Chapter: 43

64 1 0
                                    

Roshan's POV
---------------------

"Ano bang kabaliwan ang pinaplano mo, Roshan? Kailangan mo nang umalis ngayon."

Mabilis akong bumaba sa kotse bago pa man kami makarating sa terminal ng bus papuntang Pagudpud.

"Pasensya na tito, pero hindi ko siya kayang iwan ng ganon-ganon na lang."

Mabilis akong naglakad patawid sa kabilang parte nang highway nang tawagin niya ako ulit. Nasa pintuan siya ng driver's seat habang blangko ang mukha niyang nakatingin sa'kin.

"Nababaliw ka na talaga sa kanya, Roshan."

Nginitian ko si tito. Tama siya, nababaliw na nga talaga ako. Baliw na baliw na ako kay Sabrina. At hindi ko kayang hindi manlang siya makita bago man lang siya mawala sa buhay ko.

"Magkita na lang tayo sa laboratory, tito. Babalik ako doon bago mag-umaga."

Kumamot-ulo si tito. Wala ka nang magagawa tito, ganyan talaga, e. Nagkaroon ka ng pamangkin na pasaway.

Mabilis kong pinara ang taxi na dumaan sa'kin para makarating ako sa bahay ng mga Cordona.

Nanginginig ang buong katawan ko habang naghihintay na makarating kami doon, kung pwede ko lang sanang paliparin ang sasakyan ay ginawa ko na.
Konting oras na lang , Sabrina. Nand'yan na ako.

Tinalon ko na ang pagbaba ko sa kalsada nang nakarating na kami sa tapat ng malaking bahay. Araw-araw akong nandito pero pakiramdam ko ay matagal akong nawala at sobrang namiss ko ang lugar na 'to.

Dali-dali kong binuksan ang gate at tinakbo hangang sa makarating na ako sa loob ng bahay. Wala na akong pakeelam kung may makakita sa 'kin ngayon. Mamaya ko na iisipin 'yon kung sakaling meron nga.

Nadatnan ko ang sala na walang tao kaya mabilis kong hinakbang ang kwarto ng babaeng kinakabaliwan ko ngayon, at oo hindi ako nahihiyang aminin sa sarili ko na baliw na ako sa kanya. Nang natikman ko ang labi niya kanina pakiramdam ko ay nagawa ko na ang pinakamatinding kasalanan na nagawa ng tao. Ang labi niya ang pinakamatinding kasalanan sa lahat at ngayon ay ninanamnam ko na ang parusa sa pagiging pabaya ko. Ang pagiging baliw sa kanya ang kaparusahan ko at malugod ko iyong tinatanggap.

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto, kagaya ng nakasanayan hindi siya naglalock ng pinto. Matinding kabog sa dibdib ko ang nararamdaman ko habang unti-unti kong nasisilayan ang kabuoan ng kwarto niya.

Nakapatay na ang main light ng kwarto niya at tanging ang lamp na lang ang may ilaw pero sapat na iyon para makita ko siya. Nakatingin siya sa 'kin habang pinupunasan niya ng kamay niya ang mga luha niya. Damn! Huwag mong sabihin na dahil sa'kin kaya ka lumuluha, Bree. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag ako ang dahilan ng pagluha mo.

"Bakit nandito ka?"

Narinig ko na naman ang boses niya. Bakit ba sa tuwing naririnig ko ang boses niya langit ang nararamdaman ko?



Tumuloy na ako sa pagpasok isinara ko ang pinto at doon ako sumandal.


Masakit ito Roshan, pero kailangan mo pa rin na paniwalain siya na robot ka.
Gusto kong magalit sa mundo at kung bakit sa ganitong paraan niya tayo pinagtagpo. Bakit sa ganitong paraan pa?




"Gusto kong makita ka sa huling pagkakataon."
Sagot ko sa kanya. Masakit man isipin pero 'yon ang totoo, ito na ang huling pagkakataon na pwede kitang makita.



Umupo siya sa kama at inilaylay ang paa niya sa sahig.




"Bakit pa? Ilang araw lang naman ang kailangan at makikita mo na ako ulit."


MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon