Roshan's POV
---------------------"Sabi ko naman sa 'yong umuwi kana diba? Bakit ba ang kulit mo, Roshan?"
Tinignan ko lang saglit si tito saka ulit ako nagpatuloy sa pagtingin sa kawalan.
"Hindi ngayon, tito. Sinira nila si RCS7, hindi talaga maganda ang kutob ko rito."
Tumayo si tito at hinarap ako.
"Kaya nga kailangan mo nang umalis dahil nagiging mapanganib na ang lahat ngayon para sa 'yo."Hindi ko siya pinansin. Tumayo ako at tinitigan ang tatlong kasamahan ni tito. Okay lang naman ang dalawang lalaki pero walang tigil sa pag-iyak si Rona. Siguradong natrauma siya dahil nakita niya kung paanong binaril si RCS7 sa harapan niya.
Tinamaan ng bala ang dibdib ni RCS7, kung nasaan ang main power niya. Dahil sa nangyari ay wala na talaga siyang pag-asa pang maayos ulit. Wala silang ibang choice kundi ang gumawa ulit. At ilang taon ang aabutin para magawa 'yon.
"Wala na ngayon ang robot na pinagbihusan ni papa ng buhay niya."
Wala sa sariling sabi ko."Hindi pa. Kaya ko pa naman gumawa ulit ng katulad niya."
Bumaling ako kay tito.
"Pwede ba akong humingi ng pabor kapag gumawa ulit kayo ng bagong RCS7?"Ngumiti sa 'kin si tito.
"Ano 'yon?""Pwede bang huwag niya nang gagamitin ang mukha ko. Ayaw ko nang mabuhay na may naiisip akong nilalang sa kung saang lupalop gumagamit ng mukha ko." Seryosong sabi ko.
Sa totoo lang, hindi ko rin gusto ang ideya na mukha ko ang gamitin para sa robot.
Biglang natawa si tito. May sinabi ba akong nakakatawa?
"Papa mo ang nagrequest na mukha mo ang gamitin para kay RCS7, siya rin ang nakaisip na initial mo ang gamitin para sa pangalan niya."
"Naiintindihan ko, pero sana huli na 'to."
Iniwan ko na si tito sa harap ng capsule ni RCS7. Nilapitan ko ang ngayon ay walang tigil sa pag-iyak na si Rona.
"Oy, tumahan ka na. Wala nang mananakit sa 'yo rito."
Tumigil sa pag-hikbi si Rona.
"Natatakot pa rin ako, Roshan. Kitang-kita ko kung paano binaril sa harapan ko si RCS7. Naisip ko, paano kung ikaw 'yon?""Kaso hindi siya ako, e. Kaya buhay pa ako."
Natatawang sagot ko sa kanya."Mabuti nalang talaga wala ka rito kanina, Roshan." ika ni Alfred.
"Kung nandito ako, baka pinatumba ko na lahat ng sumugod dito."
"Silly."
Natatawang singit ni Rona, kahit pa parang pusawan na ang pisngi niya dahil sa daming luha."Alex, bumili ka naman ng makakain. Nagugutom na ako."
Binalingan ko ang tahimik lang na si Alex."Roshan, dapat umalis ka na ngayon. Hindi ka na dapat magtagal dito."
Saway sa 'kin ni tito."Ano ka ba naman, tito Lukas. Excited lang? Aalis din ako, pero kumain muna tayo. Ayaw kong bumyahe ng gutom."
Saka ko hinimas ang tiyan ko habang nakatingin sa kanya.Kagabi pa ako walang kain at kumakalam na ang tiyan ko. Kung meron mang magandang epekto ang pag-uwi ko, 'yun ang makakakain na ako ng matino, himala pa nga na hindi ako nangayayat dahil sa kakadiet ko.

BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...