Day 42

852 34 1
                                    

   A/N: Hello guys! Sorry for waiting. Here's the update. Thank you for reading. Vote and comment if you want.              

                     SUNNY POV

Kagabi pa ako di mapakali. Hanggang ngayon kasi ay di pa umuuwi sila Kuya Garry at Mic. Hindi nga ako nakatulog sa kakaisip.

Narinig kong nag ring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa desk at tinignan ito kung sino.

Hindi nakaregister. I pressed the answer button at itinapat sa tenga ko.

"H-Hello?"

"Honey?!"

"Mic? Ikaw ba yan?"

"Oo, ako to"

"Nasaan kayo? Bakit di kayo umuwi?" Kinakabahan kong tanong.

"Nakakulong kami ngayon. 5 mins lang ang binigay sa akin para makausap ka"

"Ano? P-paano? Nalaman na ba ni Xyion? Pati ba ako, makukulong?" Taranta kong tanong.

"Hindi, honey. Calm down, okay.? Akala ni Xyion mananalo na siya. Honey? Puntahan mo yung mga kaibigan ko sa squatter's Area. Sila yung inutusan ko na kunin ang babae ni Xyion. Yan lang ang paraan para iatras niya ang kaso sa amin. Nakuha mo ba? Alam na nila ang mukha niyan dahil nong nandon si Xyion sa ReCage, ay pinapunta ko sila don. Alam na nila ang kanilang gagawin"

"Huwag kang mag-alala, honey. Ilalabas ko kayo diyan ni Kuya Garry. Ayos ka lang ba diyan?"

"Oo ayos lang kami dito. Sige na. Ibababa ko na. Yung pinagagawa ko" sabi niya at ibinaba na niya ang tawag.

Wag kayong mag-alala.I lalabas ko kayo diyan. Gaganti tayo kay Xyion sa pagkulong niya sa inyo. Napakulong niya nga kayo, pero sisiguraduhin ko na makakaganti kayo sa kaniya. Kukunin natin ang babae niya.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

                 RYIANELLA POV

Gusto ko nang bumangon pero hindi ako makabangon dahil yakap na yakap ako ni Xyion. Sa tuwing i-aangat ko ang katawan ko para bumangon ay niyayakap niya ako ng mahigpit. Ngayon wala na akong kawala.

Lalabas na yung mainit na tubig. Naiihi ako. Ang hirap palang maging tao, nagugutom, dumudumi at naiihi ka. Huehuehue.

"Xyion?" Mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"I'm sleepy wife. Shh"

"Bumangon ka na."

"Hoy! Xyion? Babangon na ako"

"Stay"

"Huh?"

"Dito ka lang sa akin. Dito ka lang sa tabi ko"

"Tumatayo balahibo ng batok ko sayo, Xyion. Yung hininga mo..."

"...Xyion? Ano ba? Gusto mo dito ko ilabas ang ihi ko?" Pagkasabi ko non ay bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Takot pala maihian. Bwahaha.

Agad akong tumakbo sa banyo at don umihi. Pagkatapos ay lumabas na ako.

Tulog ulit

Nakatagilid siya habang yakap ang unan niya.

Niyugyog ko siya para magising ulit.

"Xyion?"

"Hmm?"

"Gising na"

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon