Day 70

683 25 0
                                    

                        XYION'S POV

Nandito ako sa veranda, kitang-kita ko ang magandang tanawin ng dagat habang kausap si Attorney Jayci. I'm still sleepy dahil sa pinag-gagawa namin kagabi.

We're just freed those fish and poured them on the sea. -_____-

Nagising lang ako dahil sa tawag niya.

"Sounds sleepy, eh"

"Tss! Did you do it?" Tanong ko sa kaniya saka humikab.

"Yes, Mr.Mackhor. I'm done with her papers. She is now registered."
Sabi niya.

"Good! I know you have  a lots of questions running in your mind but I won't answer that."

"I understand. Besides, I'm not that kind of person minding other's matter."

"Good to hear then. So, what's her name?"

"Angel Ryianella Hermancha-Mackhor. The 'Hermancha' clan exist on the other places so that surname of her is safe. I do all my powers, Mr. Mackhor and I can assure you, you have nothing to worry about. Its fix now." He said and I smiled the thought of her that she is now legal and bring my surname as her husband. I can't help it but to smile because of joy.

"I know." I said and he bid a goodbye to me before he ended the call.

"Xyion?!"
Lumingon ako at nakita ko siya sa likod ko na nakangiti sa akin.

"Sinong kausap mo?" Tanong niya.

"Attorney Jayci" tipid kong sagot.

Pumasok na kami sa loob at humiga ako sa kama. Antok na antok pa ako dahil ginising niya ako sa kalagitnaan ng gabi para lang pakawalan ang mga isda. Hindi niya alam na naipaayos ko na kay Vince ang lahat, mula sa CCTV ng hotel hanggang sa mga security guards. Kaya ligtas kami kahit pinakawalan namin ang mga isda sa aquarium. Tinawanan pa nga ako ng mokong dahil sinasabayan ko raw ang kabaliwan at kaignorantihan ni Ryianella. Binatukan ko nga siya sa mga oras na yun.

"Bakit daw?" Tanong niya ulit.

"Stop asking, wife. I'm so sleepy. You should stay here while I'm sleeping. Huwag kang lumabas." Antok kong sabi sa kaniya.

"Pero lumabas na ako kanina. Hehehe" sabi niya.

"What?!"inis kong sabi sabay bangon kaya naka-indian sit na ako sa kama.

"Kasama ko naman sina Herea. Nag-jogging kami. Ang saya nga eh. Ginising nga kita ngunit hindi ka magising-gising. Hindi ko pa naman dala yung takip ng kaldero at sandok" nakanguso niyang sabi at napahiga nalang ako ulit sa kama at tinakpan ang mukha ng unan.

"Huwag kang lumabas" sabi ko ng seryoso.

"Pasensya na, Xyion. Galit ka ba?" Tanong niya. Agad ko namang tinanggal ang unan na nakatakip sa mukha ko at tinignan siya na nakatayo sa gilid ng kama.

I smiled to her.

"I'm not, wife" sabi ko sa kaniya at bumangon ako kaunti para mahila siya papalapit sa akin. Napaupo siya sa kama at niyakap siya ngunit bigla niya akong tinulak ng mahina.

"Waah! Ang lagkit ko, Xyion baka dumikit ka sa akin. Galing kaya ako sa jogging, nagpapawis tapos yayakap ka sa akin" sabi niya ngunit niyakap ko parin siya ng mahigpit.

"Ayan. Dikit na dikit na ako sayo." Sabi ko habang nakayakap sa kaniya saka tumawa ng mahina.

"Waaah! Xyion naman eh!" Reklamo niya.

Kumawala ako at hinalikan siya sa labi. It was just a smack.

"Maliligo muna ako" sabi niya ng nakayuko. Kita ko pa ang pagpula ng mukha niya.

"Inaantok pa talaga ako, wife. Gisingin mo nalang ako pagkatapos mong  maligo" sabi ko at tumango lang siya bago siya naglakad papasok sa banyo.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

             THIRD PERSON'S POV

Kasalukuyang nilamon ulit ng antok si Xyion. Nanaginip siya sa kanilang dalawa ni Ryianella na nagpapakasal sila sa simbahan ng biglang nilamon ng dilim ang lahat.

Nasa kalagitnaan siya ng isang lugar na ubod ng dilim. Wala kang makikita na kahit anong bagay. Na pati ang liwanag ay hindi inaanyayahan. Palinga-linga lang si Xyion sa paligid. Mismong mga kamay niya ay di niya nakikita. Sa di kalayuan, nakatayo sa harapan niya ang masamang anghel. Nakangiti ito ng nakakakilabot. Bigla lang umapoy ang kaniyang itim na pakpak na naaninag naman agad ni Xyion. Kinurap-kurap niya pa ang kaniyang mga mata para makita niya ng mabuti, ngunit tanging nag-aapoy na pakpak lang ang kaniyang nakikita sa lugar na madilim.

"Xyion?" Tawag nito sa kaniya. Nagtaka naman ito kung bakit alam ng nilalang na iyon ang kaniyang pangalan.

"Sino ka?!" Inis nitong sabi.

"Diba gusto mo ako, Xyion? Gusto mo ang kadiliman? Diba?"

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Huwag ka ng magkaila, Xyion. Alam mo at alam ko ang mga masasamang bagay na nagawa mo noon." Sabi ng masamang guardian. Si Xyion namin ay inis na pinagmamasdan ang bagay na nakikita niya na umaapoy. Lalapitan niya man ito pero parang ang layo niya parin.

"Tumigil ka! Iba na ako ngayon!"

"Hindi ka iba, Xyion. Hinding-hindi dahil parehas lang tayo at dapat sa akin ka. Mga masasamang bagay na ginawa mo noon ay patunay na mapupunta ka sa akin pero umepal ang butihin mong guardian. Dapat sa amin ka na. Dapat kampon ka na ng mundong ilalim. Pasalamat ka pa nga at hindi ka mapupunta sa ilog ng nagbabagang apoy kung mamamatay ka man." sabi nito na hindi naiintindihan ni Xyion.

Bigla nalang nag-aapoy ang paa ni Xyion dahil nakaapak siya sa ilog ng nagbabagang apoy na kung saan napupunta ang mga masasamang tao at isinusunog ang kaluluwa nito.

May mga kalansay na kamay na kumakapit sa kaniyang paa. Pinagta-tadyakan niya ito pero wala paring nangyayari.

"Sino ka ba?!" Inis na sigaw ni Xyion. Gusto niyang tumakbo pero parang dumikit ang paa niya. Nasusunog man ang kaniyang paa pero wala siyang nararamdaman na anumang sakit o napapaso.

"Alam ko na masama ako pero nagbago na ako at dahil yun sa kaniya.!" Sigaw niya at tumawa lang ang masamang guardian.

"Hahaha. Nagbago ka nga pero hindi parin maiaalis na naging masama kang tao. Huli na ang lahat dahil ikaw ang napili at nakatakda na maging katawan at laman ng aming panginoon" sabi nito.

"Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi mo! Tumigil ka!. Wala kang mapapala sa akin dahil nagbago na ako.!"

"Kung ayaw mong may mangyari sa babaeng mahal mo, huwag ka ng kumontra pa.!" Sigaw ng masamang guardian sa kaniya. Napapikit siya sa kaniyang mga mata at napayukom ang mga kamay niya.

"HUWAG NA HUWAG MO SIYANG GAGALAWIN! KUNG SINO KA MAN! STAY AWAY FROM HER!!" Galit na sabi ni Xyion at nag-apoy lalo ang mga paa niya papunta sa tuhod niya. Napangiti naman ang masamang guardian sa kaniya.

'Ganiyan lang. Magalit ka Xyion. Magalit ka' sa isip ng masamang guardian.

"Nasa sayo iyan, mahal kong alaga" sabi ng kaniyang masamang guardian at bigla nalang siyang nagising na nakayakap si Ryianella sa kaniya na umiiyak sa kaniyang dibdib.

"Xyion!" Tawag ni Ryianella sa kaniya sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Xyion na umiiyak.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon