Sabrina's POV
--------------------------"Baby, natapos mo na ba 'yung pinapahiwa kong mga patatas?"
Tawag sa'kin ni mommy habang tinitimpla niya ang lulutuin niyang adobo."Heto na po, mommy."
Ibinigay ko sa kanya ang hiwa-hiwa nang patatas, hiniwa ko 'yun base sa sinabi niya."Thank you, baby."
Sabi ni mommy habang nilalagay niya na ang mga hiniwa ko.Pumasok naman sa kusina si RCS7 para kunin ang sauce na gagamitin nila ni daddy sa pag-iihaw.
"RCS7, kamusta 'yung iniihaw niyo doon?"
Tanong ni mommy kay RCS7."Ayos naman po ma'am, hindi pa naman kulay uling lahat."
Hindi ko mapigilang ngumisi nang sinabi niya 'yun. Hindi marunong mag-ihaw si daddy kaya siguradong nasunog na naman 'yung inihaw kaya si RCS7 na ang gumawa at suporta na lang si daddy.Hindi ko alam kung anong naisipan ni mommy at daddy ngayon kaya nagyaya silang magfamily bonding, naisipan nilang magluto kaming apat ng sama-sama at sabay-sabay na kakain.
Napakabihirang mangyari 'to sa pamilya namin kaya talagang masaya ako, madalas kong hilingin ang ganitong bonding dahil madalas busy si mommy at daddy.
Narinig kong pinatay na ni mommy ang kalan.
"Okay na 'to baby, puntahan muna natin sila d'on sa pool, kamustahin natin 'yung inihaw na uling nila."
Tumatawa akong lumabas sa pool kasama si mommy. Nadatnan namin si daddy na pinapaypayan ang baga ng uling habang may mga nakasalang na mga karne ng baboy.
Lumapit sa kanya si RCS7 at tinulungan siyang baliktarin ang mga luto na.
"Lumaki akong hindi nararanasan 'to kaya normal lang na hindi ako marunong." Pagdadahilan ni daddy.
Sinilip ko ang mga unang inihaw ni daddy, sunog na sunog at mukhang wala nang pag-asang makain pa.
"Dad, mukhang nailagay mo yata rito ng hindi sinasadya 'yung uling."
Saka ako nakangising tumingin sa kanya.Sumilip din si mommy.
"Sunog na sunog, a.""Huwag niyo ngang silipin 'yan doon na lang kayo sa gilid ng pool, panglalaking gawain 'to." Sabi ni daddy, bumaling siya kay RCS7.
"Tignan mo nga kung okay na ang ganito.""Konting paypay na lang po, sir."
Nakangisi si RCS7 habang tinitignan ang niluluto ni daddy.Normal sa parents ko ang pagbabagong nangyayari sa kanya, hindi sila naiilang kahit ibang-iba na si RCS7, marunong na siyang tumawa, magmukhang seryoso at magalit. Ibang-iba na rin ang mga ningning sa mga mata niya. Siguro kaya naiilang ako sa pagbabago niya dahil ayaw ko sa kanya dati at hindi ko matanggap na mas okay ang RCS7 ngayon kesa sa dati.
Biglang umangat ang tingin niya sa'kin kasabay ang pagsilay ng maamong ngiti sa mukha niya.
Pero kahit anong mangyari hindi magbabago ang katotohanan na robot lang siya.
Nag-iwas ako ng tingin saka ko pinuntahan si mommy para tulungan siyang maglagay ng cover sa gagamitin naming mesa.
"Oh, lumiliyab na 'yung karne!"
Narinig kong sigaw ni daddy galing sa likod ko."Sir, nasunog na po 'yung isa."
Hindi ko mapigilang matawa sa kanilang dalawa, magkasundo talaga silang dalawa mula pa dati, para lang silang mag-ama.
"Tignan mo sila."
Inginuso ni mommy ang dalawang nag-iihaw habang hawak niya ang cover ng mesa. Bumaling naman ako.
"Kung hindi lang robot si RCS7, mukha silang magbiyenan."
Saka tumawa si mommy na parang kinikilig.

BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...