Chapter: 26

94 9 0
                                    


Sabrina's POV
-------------------------

"Mag-ingat ka doon sa Vigan, ha. Huwag kang lalayo kay Roshan."

Bilin sa akin ni daddy. Nakabaling siya sa'kin mula sa driver's seat. Nasa likod ako ng sasakyan at si Roshan naman ang nasa front seat.

Medyo madilim pa ang paligid dahil maaga dapat kaming makarating dito.

Si daddy na ang naghatid sa'min ni Roshan sa gate ng school. Napag-usapan kasi namin na dito na magkita-kita.

"Yes po, dad."
Tumango ako sa kanya.

"Huwag kang magpapasaway doon, ha? Be a good girl."
Bahagyang ngumisi si daddy.

"Daddy, naman."
Sagot ko lang at humalik na ako sa pisngi at lumabas ng kotse.

Sumunod na rin sa'kin si Roshan.
Dinungaw ko ang sa bintana si daddy at kumaway na siya sa'kin bago paandarin ang sasakyan.

"Best!"
Narinig ko na ang boses ni Athila.

Kumakaway siya habang lumalapit sa'min. Kita ko agad sa likod niya ang malaking backpack niya.
Nasa likod niya naglalakad na rin palapit sa'min si Emely.
May mga dala silang mga backpack, ako lang ang wala dahil si Roshan na ang may dala. Hindi naman yata siya nabibigatan dahil parang wala lang sa kanya ang dala niya. Nakasabit sa magkabilaang balikat niya ang dalawang bag. Gamit niya at gamit ko.

Nakasuot ng maiksing short na kulay itim si Athila na tinernohan niya ng puting T-shirt na may nakaburda na
'I love the nerdy things' at pink na sneakers. Simple pero bagay na bagay sa kanya.

"Kanina pa ako nandito! Akala ko pa naman darating kayo ng maaga. Kalahating oras na ata akong nandito nang dumating si Emely."
Nagpameywang siya.

Tinignan ko ang orasan, saktong four naman kami nakarating. Nakakunot noo akong bumaling kay Athila.
"Sino ba naman kasing may sabi sa'yo na pumunta ka rito ng sobrang aga?"

"Ayun nga ang sinabi ko sa kanya. Sobrang aga niyang dumating. Nasobrahan sa pagiging excited."
Singit ni Emely.

Kapansin-pansin si Emely ngayon. Nakatirintas ang bawat hibla ng buhok niya. Para tuloy siyang nakadreadlocks.
Nakasuot siya ng malakulambong damit na may stripes na orange at blue, kung hindi lang siya nakaspagetti sa loob, siguradong kumakaway na sa'min ang boobs niya. Nagmumura din ang maputing legs niya dahil sa suot niyang short parang pinunit na pantalon at pinaiksi. Nagsusumigaw ng bad girl ang aura niya ngayon.

"Tara na. Sa waiting shed. Hihintayin pa natin si Suea at Bernardino."
Yaya ko sa kanila.

Sumunod naman sila agad sa'kin sa waiting shed.

"Bilin din ba ng daddy mo na kailangan terno kayo ng suot ngayon?"
Hindi na napigilan ni Athila na punahin ang suot namin ni Roshan.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot namin ni Roshan. Parehas kaming nakasuot ng plain red T-shirt.
Si mommy ang may pakana nito. Gumising pa talaga siya ng maaga kanina para picturan kaming dalawa ni Roshan sa terno naming damit.

"Si mommy ang may gusto nito. Okay lang magbibihis rin naman kami pagdating sa Vigan."
Simpleng sagot ko.

Umupo na ako sa waiting shed. Sumunod naman sa'kin si Roshan at Athila. Si Emely lang ang nanatiling nakatayo.

"Okay lang ang porma ko ngayon, Roshan?"
Sabi ni Emely. Umiikot siya para mapasadahan ang porma niya.

Bumaling ako kay Roshan. Pinagmasdan ko kung paano niya pasadahan ng tingin ang buong katawan ni Emely.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapairap.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon