Sabrina Cordona's POV
------------------------------------------"Good morning, my lady."
Pagdilat ko ng mga mata ko, pagmumukha niya na naman agad ang nakita ko, isang taon ko nang nakikita ang mukha na 'yan pero habang tumatagal lalo akong nabwebwisit sa kanya.
"Get out."
Sabi ko sa kanya.Ngumiti lang siya sakin.
"Okay, maghihintay na lang ako sa'yo sa baba."
Lumabas na siya ng kwarto.Nabwebwisit talaga ako sa kanya, hindi parin ako maka-get-over sa sinabi niya kahapon, hindi ko akalain na sa kanya ko maririnig ang ganon kasakit na bagay. Alam ko naman na wala akong ibang kaibigan kundi si Athila lang dahil siya lang ang pinapayagan ni daddy, pero tama ba naman na isampal niya 'yun sa mukha ko. First time niya 'yun ginawa, pagbibigyan ko siya ngayon dahil kagaya ng sabi ni Dr. Lukas, nagaadjust pa siya sa bagong program niya. Kakalimutan ko muna na tinapakan niya ang ego ko.
Nakatingin siya sa'kin habang kumakain ako, isang taon niya na 'yang ginagawa pero hindi ko alam kung bakit, mula kahapon nakakaramdam ako ng pagkailang habang tinititigan niya ako.
Hindi tuloy ako makakain ng maayos.
Dahil siguro sa inis ko sa kanya kaya naaalibadbaran ako.Napapansin ko rin habang naglalakad kami papunta sa kotse, iba ang paraan ng paggalaw niya, hindi ko malaman kung anong iba pero ang lakas ng pakiramdam ko na may nagbago.
Sabi ni Dr. Lukas maraming binago sa kanya, kasama na rin siguro doon ang ilang kilos at pananalita niya.Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse para makapasok.
"Pumasok kana, my lady."
Nakangiti siya sa'kin ng hindi lumalabas ang ngipin niya. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya dahil may kakaiba sa paraan niya ng pagtingin.
"May dumi ba ako sa mukha, my lady?""Wala."
Inirapan ko muna siya bago ako pumasok ng kotse, sumunod na rin siya at pinaandar na ang sasakyan.Nakangiti siya habang nagmamaneho, akala mo naman talagang masaya siya. Sigurado akong isa 'to sa mga dinagdag sa program niya. Lalo tuloy akong naiirita.
"Mamayang gabi sa laboratory muna ako, my lady. Pinapapunta ako ni Dr. Lukas para sa maintenance ko."
Nakangiti siyang humarap sa'kin.Itinaas ko ang kilay ko saka ako mataray na tumingin sa kanya.
"Ba't kailangan mo pang sabihin sa'kin ang alam ko na?"Narinig ako ang pagngisi niya, teka tumawa ba siya? Ang alam ko pagngiti lang ang kaya niyang gawin.
Tinitigan ko siyang maigi.Tumingin rin siya sa'kin saka siya ngumiti.
"Babalik din ako bukas ng madaling araw, mukha ko pa rin ang makikita mo pagdilat mo bukas ng umaga."Bigla nalang siyang tumawa, ngayon kitang-kita ko na ang pagbuka ng bibig niya kasabay ng nakakalokong ngisi niya.
Tumikhim ako.
"Kung gan'on marunong ka na palang tumawa ngayon."Bumaling na siya sa kalsada.
"Kagaya ng request mo, my lady. Hindi na ako kagaya ng dati, " bumaling siya sa'kin bigla at nagtama ang mga mata namin.
"Hindi na ako creepy."Biglang nagbalik sa alaala ko ang sinabi ko tungkol sa kanya nung araw bago siya ma'maintenance.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sinabi niya, ginawa niya ba 'yun ng sadya? Ipinahiya niya ba talaga ako sa sarili ko? Asshole robot! He did it on purpose!
Paghintong-paghinto ng kotse mabilis akong bumaba para maiwasan siya. Bwisit na lata, nagtagumpay siyang sirain ang araw ko gamit ang mga nonsense niyang mga salita!
Habang naglalakad ako sa corridor napahinto ako nang may narinig akong tumatawag sa'kin.
Paglingon ko nasa likod ko na si Athila, ang sinabi ni RCS7 na nag-iisa at tanging kaibigan ko, do I look pathetic? nababadtrip talaga ako lalo kapag naiisip ko 'yun.

BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...