Sabrina's POV
--------------------------Pagpasok ko palang ng bahay sinalubong na ako ng yakap ni mommy at daddy.
"Ayos ka na ba baby? Nasaktan ka ba?"
Alalang tanong ni mommy."Ayos na po ako, mommy."
Bumaling ako kay RCS7, nagtaas lang siya ng kilay sa'kin.Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni daddy.
"Malakas talaga ang kutob ko kung sinong may pakana nito, wala lang tayong proweba!"
Napalitan ang galit na mata niya ng pag-aalala nang bumaling siya sa'kin.
"Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag may nangyaring hindi maganda kay Sabrina.""Daddy, mommy... Nand'yan naman po si RCS7, iniligtas niya po ako kaya 'wag na po kayong mag-alala."
Hindi ko alam kung bakit nawala na ang takot ko ngayon, samantalang kanina lang balot ng takot ang buong katawan ko. Siguro dahil ngayon alam ko nang ligtas na ako."Mabuti na lang talaga nand'yan si RCS7, good job RCS7."
Tinapik ni daddy ang balikat ni RCS7."Walang anuman po, sir."
"Best!"
Umalingaw-ngaw ang malakas na boses ni Athila galing sa pintuan, binalingan ko siya para sana sawayin sa ingay niya pero natunaw 'yun nang nakita ko ang labis na pag-aalala sa mga mata niya.Tumakbo siya sa'kin kahit na iika-ika pa siya at mabilis niya akong yumakap.
"Walang hiya ka best! Saglit lang akong nawala may ganitong event na agad? Akala ko may magtatanan sana sa'yo, kidnapan epek na pala! Ano bang nangyari, best? Nag-alala ako sa'yo!"
Imbis na sumagot tinawanan ko lang siya. Napaka-adorable niya talaga, ang cute niya kapag nag-aalala.
Tumingin siya sa'kin ng masama habang umaagos parin ang luha sa mga mata niya."Kaasar ka naman ihhhh! Nagdradrama ako rito tapos tatawanan mo lang ako? Naalog ba utak mo sa kalsada?"
"I love you, best!"
Gumanti ako ng yakap sa kanya."I love you more! And more, best!"
Naghiwalay na kami sa pagkakayakap.
"Sabrina, umakyat muna kayo ni Athila sa kwarto mo. May pag-uusapan lang kami rito."
Utos ni daddy."Tara na, best."
Yaya ko kay Athila na sumunod naman agad.Binalingan ko ang nakatayo sa likod ni Athila, kanina pa siya nakatingin sa'kin na parang pinag-aaralan ang bawat kilos ko. Tinitigan ko ang asul niyang mata.
Nagtaas lang siya ng kilay, nginisian ko siya saka na ako umalis para pumunta sa kwarto ko kasama si Athila."So... Anong nangyari kanina best? Kwento mo sa akin."
Nakapalumbaba si Athina habang nakadapa sa kama ko.Umupo ako sa gilid ng kama hindi kalayuan sa kanya.
"Wala naman may apat na bad guys lang na gusto akong kidnapin then...""Then?"
Lalong naging interesado ang mukha niya."Then... RCS7 saved me."
Pagtatapos ko."May nagsabi sa'kin na may guard daw na nabaril at fortunately buhay pa siya... Mabuti hindi natakot si RCS7?"
Naniningkit ang mga mata niya."May robot bang natatakot?"
Simpleng sagot ko."Ay oo nga no? Hindi ko ginamit ang commonsense ko. Tapos? Pagkatapos niyang lumaban sa apat na ugly bad guys na parang super hero ano nang nangyari?"
Nagtatanong siya na parang may hinihintay pa siyang makuhang impormasyon galing sa'kin.Ang sumunod na naaalala ko non nung niyakap ko na si RCS7, pero hindi ko na dapat ikwento 'yun.
"Wala... Nung wala na 'yung mga bad guys sumakay na kami agad sa kotse tapos eto na, nakauwi na kami."
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...