Chapter: 33

84 8 0
                                    

Sabrina's POV
---------------------

"Good morning, Bree."

Isang malaking ngiti ang dumungaw sa labi ko nang makita ko siyang nakatayo sa harap ko. Kung ganon tinupad pala ni Dr. Lukas ang sinabi niya kagabi.

Mabilis akong umupo sa kama saka ko binalingan ang nakatayong si Roshan.
Nakasuot na siya ng school uniform. Mukhang excited na siyang pumasok.

"Kelan ka dumating?"

Iniabot niya sa'kin si Sashan, na tinanggap ko naman.

"Kararating ko lang, bumangon ka na d'yan. May mini exam pa tayong haharapin mamaya."
Naglakad siya palabas.

Tinitigan ko ang cute na si Sashan saka ko gigil na pinisil ang pisngi niya.
"Ang cute mo, para kang si Roshan. Sarap mong kurutin."

Matapos ko siyang pagdiskitahan ay pumasok na ako sa banyo para makaligo.
Pagbaba ko sa kusina ay nadatnan ko si Roshan na nakaupo sa lamesa habang nakangiting nakatingin sa'kin.

Ipinag-usog niya ako ng bangko, umupo ako at umupo siya sa bangko sa tabi ko.

"Nakapag-aral ka ba kagabi, Bree?"

Binalingan ko siya saka ako umiling.
"Hindi, nawalan ako ng oras kahapon."

Nakita ko na naman ang ngisi niya.
"Baka kung saan-saan ka na naman gumala."

"Nope, wala naman akong pinuntahan. Maaga lang akong nakatulog kagabi."
Pagdadahilan ko.

"Natutuwa ako sa ginawa mo kagabi."

Napatigil ako sa pagsubo, kunot ang noo kong bumaling sa kanya. Huwag niyang sabihin na alam niya ang pagpunta ko kagabi sa laboratory. Nakita kong mahimbing siyang natutulog sa capsule... Naked!

"What do you mean, Roshan?"

Mahina siyang tumawa bago niya ako sinagot.
"I mean, na maaga kang natulog kagabi. Kung totoo nga na wala ka nang ibang pinuntahan."
Bakit ba may halong pang-aasar ang tono niya? Hmmm.

"Wala, masyado akong pagod para gumala pa."
Simpleng sagot ko.

Ipinagpatuloy ko na ang pagkain kaya nagkaroon kami ng katahimikan. Siya naman walang ginawa kundi ang titigan lang ako. Sabagay ganyan naman siya palagi.

Hanggang sa kotse, wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Parang nakontento na ako habang tinititigan lang siyang nagmamaneho. Masaya ako na makita siya ngayon, pero pakiramdam ko hindi tama na ipakita ko 'yon sa kanya. Dahil wala naman siyang nararamdaman, tama nang sarilinin ko na lang ang lahat.

"Best!"

Sinalubong agad ako ni Athila pagpasok ko ng room. Parang ang tagal naman naming hindi nagkita.

Nadatnan kong hiwa-hiwalay na ang mga upuan. Umupo na ako sa upuan ko at naglabas ng ballpen para sa mangyayaring test.

"Tinatawagan kita kagabi, best. Bakit hindi ka sumasagot?"
Bungad na tanong niya sa'kin.

"Sorry, nakasilent kasi cellphone ko. Nakatulog kasi ako ng maaga kagabi."
Pagdadahilan ko.

Naiwan ko kasi kahapon ang cellphone ko dahil sa sobrang pagmamadali na makapunta sa Cordona Enterprise building.

"Kawawa ka naman, best. Mukang pagod na pagod ka kahapon."
Nakapalumbaba siya habang nakatingin sa'kin.

"Yeah, sort of."

Naramdaman ko ang matiim na titig sa'kin ng lalaki sa gilid ng bintana sa labas. Tinaasan ko ng kilay si Suea pero umiling siya sa'kin saka bumaling ulit sa harapan.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon