Chapter: 11

110 9 0
                                    

Sabrina's POV
--------------------------

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang iginigiya niya ako sa upuan ko.
Pumwesto siya sa likod ng upuan saka niya iniurong para makaupo ako.

Pagkaupo ko naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa likod ng tenga ko.
"Sana nagustuhan mo ang ginawa ko."

Mabilis siyang pumunta sa upuan niya, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko siya.
Ang malalim niyang mata at ang maamo niyang ngiti.

"Sino namang nauto mo para gawin 'to?"
Tanong ko sa kanya habang kinuhuha ko ang kutsara at tinidor.

"Isang taong ginawan ko ng pabor kapalit nito."
Nagkibit-balikat lang siya habang nakangisi.

Mausisa akong tumingin sa kanya
"Sino naman?"

"Si Kasungsong."
Tipid na sagot niya.

"Si Bernardino? Ah kaya pala gumawa ka ng paraan para mapapunta si Athila sa birthday party ng kapatid niya."
Sumubo ako ng pagkain saka ako umiirap na tumingin sa kanya.

Mahina siyang tumawa.
"Ang plano ko siya lang papapuntahin ko kaso nalaman kong pupunta ka rin kaya mas okay, parang hitting two birds in one stone lang ang datingan, kasi ginawa niya 'to tapos makakasama pa kita sa party."

"Tuso ka talaga Suea."
Nakangusong sabi ko sa kanya.

Tumawa siya na parang bata, pero pagkatapos ang tawa na 'yun nagkaron kami ng ilang segundong katahimikan.
Nakatitig siya sa'kin na para bang may hinahanap siyang kung ano sa mukha ko, na siyang nagdala sa'kin ng pag-ilang.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang naging seryoso ang ekspresyon niya. Saka siya matamang tumingin sakin.

"I know its a lil'bit of weird, pero kilala na kita dati pa."
Pasimula niya.

All this time ito ang hinihintay kong iopen niya sa'kin.

Nginitian ko siya.
"I know, kilala rin naman kita dati pa, naaalala ko pa ten years ago."

Nakakita ako ng amusement sa mga mata niya.
"Naaalala mo pa pala 'yung dati? Nung ipinagtanggol kita sa mga nambubully sa'yo nung grade school palang tayo? Akala ko ako na lang nakakaalala."

Nginisian ko siya.
"Hindi ko lang inoopen kasi baka limot mo na, pero sino ba namang makakalimot sa bata na laging nagpapalibre sa'kin nung grade school."

Bigla siyang natawa.
"Oy, atleast kahit hinoholdap kita lagi naman kitang ipinagtatanggol, kahit malalaki pa ang nang-aaway sa'yo lumalaban ako. Umuuwi pa nga akong puro pasa non, e."

Sabay kaming nagtawanan.

Buong-buo pa sa alaala ko ang lahat, ang batang Suea ang laging nagtatanggol sa'kin. Madalas kasi akong mabully nung bata ako dahil sobrang payatot ko.
Kada umiiyak ako lagi siyang sumusulpot para makipagsapakan sa mga nang-aaway sa'kin. Wala siyang pakeelam kahit na umuwi siyang puro pasa basta ang mahalaga walang makasakit sa'kin.

Pero ang kapalit lagi siyang nagpapalibre sa'kin ng kung ano-ano, anak mayaman siya pero mas gusto niyang gastusin ang pera ko kesa sa sarili niyang pera.

Kapag nasa tabi ko siya wala nang gumagalaw sa'kin dahil para siyang body guard na laging nagbabantay at promoprotekta sa'kin.

But... Ten years ago lumipat siya ng lugar at hindi na ulit bumalik. Nawala siya pero wala nang nambully sa'kin ulit dahil kasama ko na sa school si Athila, walang makakapambully sa kanya dahil sobrang taray at palaban niya.
Mula noon si Athila na ang pumalit sa kanya bilang bagong saviour ko.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon