Day 12

1.2K 42 0
                                    

                       XYION POV

Tatlong araw ko ng kasama si Ryianella sa bahay. Walang tao ang malaking masyon na to which made me feel relax dahil wala ang mga kapatid ng tatay ko at pamilya nila. Si Mic, nagbabakasyon kasama ang completo niyang pamilya, gamit ang pera ng magulang ko. Si Garry ay inaasikaso ang maliit niyang business na lumaki na ngayon, at dahil na naman sa pera ng mga magulang ako. Alam ko na pinakikisamahan nila ako dahil nasa kasunduan yun.

Mag-isa lang ako, since my parents died. I really missed them so much.

Nasa kwarto ako ngayon at si Ryianella naman ay nasa kwarto ko rin nanonood ng TV. Saturday ngayon kaya walang pasok.

Para siyang baliw nong binuksan ko ang tv kanina.

Flashback...

Nakahilata lang siya sa sahig, may mat naman kaya hindi malamig. Kanina niya pa nilalaro ang pusa niya na pinipilit na aso daw yun. Alam niya daw na aso ang hayop na inaalagaan niya dahil aso daw ang sabi sa kaniya. Napahilot lang ako sa noo ko. Kapag makipagsabayan pa ako sa kaniya baka mabaliw lang ako.

Yung GUARDIAN ANGEL thingy niya, hindi naman sa naniniwala na ako ng buo. Hinayaan ko nalang siya. She seem harmless naman at sa itsura niya malabong may masamang hangarin to. Isali niyo pa ang pagiging ignorante niya.

--->__<---

Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV para manood. Nababagot narin kasi ako. Mamaya pang hapon yung lakad namin ng mga mokong na yun.

Nanonood ako ng Now you see me 2. Bigla siyang tumayo at naka-indian sit malapit sa TV habang hinahawakan ang screen ng TV. Muntik ko na nga mabato tong remote sa kaniya.

-__-!

"Grabe!"

Ang ingay!

"Waaah. Ang galing nito ah. May maliliit na tao sa loob.!"

Ang ingay niya!

"Astig nila. Lalo na yung babae."

Ang ingay talaga. ¢ >____<¢

"Xyion? Bakit napunta sila diyan?"

Tumahimik ka.

"Xyion?"

"Psst?"

"Kinulong mo ba sila diyan. Kawawa naman ang mga taong yan nakakulong sa malapad na kahon na to" lungkot niyang sabi habang hinawakan ang TV

Nakaharang ka di ako makakita ng maayos!

"Xyion? Ang sama mo talaga. Ilabas mo sila dyan!" *pout*

"Tangina! Tumahimik ka na! Pwede ba? Manood ka nalang. Hindi ko sila kinulong diyan, palabas yan. Okay? Napaka-ignorante mo. Isang ingay mo pa malilintikan ka na sa akin" pagbabanta ko sa kaniya ng bilang nag ring yung cellphone ko.

Tumayo na ako at kinausap ito. Silang Rodjan lang ang tumawag.

End of Flashback...

Kasalukuyang nanonood ng Tv si Ryianella. Iniwan ko siya don at bumaba para kumuha ng pagkain.

********

                  RYIANELLA POV

Sobra talaga akong humahanga sa tinatawag nilang TV. Ang astig talaga nito. Sana meron rin kami nito sa langit. Hays! Kalungkot.

Biglang napunta sa babaeng maputi na may pinapahid sa braso  at binti niya na kulay puti. Pagbasa ko don Skin White Lotion.

"Yieee! Ang ganda niya" manghang sabi ko at naisipan kong pumunta sa banyo dahil lalabas na naman yung tubig na mainit.

Pumasok ako sa banyo at don pinalabas yung tubig na mainit. Nararanasan ko na to nong naging tao na ako.

Humarap ako sa salamin, hihi! Alam ko to dahil meron kaming ganito sa langit, yung makikita mo ang nakaraan at kinabukasan ng isang tao samantalang ito, kamukha mo lang ang pinapakita ng salamin nato. Ang iyong kambal. Pero magaling rin ang salamin nila. Ang astig nga.

Napunta yung tingin ko sa isang pahabang bagay na may kulay asul at pula.  Hindi ko alam ang mga to pero natutuwa akong paglaruan to.

Tinanggal ko ang takip nito at may puti na lumabas katulad nong sa TV.

Ano naman ang gamit nito? Ah! Hehe alam ko na. Katulad nong sa TV, ipapahid sa braso at binti.

Kumuha ako nito at pinahid sa braso ko pati sa binti ko ng biglang bumukas yung pinto ng banyo.

"Ryian-- What the fuck! Anong kaignorantihan na naman ang ginagawa mo ha babae!?" Seryosong tanong ni Xyion sabay titig sa akin ng seryoso, as in, napakatalim at seryoso. Ang lalim din ng hinga niya at napahilot narin sa noo niya.

Bakit?

"Wala akong ginagawa, Xyion. Grabe ka naman kung makapagsalita. Gumagaya lang ako sa TV na pinahid to--" putol kong sabi dahil sumigaw na siya sa akin. Galit na talaga siya. As in!

"That's not a lotion, Ryianella. Shit! HINDI YAN LOTION DAHIL COLGATE YAN!Why am I explaining this to you!" Sigaw niya sa akin at nabitawan ko nalang tong colgate na pinapahid ko sa braso at binti ko. Awohuhuhu:-(

"A-ano yung lotion?hehe" alanganin kong tanong.

"Urgh! Ewan ko sayo. Lumabas ka na diyan at kumain na rito!" Sigaw niya ulit at dali-dali naman akong lumabas sa banyo at pumunta sa sofa.

Nadatnan ko siya na may kinakausap sa palad niya na nasa tenga niya.

Anong ginagawa niya?

"Yes!"

"Mamaya na!"

"Just do it!"

Rinig kong sabi niya.

Hala! Galit siya sa tenga niya?

May nakita akong itim na pahabang bagay at pinasok niya yun sa bulsa niya umilaw pa nga ito

"Ano yon?"

"Ang alin!?"

"Yung pinasok mo sa bulsa?"

"Tss. Stop Asking!"

Ang sama! Nagtatanong lang eh.

Bigla namang may bagay na tumunog. Galing lang pala sa bulsa niya at tumayo ito kaharap ang bintana. Likod niya lang ang nakikita ko.

"Tomorrow"

"Yes!"

"Teach her all the things that she need to learn. All the things. Para di  maging ignorante ang babaeng to. She gave me so much of headache"

"Do your job well!"

Sabi niya sa bagay na hawak niya.

Kumain lang ako ng kumain samantalang siya ay lumabas lang ng silid niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko bago siya tuluyang makalabas sa pinto.

"Stop asking and eat!" Sabi niya at sinarado na niya ang pinto ng malakas.

Parati nalang galit. Grabe na talaga. Galit nalang sa lahat, mapalaki o maliit na bagay. Nagtatanong lang eh. Kaiyak na. Kain nalang ako.

"Asoo! Halika rito. Kakain tayo. Dali" tawag ko kay Aso at lumabas naman agad siya sa ilalim ng sofa. Pag nandito si Xyion, nagtatago lang to, natatakot siguro. Pag wala naman akala mo tong asong to kaniya ang silid na to. Hmm.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon