Chapter: 39

66 1 0
                                    

Sabrina's POV
----------------------

Pagdating ng sabado, napag-usapan namin na sabay-sabay nang pumunta sa sinasabi kong kakilala ni mommy'ng gumagawa ng mga suit at gown.

Sa hindi inaasahang pangyayari, sumama sa'min si mommy para daw makita niya ang mga design na gagamitin namin.

Pagdating namin doon, nandoon na sina Athila, Emely at Bernardino dahil binigay ko na sa kanila ang address.
Nadatnan namin ang isang pink boutique na napapaligiran ng mga bulaklak sa labas.

"Hi po, tita!"
Bati ni Athila kay mommy.
Biglang dumako ang mata niya sa'ming dalawa. Hindi ko alam kung paano pero pakiramdam paulit-ulit niya kaming pinasadahan ng tingin. Anong meron?

"Hello, baby Athila."
Nagbeso-beso silang dalawa saka siya bumaling kay Bernardino.
"Ito ba 'yung boyfriend mo?"

Nagkamot lang ng ulo si Athila.
Ako ang na-awkwardan para kay Athila, si mommy talaga. Nakalimutan niya na ata ang meaning ng moderation. Biglaang tanong talaga?



"Hello po tita."
Pati si Bernardino bumati na rin.

"Infairness may taste si baby Athila."

"Tita naman."
Ungot ni Athila.

Pati si Emely ay bumati rin sa kanya at pinaunlakan niya naman. Magkakilala na sila dahil nakapagsleep-over na dati si Emely sa bahay.

Nagyaya nang pumasok si mommy, nauna na siyang pumasok sa loob.

"Best? Anong nakain ni tita Irina, ba't siya sumama rito?"

Nagkibit-balikat ako.
"Gusto daw niyang makita ang mga susuotin natin."

"Natin? O ninyong dalawa ni Roshan?"
Singit ni Emely, ayan na naman ang kakaibang ngiti niya. Tsss.

Kasunod ang kakaibang pagtitig sa'kin ni Athila. Weird.

"Uhm, parang ganon na nga."

"Pumasok na tayo, hinihintay na tayo ni ma'am Irina."
Naglakad na papasok sa loob si Roshan.

Sinundan lang siya ng matalim na titig ni Athila. Saka siya bumaling sa'kin na parang meron siyang inoobserbahan. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang nakita niya akong nakatingin.
"Suplado effect? Pogi lang? Pogi?"
Si Roshan ang tinutukoy niya.

Pati si Bernardino ay tahimik na sumunod kay Roshan. Sabagay kelan ba siya naging maingay.



Tinawanan ko lang siya.
"Tara na."

Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng boutique. Nadatnan namin sa loob si Bernardino na nakaupo sa sulok habang tumitingin sa mga design.

Kasama naman ni mommy si Roshan habang kausap ang mala-model na designer. Hindi ko mapigilan ang paniningkit ng mata habang nakikita kong nakakapit ang payat at maputi niyang kamay sa braso ni Roshan.

"Maganda po ang builds ng braso niya, sigurado akong magiging bagay sa kanya ang suit na gagawin ko."
Okay, okay, drop your hands.

"Gusto ko maging perfect prince charming ang dating niya, ha. Siya ang magiging escort kaya dapat matipunong matipuno ang dating niya. Alam kong gwapo na siya pero dapat mas mag mukha pa siyang gwapo."
Bilin ni mommy.

May nalalaman pang papisil-pisil ng braso, abs niya, baka gusto mo ring sukatin?

"Sabrina, mata mo..."
Nadala ko ang mataray na tingin ko nang binalingan ko si Emely.
"Baka biglang may lumabas na laser beam d'yan." Saka siya tumawa.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon