Roshan's POV
-------------------------
"Kamusta araw mo ngayon?"
Tanong sa'kin ni tito pagdating ko.
"Hindi mo naman nabalitaan na ibinitin ko siya patiwarik 'di ba? Ibig sabihin okay naman."
Sagot ko sa kanya.
"Roshan, kape oh."
Iniabot sa'kin ni Rona ang kape.
"Salamat, tisay."
Saka ko kinuha ang inaabot niya, nakita ko pa siyang isiniksik sa tenga niya ang buhok niya habang nakatingin sa'kin.Nginitian ko siya.
"Tao ko 'yan at huwag mo nang subukan pang magtangka."
Biglang singit ni tito.
"Uncle Nerdy talaga oh." Saka ko sinimsim ang kape.
"Anong sabi nila sa'yo nung nakita mo sila kagabi?"
"Ayun laglag panga nila, para silang adik na nahuli sa akto ng pulis."
Hindi ko mapigilang mapangisi kapag naaalala ko ang itsura nila kagabi.
"Hindi naman sila nagtaka?"
Inayos ni tito ang suot niyang salamin na may mataas na grado.
"Hindi naman, sinabi ko nalang kay Sabrina na 'yung bracelet ko 'yung dahilan para hindi na siya magduda, kesa naman sabihin ko 'yung totoo na trinetrace lang natin 'yung cellphone niya... Baka iwan niya na 'yun sa susunod."
Sagot ko sa kanya.
Pinapanood ko ngayon ang paghaharutan ng tatlong kateam ni tito, nahuhuli ko rin ang pasimpleng pagsulyap sa'kin ni tisay (Rona) pati ang pagkagat labi niya kapag nagsasalubong ang mga mata namin, 'wag kang ganyan baby, baka mabiktima ka.
Lihim akong napangisi sa isipin na 'yun.
"Ano namang sabi ni Mr. Cordona?"
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang nagtanong si tito.
"Hindi ko na sinabi, tama nang ako lang muna ang magsermon sa kanya, pero huli na 'yun sasabihin ko na sa susunod."
Tumayo ako saka tinignan ang capsule kung saan naroon si RCS7.
Tahimik na nakahimlay si RCS7, mukha lang ang pagkakapareho namin pero marami kaming bagay na ipinagkaiba.
Magpahinga ka muna d'yan ako na munang bahalang maging ikaw hanggang sa maayos ka. 'Wag kang mag-alala hindi ko bobosohan si Sabrina kahit natutulog siyang walang bra.
Natawa tuloy ako sa isip ko.
"Pinahanga mo talaga ako nung ikaw na mismo ang nagdesisyon na puntahan siya kahit na hindi mo naman na 'yun responsibilidad."
Sumunod sa likod ko si tito.
Saglit akong napa-isip, pinakaunang pumasok sa isip ko ang itsura niya nung sinabi ko na nag-aalala ako sa kanya. Gulat na gulat ang mukha niya pero nagniningning ang mga mata na parang matagal niyang hinintay na marinig ang mga salitang sinabi ko. Sayang ngalang dahil kailangan ko 'yung bawiin dahil pwedeng makasira sa pagpapanggap ko. Dahil wala namang ganong klase ng pakiramdam si RCS7.
Ngumiti lang ako kay tito.
"Sabihin na nating malambot ang puso ko sa mga babae."
Ngumiti si tito na parang inaasahan na niya na ang sasabihin ko.
"Nakikita ko nga, malambot talaga ang puso mo sa kanila."
Kinabukasan maaga akong umuwi, ala-syete nang pumasok ulit ako sa kwarto niya. Tulog pa rin siya, sabagay wala naman siyang pasok ngayon.
Naisipan kong libutin ang kwarto niya habang natutulog siya, nakita ko na ang kabuuan nito nung inutusan niya akong linisan ang kwarto niya. Red ang kwarto niya pati ang ding-ding ng banyo, buti nalang puti 'yung tiles ng sahig kung hindi masusuka na ako.
Pumunta ako sa tapat ng computer niya, naiwan doon ang notebook niya. Naisipan kong buksan ang likod ng notebook. May nakapagsabi kasi sa'kin na dito daw itinatago ng mga estudyante ng mga sikreto nila.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...
