"Look? We're going to use this if we really need to"  sabi ko sa kanila at tumango lang sila.

"Nandiyan sa loob ng bahay na iyan si Ryianella. Hindi natin alam kung ilang tao ang nandiyan. Kaya maghanda kayo." Seryoso at malamig kong sabi. Pero sa kaloob-looban ko ay todo kaba at takot ang nararamdaman ko. Sana maging maayos ang lahat.

"I already texted, Herea." Biglang sabi ni Vler.

"Pasukin na natin" sabi ko sa kanila at dahan-dahan na naglakad papalapit sa bahay. May dalawang lalaki na lumabas kaya dali-dali kaming nagtago sa puno at damuhan.

"Bukas tiba-tiba tayo nito. Haha"

"Tama ka diyan, tol. Bukas makakalabas na si Mic"

You fucking wish, idiots!

Rinig naming sabi nila. Sinenyasan ko si Rodjan at Cerian na patumbahin nila ang dalawa at tumango lang sila sa akin. Lumabas sila sa pagkakatago sa puno at hinawakan ni Cerian ang ulo ng lalaki at binali ito, si Rodjan binatukan niya to gamit ang baril. Natumba na ang dalawang lalaki. Hinila nila ito at itinago sa damuhan.

******

Nakasilip si Rodjan sa bintana.

"What?!" Inis kong tanong.

"Si Sunny at may apat na lalaki siyang kasama." Sabi ni Rodjan at sumilip rin si Cerian.

"Wala si Ryianella sa sala" sabi ni Cerian.

"She's picking her phone. May tatawagan ata." Sabi ni Rodjan.

Shit!

Alam ko na tatawagan niya ako kaya agad kong in-off ang phone ko.

Muntik na.

"Ang daming lamok" reklamo ni Vince.

"Tss!"-Vler

"Hindi siya ma-contact! Bwesit" rinig kong sabi ni Sunny mula sa loob.

"Baka gusto niya na may mangyari sa babae niya. Ginagalit mo ko Xyion! Answer the call! Shit!"

"Bro? Baka may gawin siya" -Cerian.

"Tss. Don't worry. Bago niya gawin yun. Uunahan ko muna siya." Seryosong sambit ko.

"Huminahon ka, Sunny. Baka na lowbat lang. Naki-charge. Hahaha. Tawagan mo na lang ulit mamaya. Hindi niya naman hahayaan na may mangyari don."

"Haist! Nasaan na ba yung dalawa. Nasaan sila? Apat nalang kayo."

"Nasa labas lang ang dalawa. Si Bert naman hindi namin alam. Umuwi siguro."

"Alam mo naman ander de saya yun. "

"Oo nga"

"Tanga! Bugbog sarado na nga!" Rodjan

"You know idiots people acts and speak idiot also." Cerian.

"Pasukin na natin. Anong laban ng mga yan sa atin. Mga walang alam naman.-- Bwesit na lamok to! Kanina pa kayo ah! Aaiish!" -Vince

"Huwag kayong padalos-dalos"  sabi ni Vler.

"Tumahimik kayong tatlo diyan. Tss!" Pagsaway ko sa tatlo. Ang ingay kasi eh. Bwesit.

"Umalis si Sunny" sabi ni Rodjan habang sumisilip sa bintana.

"Ngayon na" sabi ko sa kanila at nagsitayuan na kaming lima.

I'm coming my love. I'm going to save you. I'm here now. Just stay still.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon