Sabrina's POV
-----------------------Dumilat ako ng umaga habang ramdam ko pa rin ang bigat na sumasakop sa buong pagkatao ko.
Mapait akong ngumiti sa kisame nang bumalik nanaman sa utak ko ang nangyari kagabi, hindi agad umalis si Roshan. Tinabihan niya ako sa pagtulog pero ngayon sa pagdilat ko ay wala na siya sa tabi ko. At sigurado akong kahit kelan, hindi ko na siya makakasama ulit.
Bumangon ako sa kama at pinuntahan ang isa sa mga ala-ala sa 'kin ni Roshan.
Dinampot ko si Sashan sa tabi ng computer ko. Mahina kong kinusot ang mukha niya kahit na alam ko naman na wala siyang mararamdaman."Iniwan na tayo ni Roshan. Ikaw at ako nalang ngayon. Siguro bukas o makalawa makikita mo siya ulit... Pero ibang Roshan na ang makikita mo. Hindi na siya at kahit kelan ay hindi magiging siya."
Inilapag ko na si Sashan sa pinaggalingan niya at saka ako bumaba.
Wala akong nadatnang tao sa kusina.Naaalala ko, nung nakaraan lang lagi nang nakaabang si Roshan dito para panoorin akong kumain, pero ngayon. Wala akong ibang nadatnan kundi ang nakakabinging katahimikan.
"Ay ma'am Sabrina, gising na po pala kayo."
Binalingan ko ang nagsalita sa likod ko, isa siya sa mga katulong namin sa bahay.
Tumango ako sa kanya.
"Si mommy at daddy?""Pumasok na po sila ma'am, ibinilin po nila na kami munang mag-aasikaso sa 'yo habang hindi pa nakakabalik si RCS7."
"Ganon ba, okay."
Sagot ko lang. Tama siya, si RCS7 ang babalik sa bahay na 'to at hindi si Roshan."Ano po bang gusto niyong kainin, ma'am Sabrina?"
Makalipas ang ilang minuto ay nakahanda na ang pagkain. Nakakalungkot ang aura ng buong bahay. Pakiramdam ko tuloy ang laki ng nawala sa bahay. Parang naging tahimik ito ngayon at nawalan ng buhay.
Habang kunakain ako ay pinapanuod ako ng katulong namin habang nakangiti. Dahil sa ilang ko sa ginagawa niya bumaling ako sa kanya.
"Ba't ganyan ang ngiti mo manang?"
"Wala naman po ma'am Sabrina, naisip ko lang po kasi na ang laki na ng ipinagbago niyo. Dati po kasi ang sungit niyo at lagi kayong galit sa mundo. Dati pa nga po ang sungit niyo kay RCS7, pero ngayon ang layo niyo na kasi napapansin namin na lagi na kayong nakangiti."
Bigla akong napahinto sa pagsubo at bumaling sa kanya.
Yumuko siya bigla, baka inisip niyang nagalit ako.
"Pasensya na po ma'am Sabrina, naging madaldal po ako.""Malaki ba talaga ang ipinagbago ko?"
Gulat ang mukha niyang nag-angat ng tingin sa 'kin.
"O-opo, mula po nang binago si RCS7, pati po kayo biglang nagbago.""Ganon ba?" Bumaling na ulit ako sa kinakain ko.
"Salamat."Siguro nga hindi ko napansin ang mga pagbabago ko mula nang dumating si Roshan. Pero wala na ngayon si Roshan, kahit gustuhin ko man ay hindi na siya babalik pa ulit.
Pagkatapos kong kumain ay tumambay na ako sa sala para manood ng TV, wala naman akong ibang maisip gawin para malibang. Anime series ang pinanood ko, nakakatawa ang palabas, oo. Pero bakit hindi ko manlang magawang ngumiti? Baka hindi pumasok sa standard ko para matawa ang mga punchline nila, kasi natatawa naman ang katulong namin na nasa likod ko.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...