Sabrina's POV
-------------------------Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang bigla niya akong hinapit palapit sa kanya. Mahina niyang initsya ang cellphone ko hindi kalayuan sa'min para marinig pa rin namin ang tugtog.
Inilagay niya ang isang kamay ko sa batok niya habang ang isa naman ang hawak niya at nasa bewang ko naman ang isa niyang kamay.
Gusto kong tumutol. Gusto kong umangal! Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa ang kahibangan na ito. Pero... Natatakot akong mahinto ang tinatawag kong kahibangan.
'When the day is said and done
and in the middle of the night and you're
fast asleep, my love.
Stay awake looking at your beauty
Telling myself I'm the luckiest man alive.'
Idinikit niya ang noo niya sa noo ko habang punong-puno ng emosyon ang mata niyang nakatingin sa'kin.
Paunti-unti kaming gumagalaw kasabay ng musika. Nakikita namin ang isa't isa sa munting ilaw ng lamp na nasa gilid ng kama ko.
Parang isang panaginip. Magkahawak ang kamay namin habang buong pusong magkakonekta ang mga mata namin.
Alam kong hindi ito totoo... Kaya parang ayaw ko nang magising!
'I don't see what I have to offer
I should've been a season, guess you could
see I had potential
Do you know you're my miracle'
"Bree. Kalimutan mo 'to bukas. Siguradong maguguluhan ka kapag hindi mo 'to kinalimutan."
Nakakakita ako ng pangamba sa asul niyang mga mata.
Tumango ako sa kanya.Nababaliw na ata ako, pero sobrang saya ko sa ganitong sitwasyon namin.
'I'm like a statue, stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed
Statue, stuck staring right at you
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you
It's just cause I can't believe that you're so
beautifulDon't wanna lose you, no'
Naramdaman ko ang paghapit niya sa bewang ko papalapit sa kanya.
Unti-unting lalong naglapit ang mga tingin namin sa isa' isa.Nararamdaman ko ang tibok ng puso ko habang nakadikit ang dibdib ko sa kanya. Siguro nga totoo na hindi totoo lahat ng ipinapakita mo. Pero kahit ngayon lang muna... Maniniwala ako.
Tinitigan niya ang labi ko na parang may kung anong bumabagabag sa kanya na gusto niyang gawin.
Tinitigan ko rin ang labi niya saka ako bumaling sa maganda niyang mata.
Siguro 'yon ang hinihintay niyang hudyat kaya unti-unti niyang inilapit ang labi niya sa labi ko.
Pumikit ako para hintayin ang mangyayari."Shit!"
Halos mapatalon ako nang bigla niyang bitawan ang baywang at kamay ko.
Mabilis siyang tumakbo palabas."Roshan?"
Hinabol ko siya hanggang sa labas.
Tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo kahit na paulit-ulit ko siyang tinawag.
Mabilis siyang nakasakay sa kotse.
Pipigilan ko sana...
Pero kumaripas agad ang kotseng ginamit niya.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...