Chapter: 47

54 2 0
                                    

Sabrina's POV
---------------------

Sa isang tahimik na kwarto, kung saan wala kang ibang maririnig kundi ang malakas na ihip ng hangin sa labas. Isang silid na bumubulong ang kalungkutan, ang tanging kinakapitan ko nalang ay ang maliit na pag-asa na meron ako.

Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak, hindi ako mapaniwala sa sinabi ni Suea.
Paano mangyayari na masisira si Roshan? Kausap ko lang siya kaninang madaling araw.

Imposible 'yon. Hindi ako iiwan ni Roshan sa ganitong sitwasyon. Ngayon ko siya pinaka kailangan. Siya lang ang tanging pag-asa na meron ako ngayon.

Narinig kong bumukas ang pinto, pumasok ang isa sa mga bantay. May dala siyang pagkain, inilapag niya sa gilid ng kama saka ulit lumabas ng hindi manlang ako tinitignan.

Tinitigan ko lang ang pagkain saka ako ulit bumaling sa bintana.

"Darating si Roshan para iligtas ako."

Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Alam ko na darating siya para sa 'kin. Malakas ang pakiramdam ko.


Halos mapatalon ako nang may narinig akong malakas na putok ng baril. Galing 'yon sa labas. Mabilis akong pumunta sa pintuan at isinandal ang tenga ko para marinig kung anong nangyayari.


"Boss, may mga parak. Umalis na tayo."

Narinig ko ang boses ng isa sa kanila. Kung ganon may pulis na nandito.


"Ano? Paano nila tayo nahanap?"

Napakuyom ako ng kamao nang narinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi ako magkakamali, ang demonyong si Joric Seclarin ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.


"Hindi po namin alam, boss."



"Umalis na tayo dito, kuhanin niyo si Sabrina sa loob."
Utos ni Joric Seclarin.


Mabilis akong kumilos at pumunta agad sa bintana para kumapit, hindi nila ako makukuha agad.


Bumukas na nga ang pinto, bumungad sa akin ang lalaking malaki ang katawan na kalbo.

"Sumama ka sa amin."


"Asa ka pa! Hindi ako pwedeng sumama sa inyo dahil masasama lang ang pwede sa impyerno."
Hinigpitan ko pa ang kapit ko sa bakal na harang ng bintana.


Mabilis na sumugod sa 'kin ang lalaki at pwersahan akong hinila, malakas siya. Kahit anong piglas ko ay nanghihina ako sa tindi ng pwersa niya.


"Huwag ka nang pumalag."


Unti-unti niya na akong nahila para mabitawan ang bintana. Wala na akong lakas para kumapit.


"Hoy."

Naramdaman ko ang paghinto ng lalaki dahil sa pamilyar na boses ng isang lalaki. Oo, pamilyar ang boses na 'yon. Pamilyar na pamilyar.


Umalingaw-ngaw ang malakas na sigaw ng pagdaing ng lalaking humihila sa 'kin. Namimilipit siyang itinupi ang tuhod niya. Sinipa siya sa GITNA niya kaya halos mamilipit siya sa sakit. Kasunod ang pagbagsak niya sa sahig dahil sa isang malakas na suntok.


"Malaki ka lang pero malambot ka."
Saka siya nakangiting bumaling sa 'kin.



Halos malaglag ang panga ko dahil sa nakita ko, kung ganon hindi pala talaga totoo ang sinabi ni Suea. Hindi sira si Roshan. Dahil nandito siya ngayon sa harap ko at nginingitian ako.


MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon