Sabrina's POV
---------------------Pagdating namin sa school, naging kalat agad sa buong campus ang nangyaring gulo kina Roshan at Suea. Nagkasundo naman silang dalawa kaya binigyan muna ng warning. Kung paanong nangyari na nagkasundo sila? Malay ko sa kanila. Basta bigla na lang inako ni Suea na kasalanan niya ang lahat kaya hindi na lumaki pa ang problema.
Kamot-ulo si Roshan paglabas namin sa principal's office. Kasama ako dahil ako naman ang pinagmulan ng gulo nilang dalawa.
Nadatnan namin sa tapat ng pinto si Athila, Emely at Bernardino.
"Anu daw, best? Kick-out o block list?"
Bungad agad na tanong ni Athila."Warning lang, best. Binigyan pa naman sila ng chance."
Naglakad na ako sa corridor at nakasunod naman sila sa'kin."Ah, so binigyan pa ulit sila ng chance na magbugbugan ulit? Dapat sa susunod puruhan niyo na ang isa't isa para sulit.
I mean, kung sakali man na uulitin niyo pa atleast wala na kayong pagsisisihan kasi nalamog niyo na ang mukha ng isa't isa.""Best." Saway ko kay Athila.
Nagbikit balikat lang siya sa'kin.Mabuti nga hindi na lumaki pa ang tungkol doon. At ayaw ko na ring maulit pa ang ganong pangyayari. Nagulat rin naman ako sa nangyari kasi first time kong makita ang mukha ni Roshan na ganon ka galit. May nakakatakot na side din talaga siya, pero ginawa niya 'yon dahil sa'kin. Dahil ayaw na ayaw niya akong nasasaktan.
"Tara guys, punta tayo sa bulletin board para makita natin ang ranking sa test natin." Pag-aaya ni Emely.
"Bakit pa tayo pupunta doon? Alam naman natin sa sarili natin na hindi tayo kasama sa top."
"Ikaw talaga Athila, ayaw mo bang malaman kung kulelat ka pala sa lahat ng seniors?" Sagot ni Emely habang nanunukso ang mga matang nakatingin kay Athila.
"Duh? I mean, duh? Ako? Kulelat? Nevah in a million years. Tara tignan natin para magkaalaman."
Mabilis nang nagmartsa papunta sa bulletin board si Athila at iniwan kami.Samantalang parang wala namang pakeelam si Roshan at Bernardino sa mga nangyayari. Napapansin ko ang kakaibang tinginan nila, ewan ko lang, ha. Pero pakiramdam ko nag-uusap talaga sila gamit ang mga mata nila.
"Excited na akong malaman kung sinong mga nasa top."
Binalingan ko ang nagsalitang si Emely."Sure naman ako na si Bernardino na naman ang top natcher, kaya hindi na ako magugulat sa ranking." Sagot ko sa sinabi ni Emely.
Tumukhim lang si Bernardino sa sinabi ko at nakita kong tinapik siya ng dalawang beses ni Roshan sa balikat niya.
Nakalapit na kami sa bulletin board ng school, maraming mga estudyante ang mga naroon para tignan kung sinong mga nasa ranking. Sumiksik na sa mga tao si Athila at Emely, samantalang ako, nakatayo lang hindi kalayuan kasama si Roshan at Bernardino.
"Ayaw mo bang tignan kung pang-ilan ka?"
Narinig ko na naman ang pamilyar na boses ni Roshan.
Hinarap ko siya.
"Ikaw? Hindi mo titignan kung pang-ilan ka?" Balik tanong ko.Tumingin lang siya sa tumpukan ng mga tao na nag-uunahan na makita kung pang-ilan sila.
"Hindi ako interesado."
Maikling sagot niya."Baka alam mong kulelat ka kaya ayaw mong tignan."
Pambubuyo ko sa kanya bago ako umalis para tumingin din. Wala namang mawawala kung titignan ko.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Fiksi Remaja"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...