Day 34

917 31 0
                                    

                    RYIANELLA POV

Pagkasabi ni Vler na susundan ko si Xyion ay naglaho na ako. Pagmulat ng mga mata ko ay nasa isang silid. Nakatayo lang ako sa medyong madilim na sulok sa kwarto na kung saan di ako mapapansin. Sa mata nila hindi nila ako nakikita. Ginamit ko kasi ang kapangyarihan ko. Pinanonood ko lang si Xyion sa ginagawa niya. May apat na lalaki na nakatali sa kanilang upuan.

Nag-alala ako kay Xyion. Alam ko na galit na galit siya ngayon. Pinanonood ko lang siya at nagdesisyon na huwag munang makialam.

Grabe talaga ang pagdadasal ko nong tinutukan niya ng baril ang mga lalaki. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang nakakamatay na bagay na iyon.

Nakakatakot siya. Hindi na talaga siya yung Xyion na nakilala ko noon. Hindi ko maatim na tignan ang ginagawa niya sa tatlo. Pinutol niya ang mga dila at tumatayo ang mga balahibo ko sa sigaw nito.

Xyion? Kontrolin mo ang galit mo. Huwag mong hayaan na panalunin iyan. Ikakapahamak mo lang yan Xyion. Paki-usap, huminahon ka.

Lumapit siya don sa lalaki at nagulat na lang ako na barili ang binti nito. Napapikit nalang ako ng mata habang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko kayang tignan na ang isang alaga ko ay may bahid nang masama ng dahil sa galit sa puso niya. Unting-unti na lang, kung papatay siya, hindi na niya ako maging guardian at yung magiging guardian niya ay yung masamang guardian. Magiging alagad siya ng kasamaan at mapapabilang sa kanila. Ang kaluluwa niya ay mapupunta na sa baba. At ayaw kung mangyari yun. Bilang guardian niya tungkulin ko na gabayan, bantayan, at protektahan siya sa anumang bagay o kapahamakan, lalo na kapag magdudulot ito ng masama sa kaniya. Kaya ako naging tao at bumaba rito para gawin ang misyon ko na baguhin siya at magabayan ko ng malapit, maproprotektahan ko ng malapit. Kapag hindi ako nagtagumpay maglalaho din ako.

Iyak lang ako ng iyak at nagdadasal.

May tiwala ako sayo Xyion. Sabi mo susubukan mo diba? Huwag mo lang subukan, gawin mo Xyion. Huminahon ka at huwag magpadala sa galit.

Nasa kaniya lang ang mga mata ko ng biglang sumulpot ang masamang anghel.

"Ryianella? Nagtagumpay ka man ngayon pero sa susunod hindi na at ikaw pa ang magiging rason" ngiting nakakaasar na sabi nito at agad ring naglaho.

Anong ibig mong sabihin?! Anong ako pa ang magiging rason?!

Muli akong tumingin kay Xyion at natuwa ako dahil hindi niya pinatay ang apat.

Xyion? Malapit na. Hindi mo sila pinatay ngayon. Hindi ko man mabasa sa isipan mo ngunit nakikita ko sa mga mata mo. Kinokontrol mo na ang galit mo. A-ayos na, na pinahirapan mo sila, alam ko na mali pa din ang pinaggagawa mo at hindi iyon tama ngunit mas mabuti na rin siguro yun kaysa pinatay mo ang taong pumatay sa magulang mo. Alam ko kung gaano mo hinangad ang pagkakataong to pero hindi mo ginawa. Ang saya ko, Xyion. Sana magpapatuloy pa iyan.

Nang lumabas na siya ay agad akong naglaho ulit. Pagmulat ng mata ko nasa harapan ko na si Xyion.

Alam ko na mahahalata niya na umiyak ako. Tulo pa nga yung sipon ko eh. Pinahiran ko agad nong nakatitig siya sa akin ng seryoso. Tumigil siya sa paglalakad at hindi kumilos.

Ako nalang ang naglakad papalapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito? Gabi na. You shouldn't have followed me. Tss!" Malamig at seryoso niyang sabi sabay kunot ng noo niya. Ibig sabihin lang yan, galit siya o naiinis, pag normal lang. Walang anumang emosyon ang makikita sa mukha niya. Seryosong-seryoso. Hindi ko na siya nakitang ngumiti o tumawa simula nong nawala ang magulang niya. Nakakamiss tuloy na pagmasdan siya ng ganon.

"You're crying-again. Wala akong ginawa" sabi niya ulit. Grabe sa susunod magpapaturo na ako kay Herea. Yung mga nagtuturo sa akin non hindi na pinabalik ni Xyion. Mas okay na daw yung wala akong alam. Ang sama niya.

"Stop crying because of me--be-because of my bad doings. I never promise you but I try and now I did it--for now. But I do not know the next day, next month or next year. Would you be still here beside me and guide me.? Seeing your innocent, kind and beautiful face wants me to stop everything. You're such a trespasser and a thief who just get into my mind and messed everything, and maybe you have my heart now, Ryianella" sabi niya na hindi ko naiintindihan. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakanganga ang bibig. Ramdam ko rin na may tumulo na naman sa ilong ko.

"Sipon ba yan? Tss." Tanong niya at ginamit niya kamay niya para pahiran yun.

Waaah! Kadiri. Ginamit niya ang kamay niya sa pagpunas sa sipon ko..at-at pinahid niya yung kamay niya sa pants niyaaa!

"Good thing you didn't understand me. Tara uwi na tayo. May pasok pa bukas" sabi niya at hinila niya lang ako.

Yohoo! Kamusta naman? Halos hindi ko naintindihan lahat eh! Pambihira! Pag ako talaga natuto, araw-araw ko talaga siya kakausapin ng ganon at matuturuan ko rin yung mga batang angel. Bwahaha. Ang galing ng naisip ko.

Nasa sasakyan na niya kami ngayon. Nagmamaneho siya at ako naman nakatingin lang sa harap.

Ang tahimik namin pareho kaya naisipan ko na magsalita.

Wag kayo. Madaldal ako. Hehehe^___^

"Maraming salamat Xyion. Nakita ko lahat. Nagpapasalamat ako dahil kinokontrol mo na ang sarili mo. Alam ko na gustong-gusto mo na sila tapusin pero hindi mo ginawa..."

"Pag ganiyan ka mapapabilis na ang misyon ko at makakauwi na ako agad" nakangiting sabi ko

"Nagbago na isip ko" seryosong sabi niya habang ang mga mata nasa dinadaanan namin.

"Ano?" Kunot noo kong tanong.

"If it will make you leave me, I will not change myself fully, and I will kill again just for you to be back. Don't leave me, don't leave me also. Don't leave me--alone again." Sabi niya.

Kwaaaah! Saan ang hustisya? Ano ang naintindihan ko sa sinabi niya? Wala! Huhu. Iiyak ako nito eh! *pout*

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon