Sabrina's POV
-------------------------Alas-tres na nang nakatulog na kami kagabi. Basta nagising ako ng umaga na wala na silang dalawa sa tabi ko. Malamang umuwi na sila dahil may pasok pa kami mamaya.
Pagbangon ko dinatnan ko si Roshan na nakaupo pa rin sa tapat ng computer. Nakaharap siya sa'kin habang hawak si Sashan. Hindi naman siguro na nand'yan na siya mula pa kagabi at hindi na umalis.
Kaswal akong tumingin sa kanya.
"Nasaan sila?"
Kahit naman alam ko na ang sagot.Tumayo na siya.
"Umuwi na kanina. Bumaba ka na doon at may bisita ka."Naglakad na siya palabas.
Mabilis akong nag-ayos at bumaba sa sala. Nadatnan ko doon si Dr. Lukas habang kausap si daddy.
Nasa likod niya nakatayo si Roshan habang hindi natitinag ang tingin niya sa'kin. Mabuti na lang nakasanayan ko na ang ganyang titig niya.Umupo ako sa tabi ni daddy.
"Magandang umaga po, Dr. Lukas."Tinanguan niya ako.
"Nabalitaan ko kasi na magkakaron kayo ng fieldtrip. Kung hindi ako nagkakamali three days and two nights?""Opo."
Malalim siyang tumitig sa'kin na parang pinagaaralan niya ang bawat parte ng mukha ko. Na parang may gusto siyang malaman o ipaalam na hindi ko maintindihan. Strange.
"Ibibilin ko sana na kung may swimming man na magaganap, pakiusap 'wag mong hayaan na mapunta siya sa kahit anong klaseng malalim na body of water. Delikado para sa program niya 'yon."
Bilin niya.Tumango ako.
Matagal ko nang alam ang tungkol sa bagay na 'yon pero bakit ngayon niya lang binibilin."Iyon lang ang bilin ko, mauuna na ako, sir Saber."
Bumaling siya sa'kin.
"Sabrina pwede mo ba akong ihatid sa labas?"Nagulat ako sa biglaan niyang pakikiusap sa'kin na ihatid ko siya sa labas na dati naman na si Roshan ang gumagawa. Hindi naman tumutol si daddy kaya tumayo na ako para ihatid siya. Naiwan si Roshan sa loob. Nakikita ko ang malalim na titig niya sa'kin habang naglalakad ako palabas para sumunod para ihatid si Dr. Lukas.
Naglakad kami hanggang gate ng bahay namin nang bigla siyang huminto at mabilis na bumaling sa'kin.
Nagtataka lang akong nakatitig sa kanya.Nagpakawala siya ng malakas na buntong hininga.
"Sabrina, may kailangan lang akong ibilin sa'yo."May isang parte ng utak ko ang nasagot dahil sa sinabi niya. Ngayon napagtanto ko nang dinala niya ako dito para makausap ng kaming dalawa lang.
"Ano po 'yon, doc?"
Tanong ko.Nakakakita ako ng pag-aalinlangan sa mga mata niya habang nakatingin siya sa'kin.
"Nagkakaron kasi ng malfunction ang emotional program ni RCS7- I mean ni Roshan. Nitong mga nakaraan may napansin kaming mga activity siyang ginagawa na... Para maprotektahan ang emosyon mo maaring may mga nagagawa na siyang hindi naman dapat... Nito ko lang ito napansin nang minaintenance namin siya."
Isinuklay niya ang daliri niya sa kamay niya habang umiiling.
"May mga napapansin ka bang mga kakaibang kilos niya nitong mga nakaraang araw?"Bumagsak ang tingin ko sa kamay ko.
"Ahm... Wala naman po."Bakit parang inaasahan ko na ang usapang ito mula nang nangyari ang insidente ng gabing iyon. Nang tinakbuhan ako ni Roshan.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko at malakas ang kutob ko na hindi ko magugustuhan ang patutunguhan nito.Umangat ulit ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang kalmado niyang pagtungo.
"Tandaan mo ito Sabrina, kung sakali man na kumilos si Roshan ng kakaiba. Halimbawa 'yong kilos na... Ma-mapausok o 'di kaya may kinalaman sa pag-ibig o kahit anumang malapit doon. Please. Huwag mo iyong papansinin lalo na ang ientertain."
Nararamdaman ko ang panginginig sa boses ni Dr. Lukas. Parang natatakot siya sa kung anuman na pwedeng mangyari.

BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Novela Juvenil"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...