Sabrina's POV
---------------------Matapos kong ihatid si Tia sa pupuntahan niya ay mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko.
Nanginginig ang dalawang braso ko habang mahigpit ang pagkakakapit ko sa manibela. Naguguluhan ako sa nangyayari, pero... Sana totoo ang iniisip ko.
Patakbo akong bumaba patungo sa loob ng Cordona Enterprise. Halos isang taon na rin akong namamalagi rito para sa training ko sa paghawak ng kompanya.
Halos hindi na dumapo ang mga papa ko sa sahig dahil sa bilis ng paglakad ko, hanggang sa marating ko na ang pakay kong lugar. Isang tao lang ang makakasagot sa katanungan ko ngayon.
"Oh? Sabrina. Anong ginagawa mo rito? Bukas pa ang tapos ng leave mo, ah."
Nakangiting bati sa 'kin ni Dr. Lukas.Hindi na siya gumagawa ng human model robot ngayon. Imbis na tao ang model ay mga hayop na model na ang ginagawa nila, dahil 'yon ang kahilingan ko.
"Nanggaling ako sa Pagudpud, Dr. Lukas."
Walang paligoy-ligoy na ika ko.Hindi manlang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, tumango siya sa 'kin.
"Alam ko.""Nakilala ko doon si tita Esmy at si... Roshan."
Pumiyok na ang boses ko dahil sa tindi ng nararamdaman ko ngayon na bilis ng tibok ng puso ko.Sa wakas ay nagbago na ang emosyon niya, pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa 'kin.
"Ah, nakilala mo na pala ang asawa ng kapatid ko, at si Roshan. Siguradong nagulat ka sa kanya dahil kamukha niya si RCS7."Tinalikuran niya ako, pero hindi pa kami tapos, may gusto pa akong malaman.
"Three years ago, nabaril ang pamangkin mo sa dibdib somewhere here in manila. The same exact day nung nakidnap ako at nabaril si RCS7, I believe, it's not a simple coincidence."
Humarap sa sa 'kin si Dr. Lukas na may gulat sa mga mata. Hindi niya na kailangan pang sabihin, ramdam ko na.
At ngayon... Wala na akong pakeelam kung ano ang nasa likod ng pangyayari na 'yon. Kumpiramado ko na, ang Roshan na kasama ko mula kahapon... Siya rin ang nakasama ko three years ago. Kailangan ko lang 'yon na marinig sa galing sa bibig niya, para mapatunayan kong hindi ako nag-iilusyon.
Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang dalawang braso niya ng mahigpit, habang walang habas na lumalabas ang tubig sa mga mata ko.
"Please, Dr. Lukas. Sabihin mo na totoo ang iniisip ko, sabihin mo na siya rin ang Roshan na kilala ko, please."
"Wa-walang kasalanan si Roshan sa nangyari, ako ang nag-utos sa kanya na magpanggap bilang si RCS7."
Sinabi niya na! Hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko, napaluhod nalang ako sa sahig habang inilalabas ang walang kapantay na sayang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong tumalon o kaya'y magsisisigaw sa saya pero ang tanging nagawa ko lang ngayon ay ang lumuha, luha ng kaligayahan.
Wala na akong pakeelam kung nand'yan ang buong team ni Dr. Lukas. Gagawin ko ito at hindi ako mahihiya.
Naramdaman ko ang bisig ni Dr. Lukas na yumayakap sa 'kin.
"Pinagsisihan ko na ginawa ko 'yon, Sabrina. Niloko namin kayo-"
Mabilis ko siyang pinutol.
"No! Wala akong pakeelam sa panloloko na sinasabi mo, ang mahalaga lang ngayon sa 'kin ay nalaman kong buhay si Roshan at higit sa lahat, all this time... Totoo siya."

BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...