Sabrina's POV
--------------------------Hapon na nang dumating kami sa bayan ng Vigan. Pagpasok pa lang namin sa bukana ng bayan, makikita mo na agad ang ganda ng lugar. Bago kami nakapasok nadaanan na namin agad ang Bantay Church na kilala rin sa bayan. Ngayon lang ako nakarating sa probinsya kaya naninibago ako. Nakasanayan ko kasi na sa maynila lang ako palagi.
Lumuluwang ang mga mata ko nang nakarating na kami sa sentro ng bayan. Sinalubong agad kami ng mga Vintage themed na mga building. Parang pinaghalo ang moderno at makalumang atmosphere sa paligid. May mga nadadaanan kaming mga sasakyan at meron ding mga kalesa.
Nagparking na ang bus na sinasakyan namin.
"Okay, listen students!" Nagsalita sa mic ang teacher na kasama namin sa bus.
"Bumaba tayo ng sama-sama at walang hihiwalay. Maglalakad muna tayo papunta sa hotel na titirhan natin. "Sumagot naman kami ng pagsang-ayon lahat.
Nauna nang tumayo si Roshan at sumunod naman ako. Pagtayo ko nasulyapan ko agad ang nag-uunat sa upuan na si Suea. Nginitian niya ako, gumanti rin ako ng ngiti sa kanya. Mukhang okay na ang mood niya ngayon kumpara kanina.
"Stand up na, Suea. Lalabas na 'ko."
Usal sa kanya ni Emely.Tumayo naman siya habang humikikab saka kinuha ang gamit niya sa compartment.
Paglingon ko kay Roshan ay sakto namang nailagay niya na sa balikat niya ang dalawang bag namin.
Nahagip naman ng mata ko ang pagtayo ni Athila habang sinusuklay niya ang medyo nagulo niyang buhok.
Bumaling siya sa'kin gamit ang tamad na tamad niyang mga mata."Tara, best."
Tumango lang ako sa kanya saka sumunod sa pagbaba.
Unang tapak ko pa lang ng lupa sinalubong na agad ako ng sariwang hangin ng probinsya. Para bang binabati ako sa pagdating ko. Medyo mapuno ang lugar na pinagparkingan ng mga bus kaya mararamdaman mo na agad na probinsya na ang tinatapakan mo.
Sama-sama na kaming naglakad para sundan ang guide namin. Sama-sama naman kaming anim habang naglalakad. Para kaming nakaglue. Hindi kami mapaghihiwalay.
"Hay na 'ko best! Pakiramdam ko natagtag ata ang katawan ko dahil sa sobrang layo ng biyahe. Tapos ngayon maglalakad naman tayo papunta sa titirhan nating hotel? Wala bang taxi dito?" Walang tigil na sabi ni Athila.
"Malapit lang naman daw kasi, best."
Sagot ko sa kanya."Sa'yo okay lang. Sakin hindi! Ang bigat kaya ng dala-dala ko."
"Ako na lang ang magdala para hindi ka mabigatan."
Pagbubolontaryo ni Bernardino.Imbis na ibigay niya kay Bernardino ang bag ay matalim lang niya itong tinitigan.
"Back-off! Gamit ko ito kaya dapat ako ang magdala. Hindi ka pinapunta dito ng mama mo para maging alalay ko. Hindi naman Roshan pangalan mo 'di ba? At sa naaalala ko Bernardino ang pangalan mo."Nagkakamot lang na nagpunta sa gilid niya si Bernardino samantalang siya naman nagtuloy lang sa paglalakad kahit halata namang bigat na bigat na siya sa dala niya.
Natawa lang ako sa kanilang dalawa. Napahinto kami sa paglakad nang may dumaan sa harap namin na kalesa. Paghinto ko naramdaman ko agad ang kamay na mabilis na sumakop sa kamay ko.
Nilingon ko si Roshan pero sa kalsada pa rin siya nakatingin habang hawak ang kamay ko. Wala siyang sinabing kahit ano pero nararamdaman ko naman ang init ng kamay niya sa'kin. Hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...