Day 88

486 15 0
                                    




Vler's Pov

I saw Ryianella on the middle of the road, kneeling down while crying so hard. I heard all her sobs that made me in pain and useless because I do not know how to ease the pain inside her. I know she's suffering inside.

Nasa likod niya lang ako. Nakatayo habang pinagmamasdan ang buwan na tila ba nahahaluan ng kulay pula. This is not an ordinary night. Is this the start of the end?

I removed my leather jacket and placed it on top of her shoulder. I hugged her from behind. Bigla ko nalang siya niyakap ng maluwag ng naalala ko may sugat pala siya sa likod. I saw a blood stain on her shirt.

"Ryianella!" Natataranta kong tawag sa kaniya.

"Xyion! Pa-pakiusap mahal. Bumalik ka! H-huwag m-mo kong iwaaan!!" Sigaw niya at humahagulhol ng malakas.

"Iyong sugat mo sa likod!" Alalang sabi ko at pinatatayo siya pero ayaw niyang tumayo.

"B-bitawan mo k-ko, Vler. Hihintayin ko si Xyion rito" sabi niya. I pulled my hair out of frustration and anger.

I controlled my temper, not to burst in anger. I'm mad because of what is happening that made us all suffer, especially her. I can't afford seeing her like this.

"Huwag na matigas ang ulo. Gagamutin natin yang mga sugat mo sa katawan." Sabi ko at pinatatayo siya uli pero tinutulak niya ako palayo.

"Si Xyion ang gusto ko!" Sigaw niya.

"For fucking sake, Ryianella! Can you please for this time think of yourself!" Naiinis kong sabi. Nakatayo lang ako at nakayuko lang siya habang nakaupo sa malamig na semento.

"Sa tingin mo madali sa akin ang lahat ng to? Lalo na sayo! Damn, your making me weak every time I see you cry and in pain. Tigilan mo na ang pagpaparusa sa sarili mo. Hindi mo kasalanan ang lahat. Alam ko na you'd tried everything for him pero wag naman ganito.." sabi ko at lumuhod sa harapan niya.

"...nasasaktan ako." Dugtong kong sabi na di ko namalayan tumutulo na pala mga luha ko.

"Vler" tawag niya sa akin.

Inangat ko ang paningin ko at nakita siyang nakatitig sa akin ngayon na halatang nagulat dahil sa pagluhod ko at lalo na sa mga luha ko na ngayon niya lang nakita.

"Ayusin mo ang sarili mo, Ryianella. Lahat ng mga tao na nasa paligid mo ay nag-aalala sayo. Pakiusap, ibalik mo si Ryianella na malakas at hindi nanghihinaan ng loob, si Ryianella na masayahin. I miss her so much..." pagmamakaawa ko sa kaniya

"...please" dugtong kong sabi.

"Hindi mo maliligtas at maibabalik si Xyion sayo kung ganiyan ka." Sabi ko at agad niya akong niyakap.

"Pa-pasensya na Vler. Sa lahat-lahat. Nang dahil sa akin nahihirapan ka. Pasensya na talaga. Tama ka, dapat hindi ako ganito." Iyak niyang sabi habang nakayakap sa akin. I tapped her head and kissed her forehead.

"I'm willing to sacrifice everything for you because you are important to me" bulong kong sabi. Hindi ko alam kung narinig ba niya o hindi.

"Making scene under the moon"-Vince

"In this situation.."-Rodjan

"...acted like everything is fine"-Cerian.

Rinig ko ang pinagsasabi ng tatlo na nasa likuran ko. Humiwalay si Ryianella sa pagkakayakap sa akin. Inalalayan ko siyang tumayo at hinarap namin ang tatlo na nakangiti ng nakakaasar. Parang asong ulol!

"Don't give us that death glare" tawang sabi ni Rodjan na ikinainis ko lalo.

"Okay ka lang, Ryianella?" Tanong ni Cerian sabay naglakad papalapit kay Ryianella.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon