Chapter: 36

84 8 0
                                    

Sabrina's POV
----------------------

Paggising ko ay mabilis kong hinagilap ang cellphone ko para tignan ang orasan.
Napabalikwas ako bigla ng bangon nang makitang alas-nuebe na pala ng umaga.

Samantalang ang inaasahan kong gigising sa'kin, nakaupo lang sa harap ng computer ko habang hawak si Sashan at nakatingin lang sa'kin.

"Bakit hindi mo ako ginising?"

Inilapag niya si Sashan sa harap ng computer saka siya tumayo.
"Sabado naman ngayon, saka mukhang kailangan mo ng mahabang tulog dahil nakainom ka kagabi."

Lalakad na sana siya palabas nang tawagin ko siya. Huminto siya at bumaling sa'kin.
"Maghanda ka, pupuntahan natin ang mga pinagawang invitation ni daddy para sa birthday ko. Pinapacheck kasi sa'kin ni daddy bago iprint bukas."

"Sige, kumain ka na muna. Maghihintay na lang ako sa'yo sa baba."
Lumabas na siya.

Pagbaba ko sa kusina, naabutan ko na naman siya sa paborito niyang pwesto. Sa upuan sa tabi ko. Umupo na ako para tahimik akong kumain habang siya naman nakamasid lang sa'kin.

"Saan tayo pupunta, Bree?"

Nasa kotse na kami ngayon para puntahan ang ipinagawang invitation card para sa birthday ko.

"Sa SM Masinag tayo."
Tipid na sagot ko.

Hanggang sa buong biyahe namin papuntang SM Masinag ay hindi kami nag-uusap. Parang nakontento na kami sa katahimikan na pinagsasaluhan namin ngayon. Nagmamasid lang ako sa kanya habang nagmamaneho siya, siya naman nakafocus lang sa harap habang nagdradrive.

Pagkarating namin sa mall ay mabilis na naming pinuntahan ang pagawaan ng invitation card. Mabilis silang bumati sa'kin nang nakita nila ako, kilala kasi ni mommy ang may-ari nito kaya kilala rin nila ako.

"Oh, ayan 'yung design na gagawin namin, sister. May gusto ka pa bang ipabago o ipadagdag?"
Ipinakita sa'kin ng bading na may-ari ang screen ng computer niya kung nasaan ang plano ng design ng invitation card ko. Napapansin ko rin ang paminsan-minsang pagpako ng tingin niya sa kasama ko.

Red ang main theme ng card. May nakalagay doon na picture ko. May mga design na mga bulaklak ang card at kulay dilaw naman ang mga font na mga nakasulat.

"Ano sa tingin mo?"
Binalingan ko si Roshan na nasa tabi ko habang nakatingin din sa screen.

"Okay naman siya. Maganda ang pagkakagawa."
Bumaling siya sa'kin saka ngumiti.

Hinarap ko na ang baklang may-ari.
"Okay na po 'yan. Bali bukas po babalik dito si daddy para kuhanin kapag naprint na."


"Okay, kami nang bahala dito..."
Tinitigan niya si Roshan.
"Gwapo ng boylet mo, ha."


Halos nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi na lang ako sumagot sa kanya para naman hindi na humaba ang usapan.

"Tapos na, saan na tayo pupunta ngayon? Nakakatamad naman kasing umuwi." Humawak ako sa bakal na harang ng mall saka ko tinanaw ang view sa baba.

Sumandal naman si Roshan sa harang.
"Ikaw? Ano bang gusto mong gawin."


"Hmmm? May magandang palabas ngayon sa sine. Manood kaya tayo?"


Nagkibit-balikat lang siya.

Nagpameywang ako saka lumapit sa kanya.
"Gusto mo ba?"

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon