Chapter: 14

100 8 0
                                    

Sabrina's POV
--------------------------

Ala-sais na nang natapos ang lahat ng events.
Isa-isa ng naguuwian ang mga bisita.
Masaya ang naging birthday party ng kapatid ni Bernardino, alam ko kasi kahit ako nag-enjoy.

Nagpaalam na rin na umuwi si Suea matapos may tumawag sa kanya.
Papa niya daw ang tumawag, kahit kelan hindi ko pa nakikita ang papa niya pero sinabi niya sa'kin na makikilala ko na rin siya at malapit na daw 'yun.

Sinamahan ko siya ng gate ng bahay.

"Gusto ko pa sanang magtagal para makasama ka, pero pinapauwi na ako."
Nanghihinayang na sabi niya sa'kin.

"Okay lang, magkikita pa naman tayo bukas."
Tinapik ko ng dalawang beses ang balikat niya.

Napako ang mata ko sa mata niya dahil sa lalim ng tingin niya sa'kin, naramdaman ko ang unti-unti niyang paglapit sa'kin.
Hindi ko magawang gumalaw dahil naeestatwa ako sa paraan niya ng pagtitig.

"Sobrang ganda mo ngayon, Sabrina."
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya, pumikit ako para hintayin ang susunod na mangyayari.

"Ehem! Ehem!"

Sabay kaming napatingin ni Suea sa likod namin. Nandoon si RCS7 habang nakakalokong nakangiti sa aming dalawa.

Bumaling ako kay Suea at nakita ko ang bahagyang pagngiwi niya.

"Sige na, mauuna na ako."
Sabi niya.

"O-okay."
Kumaway ako sa kanya.

Lumakad na siya papunta sa kotse niya pero nakita ko pa siyang bumaling kay RCS7, kumaway naman sa kanya ang isa.
Loko-lokong robot!

Pinanood ko ang pag-alis ng sasakyan ni Suea, bumaling na ako sa likod.

"Pumasok na tayo, my lady."
May halong pang-aasar na tono niya.

Sinimangutan ko siya at pumasok na ako sa loob.

Naabutan ko silang nag-iinuman na sa loob, kasama ni Athila ang parents at ilan pang mga kaibigan ni Bernardino sa alak. Syempre si Athila pa. Sabik siya sa alak.

Tahimik lang si Bernardino sa gilid habang pinapanood silang nagkwewentuhan, hindi siya umiinom.

"Iinom ka?"
Biglang nagsalita si RCS7 galing sa likod.

Nakakunot ang noo kong bumaling sa kanya.
"Hindi ako iinom at baka isumbong mo pa ako."

Padabog akong umupo sa monoblock na upuan na nasa gilid.
Nagcrossed arms ako at tumunga-nga sa mga nagiinuman sa malayo.

Umupo siya sa katabi kong upuan.
"Nag-enjoy ka ba?"

Tinitigan ko siya, nakasandal siya sa upuan habang nakatingin sa'kin. Gusto ko sana siyang sungitan... Pero...

"Oo, masaya naman dito, kahit na more on children's party tapos may inuman na hindi naman ako pwede."

Ngumiti siya.
"Hindi ka pwedeng uminom, kahit na gustuhin kong payagan ka hindi naman pwede."

Inalis ko ang mga mata ko sa kanya dahil hindi ko matagalan na makipagtitigan sa kanya.
"Yeah I know, dahil sa program mo, 'yan ang hirap sa inyong mga robot. You didn't have your own will."

"Yeah."
Matipid na sagot niya.

Nawala na ang atensyon ko sa kanya nang biglang lumapit sa'min ang bunsong kapatid na lalaki ni Bernardino.
Two years old palang at saksakan ng cute.

"Hi po."
Bati niya sa amin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, mabilis na napunta ang kamay ko sa pisngi niya para bahagyang pisilin, pag-alis ko ng kamay ko bahagyang namula ang pisngi niya, epekto ng pagiging mistiso.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon