Sabrina's POV
--------------------------"Nandito na tayo, best."
Nasa tapat na kami ng bar.Alas-dose na nang madaling araw nang nakarating kami sa 24hours bar na 'to. Sinigurado ko kasi na tulog na si mommy at daddy, mabuti nalang tagumpay ang pagtakas ko dahil wala ang asungot na bantay ko.
Kilalang bar ang pinuntahan namin, kaibigan ni Athila ang kapatid ng may-ari ng bar kaya nakakapasok ako kahit 17 palang ako, samantalang 18 na nung january pa si Athila.
Sabay kaming bumaba ng Fortuner, saka kami mabilis na pumunta sa entrance, sa tapat ng entrance nandoon ang kaibigan ni Athila, konting beso-beso lang dinala na kami papasok sa loob ng bar ng hindi manlang kwenikwestiyon ang edad ko, thanks to Athila's connections.
Pagpasok pa lang namin malalakas na tugtog at sigawan agad ang sumalubong sa'min, nakikita ko palang ang mga nagsasayawan ginaganahan na ako.
Mabilis akong hinila ni Athila papunta sa table namin, mahilig pumwesto si Athila sa pinakadulo kung saan mahina ang tugtog para makapag-usap kami ng maayos.Pang-apatan ang table pero tatlo lang kaming nakaupo at may bakanteng isa.
Umalis si Athila para kumuha ng maiinom at naiwan kami ng kaibigan niya sa table.
"Ikaw 'yung bestfriend ni Athila?"
Nakangiting tanong niya sa'kin."Yup, I'm Sabrina."
Iniliyad ko ang kamay ko sa kanya."I'm Emely, nice too meet you, madalas kitang makita sa school... approachable ka naman pala."
"Schoolmates pala tayo, pwede ka namang sumama sa'min ni Athila sa school para hindi lang kaming dalawa."
Gusto ko rin 'yun."Sounds good, mabait ka naman pala Sabrina, akala ko nung una masungit ka."
Nginitian ko siya ng matamis.
"Atleast ngayon alam mo nang hindi."Siya namang pagdating ni Athila dala ang mga inumin namin nagdala siya ng isang bucket na light beer para hindi kami malasing at makauwi pa ng hindi gumagapang.
Magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil nadagdagan na ang kaibigan ko. Anong masasabi mo ngayon pangit na lata?
Lihim akong napangiti sa isipin na 'yun. Pakirandam ko natalo ko siya.Umupo si Athila sa tabi namin ni Emely, siya ang nasa gitna namin. Kumuha na ng isang bote ng alak si Athila at Emely binuksan na nila 'yun at nagsimula nang tumungga.
Kinuha ko ang isang bote saka ko na binuksan at mabilisang tinungga ang laman, saktong pag-alis ko ng nguso ng bote sa bibig ko ang malakas na pagkalampag ng babasaging plato sa lamesa namin.Una kong tinignan si Athila, gulat na gulat ang mukha niya. Laglag ang panga niya habang nanlalaki ang mga mata, samantalang wala namang kaide-ideya ang katabi niyang si Emely.
Nakatingin si Athila ngayon sa kinalalagyan ng bakanteng upuan kanina. Kaya tumingin din ako sa gawi kung saan siya nakatingin.
Kagaya ni Athila laglag din ang panga ko sa nakita ko, halos mabitawan ko nga ang boteng hawak ko dahil sa sobrang gulat ko.
Kumuha siya ng tatlong pirasong mani galing sa babasaging plato na malamang dala niya. Nakangiti siyang pinagsasalit-salit ang tingin saming dalawa ni Athila gamit ang nakakabwisit na asul niyang mata. Bakit ka nandito, RCS7?
"Unang-una tumakas kayong dalawa para pumunta sa bar, pangalawa gumamit kayo ng takas na kotse, pangatlo nahuli ko kayo sa aktong umiinom." Nakakaloko siyang nakangiti sa'min habang nginunguya niya ang isinubo niyang mani.
Dere-deretso ako ng pasok ng kwarto ko, pero bago ko pa maisara ang pinto nakapasok na si RCS7.
Tinitigan ko ng masama ang mukha niya.
"Anong kailangan mo sa'kin? Aasarin mo na naman ako ng mga nonsense mong mga salita?"
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...