Day 15

1K 37 1
                                    

   Flashback              

                  RYIANELLA POV

Nilalaro ko si Aso kanina nong pinaakyat ako ni Xyion para pumunta dito ng may narinig akong boses sa may labas. Lumapit ako sa bintana at binuksan ito. Naglakad ako palabas at kita ko ang baba ng mansyon. Tumingala ako, parang may puting liwanag na kumikinang sa langit na unti-unti ng dumilim dahil hapon na rin.

"Ryianella" rinig kong sabi

"Pinuno? Ikaw po ba ang kumakausap sa akin? Yehey! Sa wakas nakausap na rin kita"

"Ako nga ito Ryianella. May gusto lang akong sabihin sayo"

"Ano po yun?"

"Bantayan mong mabuti ang iyong alaga dahil nakita ko sa salamin na mapapahamak siya"

"Po? Paano ko po gagawin yun ni hindi ko nga siya mahanap kapag malayo siya sa akin dahil naging tao ako, hindi ko rin nagagamit ang kapangyarihan ko, yung lakas ko, yung malakas na pakiramdam, wala na po yun. "

"Kaya nga naisipan ko na ibigay ulit sayo ang iyong pakpak pero hindi mo ito magagamit sa paglipad, kahit anong gusto mo na palabasin ang pakpak mo ay hindi ito lalabas, para walang makakakita. Magtatago lang siya sayo at bibigyan ka ng kapangyarihan upang protektahan ang alaga mo. Kumilos ka na rin dahil inaagaw na ng baba ang kaluluwa at lumalapit na sa kaniyang ang masamang angel."

"Salamat po talaga, pinuno. Gagawin ko po ang lahat para iligtas at baguhin siya. Ayaw ko rin naman natuluyan na siyang maging masama at lalo na ayaw kong mapunta siya sa baba kung mamamatay man siya, gusto ko sa paraiso siya. Gagawin ko po talaga pinuno. Salamat sa pagbabalik sa kapangyarihan ko."

"May tao Ryianella. Kailangan ko na umalis. Gawin mo ang misyon mo sa kaniya na baguhin siya." Sabi ni pinuno at tuluyan ng naglaho.

Kyaaaah! Bumalik na ang pakpak ko kaso hindi ko magagamit, pero bumalik na rin sa akin at mahahanap ko na si Xyion kung iligaw niya ako. Bwahahaha. Ang saya saya ko~

End of Flashback

************

Kaiyak naman eh. Ayaw na niya na manood ako ng TV. Bakit? Bakit? Nakakabagot kaya dito. Gusto kong manuod pero sinisigawan niya lang ako. Huhuhu. Yoko na. Ang sama niya.

"Gutom ka na naman Aso" sabi ko sa aso ako.

"Meow meow meow"(Gutom na ako. )

"Hindi ko alam kung saan kukuha ng pagkain no." Sabi ko sa kaniya ngunit tinalikuran lang ako.

"Pusa yan Ryianella, hindi Aso" biglang sabi ni Xyion na kakalabas lang ng banyo.

"Aso siya"

"Pusa ang alaga mo"

"Tao kaya at ikaw yun!"

"I'm referring to your pet"

"Nag mura ka sa akin?"

"Di kita minumura. Ang sinasabi ko yang alaga mo ay Pusa."

"Ay yun ba? Aso yun. Xyion. ASO."

"Titigil ka ba sa kakaaso mo?"

"Titigil ka ba sa kakapusa mo.?"

"Hindi mo ba kilala kung ano ang aso at pusa?"

"Kilala! Yung aso ay bow wow, yung pusa meow meow. Kita?"

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon