Sabrina's POV
-------------------------Nakahiga lang ako sa kama ko mula nang dumating kami ni Roshan galing school, yakap ang unan habang nagtitipa ng text para kay Athila.
AKO:
Zap best, anong sabi ng nurse tungkol sa paa mo?
Nauna na kasi kaming umuwi dahil pumunta pa sa nurse si Athila para ipatingin ang paa niya kasama si Bernardino.
Kaya si Emely at Roshan ang nakasabay ko palabas ng school kanina.
Naalala ko nanaman tuloy 'yung awkward na sinabi ni Emely kanina. Tsss.
Tinawanan lang 'yun ni Roshan, ano panga bang aasahan kong reaksyon niya? Hindi naman kasi niya iintindihin
'yun, kaya tinatanong ko tuloy ngayon ang sarili ko kung bakit ako nao-awkward.Para ko lang daw boyfriend si Roshan na ihahatid ako pauwi? Tssss!
Narinig ko nang tumunog ang cellphone ko kaya binasa ko na ang text sa'kin.
ATHILA:
Ayos naman na daw best, bukas daw makakalakad na ako ng medyo matino.
Ayaw ko na ng ganito, best! Nahihirapan na akong gumalaw! Tapos nand'yan pa si Bernerdino na walang ginawa kundi ipasan ako! Tsss! Sakit niya sa bangs. Pasalamat siya mabango siya.Kahit sa text hindi parin nawawala ang pagiging madaldal niya.
Nagtitipa na ako ng reply ko nang may kumatok sa kwarto ko.
"Yes?"
Tanong ko."Ipinapatawag ka ni sir Saber, magdidinner daw tayong apat."
Narinig ko ang boses ni Roshan."Sige susunod na ako."
Tumayo na ako para bumaba, sino ba namang may ayaw ng family dinner with mommy and daddy.Sinend ko na ang reply ko kay Athila.
AKO:
Good, pahinga ka na best para sure na gumaling ka. Dapat sininghot mo na kanina lahat ng bango ni Kasungsong kasi hindi na 'yun mauulit.
Pati ako natawa sa reply ko.
Nakarinig ulit ako ng katok sa pinto.
"Yes? Palabas na ako.""Magbihis ka raw, Bree. Lalabas tayo."
Napahinto ako sa ginagawa ko nang narinig ko ang salitang Bree, hindi ko akalain na ganito pala ang magiging dating sa'kin ng tawag niya sa'kin.
Napapangiti ako na parang tanga lang.Excited akong pumunta sa closet ko para mamili ng susuotin.
Kinuha ko ang pink na dress na ibinili sa'kin ni mommy nung nakaraan.
Nakangiti ako sa salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili ko. Mas lalong tumingkad ang pagiging maputi ko dahil sa suot ko. Itinali ko rin ng ponytail ang buhok ko, kagaya nga ng sabi ni Athila, para bitchy good girl ang datingan. Yeah 'yun lang ang dahilan.Nakapagbihis na ako kaya ready na akong bumaba.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may text si Athila sa'kin.
Binuksan ko ang message niya.ATHILA:
SINGHUTIN MY ASS!
Tumawa lang ako at hindi ko na siya nireplyan.
Pagbaba ko sa sala nadatnan ko doon si Roshan.
Nakasuot siya ng blue polo na tinernohan ng blue jeans, pang casual din ang pagkakaayos ng buhok niya nakataas iyon ng bahagya kaya mas lalong napapansin ang makinang niyang asul na mata."Saan mo nakuha 'yang damit mo?"
Tanong ko sa kanya."Ibinigay ni Ma'am Irina."
Simpleng sagot niya."Oh, nand'yan ka na pala baby, tara na."
Bumaba na rin si mommy galing sa kwarto nila.Katulad ko nakasuot din siya ng dress, kulay green nga lang ang sa kanya. Nagmumukha tuloy siyang mas bata kumpara sa edad niya.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...