Day 51

823 28 0
                                    

                      XYION'S POV

"Hey Bro? I change my mind. Punta nalang kayo dito sa condo ko" sabi ni Vince sa kabilang linya.

"Okay" sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Nasa parking lot kami ng school ngayon. Tapos na rin naman kasi ang klase kaya uwian na.

"Sinong tumawag?" Tanong ni Cerian.

"Si Vince. Punta daw tayo sa place niya" seryosong sabi ko at nakakunot naman ang noo niya.

"May problema?" Tanong ni Rodjan.

"I don't know." Sabi ko nalang at pumasok na kami sa kaniya-kaniyang sasakyan.

"Xyion?" Biglang tawag ni Ryianella sa pangalan ko. Nasa kotse kami ngayon at nasa daan ang mga mata ko. Pagkatawag niya sa pangalan ko ay nilingon ko siya.

"Bakit?" Tanong ko saka ngumiti sa kaniya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya

"Kay Vince" sagot ko at di na siya nagtanong pa.

Nandito na kami sa Blujay Condominium. Nag-park na kami at saka naglakad papasok sa building. Pagpasok namin ay agad na kaming sumakay sa elevator papunta sa floor ni Vince.

Ano naman kaya ang sasabihin niya? Kilala ko si Vince. Alam ko may natuklasan siya. Eh siya pa daig pa ang isang detective at magaling na hacker. Pang pamatay oras niya lang ang mga ganon. Kumbaga, hobbies niya maliban sa pangbababae. Tss.
Sila na ang talented, ako na ang wala. Ang talent ko lang ay mahalin si Ryianella at protektahan.

"Vince we're here" sabi ni Rodjan habang nakatingin sa screen at may pinindot.

"Door open" at bumukas na ang pinto. Agad na kaming pumasok.

Nasabi ko na rin ba na may pagkaadik si Vince sa high-tech technologies? -_-

"Ang arte" nasabi ko na lang. Nakita namin siya sa sala niya, nanonood ng TV.

"Hi guys!"masayang bati niya

"Himala. Pinapunta mo kami sa condo mo na iwan." Sabi ko

"Papyesta na ba kami?" Segunda ni Cerian at nagtawanan sina Rodjan at Cerian. Sumimangot lang si Vince.

"Hi Vince" rinig kong bati ni Ryianella at nginitian niya lang ito.

"Have a seat girls and boys. Haha." Sabi niya at umupo na kami. Kumuha siya ng alak at juice naman para kina Ryianella at Herea. Kumuha rin siya ng pagkain.

"Ano ang pag-uusapan natin?" Agad kong tanong. Eh bakit ba? Na-curious ako eh. Sumeryoso naman ang mukha niya na kanina ay tawa ng tawa.

"Wow! Ang ganda ng bahay mo, Vince" manghang sabi ni Ryianella.

"Herea? Samahan mo muna si Ryianella maglibot-libot." Sabi ni Vince at tumango lang si Herea.

"Sige! maglibot tayo, Herea" sayang sabi niya.

"Don't do stupid, wife" paalala ko at ngumuso lang siya.

"Speaking of that. Magpapa-annul pa ba kayo?" Tanong ni Rodjan.

"No. And I'm planning to marry her--again. Church wedding" sabi ko saka ininom ang alak na nasa baso ko. Nagsi-apiran naman ang dalawa.

"Well, para mangyari yan kailangan natin biguin ang may balak sa inyo" seryosong sabi ni Vince. Nagkatitigan kaming dalawa.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon