Day 19

1K 40 0
                                    

                      XYION POV

Nagulat talaga ako ng sigawan ako ni Ryianella. Pinagmasdan ko siya at may kinakausap siya. Galit niya itong tinignan at nakayukom ang mga palad niya habang may puting ilaw non sa loob.

Naisipan ko na huwag nalang patayin ang lalaking yun kahit na gusto ko talaga siyang patayin. Pero okay narin naman yung dinanas niya.

Nasa kanya-kaniyang silid na ang apat. Kami naman ay pumasok na kami sa kwarto ko.

Tahimik lang siya na umupo sa sofa. Tumabi ako sa kaniya pero may pagitan parin.

"Magpahinga ka na" sabi ko sa kaniya

"Ayaw ko"

"What! Tss. Bakit?"

"Babantayan kita"

"Seriously? Come on! Wala akong gagawin sa lalaking yun. Matulog ka na kasi! Ginagalit mo ko eh.!"

"Tungkulin kong bantayan ka, kaya matulog ka na Xyion" sabi niya sabay ngiti ng tipid. Hindi yung ngiti na palagi niyang binibigay sa akin.

"Bahala ka!". Inis kong sabi at hinubad ko ang leather jacket ko at binato sa kung saan, sinunod ko na rin yung pants ko at humiga na. Kinumotan ko ang sarili ko at tumagilid, patalikod sa kaniya.

Kita kong tumayo siya at pinulot ang jacket at pants ko.

"Matulog ka na. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan" rinig kong sabi niya at dahil don nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko.

Yung sinabi niya parang nakakagaan sa loob. Yung puso ko parang umiba ang tibok nito. I just unconsciously smile hearing those words coming from her mouth that makes my heart beat differently and I don't know why.

************

Because of the sun rays strike at my face that coming to the window cause me to wake up. Bumangon na ako at nakita ko si Ryianella na nakaupo sa tabi ng kama ko.

"Hindi ka talaga natulog.?" Seryosong tanong ko sabay tayo

"Hindi" sagot niya at nginitian ako ng malapad.

Hmm. Buti naman bumalik na ulit ang ngiti niya.

"Magandang umaga sayo" sabi niya ulit.

"Magbibihis lang ako, uuwi tayo ng mansyon" sabi ko at pumunta na sa banyo para manghilamos.

******

"Good M--. What the!" Putol niyang sabi at tinuro si Ryianella. Kakalabas lang kasi namin ng silid at nasa sala pala silang lahat. Yung mata ni Rodjan, Cerian at Vince ay parang inaasar ako. Si Vler naman nakatitig siya kay Ryianella at umiwas rin.

"Bakit nandiyan siya?" Tanong ni Cerian

"Don't ask" sabi ni Vler kay Cerian at napapout lang ang gago.

"Hi sa inyo" sayang sabi ni Ryianella

"Minsan na nga magsalita, Don't ask pa ang sinabi"  reklamo ni Cerian

"Hindi ka pa nasanay kay Vler. Favorate niya ang dalawang salita na iyan eh" tawang sabi ni Vince

"Hi Miss, I'm Vince Gerg Hyun. Ikinagagalak kitang makilala" sabi ni Vince sabay halik sa likod ng palad ni Ryianella.

"Hi Vince! Ako si Ryianella, hindi Miss" sabi nito at tumawa lang si Vince.

"Magpapakilala rin kami ni Cerian. Hindi mo naman alam ang pangalan naming dalawa, kina Vler at Xyion lang..."

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon