Chapter: 49

64 3 0
                                    

Sabrina's POV
---------------------

Pagdating ng hapon ay sinundo ni Bernardino si Athila, nakakagulat lang na hindi manlang nagpakita ng pagkagulat si Bernardino nang makita niya si Roshan sungit version. Sabagay, kelan ba nagpakita ng emosyon ang poker face na si Bernardino.



Masayang kasama si tita Esmy, wala kaming ginawa kundi magkwentuhan sa kung ano-anong mga bagay, samantalang si Roshan naman, nasa loob lang ng kwarto niya. Kung hindi pa namin siya niyayang kumain ng hapunan ay hindi pa siya lalabas.


"Hindi talaga ako, makapaniwala na kasama ka namin ngayon, Sabrina. Kamusta naman sa 'yo si RCS7 nung hindi pa siya nasisira?"


Bumaling ako sa nakasimangot na si Roshan bago ko sinagot ang tanong ni tita Esmy.

"Mabait naman po siya, katunayan nga po Roshan din ang pangalan niya nung pumasok siya sa school namin, kaya nagulat ako na Roshan din pala ang pangalan ng model niya."
Magiliw na sagot ko.


Simula nang nawala si Roshan ay hindi na siya ulit nabanggit sa harapan ko, malamang 'yun ang paraan nila ng pag-simpatsa sa 'kin. Hindi ko rin akalain na magaan na rin pala sa pakiramdam ko ngayon na pag-usapan siya.


"Really? Nakakatuwa namang malaman 'yon. Malamang naging close kayo?"


"Ma! Sira na si RCS7, huwag na natin siyang pag-usapan lalo na harapan ko, nakakairitang pakinggan."

Naningkit ang mata ko nang nagsalita nanaman si mr. Sungit.


Hindi pinansin ni tita Esmy ang sinabi niya, nakangiti siyang bumaling sa 'kin.


"Sabrina, pagpasensyahan mo na ang anak ko, ha. Hindi ko naman siya ipinaglihi sa sama ng loob kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang ugali niya, masyadong bugnutin."



"Opo, tita."

Sabay kaming tumawa ni tita Esmy.


"Naririnig ko kayo."
Iritadong singit ni Roshan.


Sabay namin siyang tinawanan, nairita siguro siya kaya sa pagkain niya nalang siya nagfocus.



"Kamusta naman si Lukas sa inyo? Mabait naman ba siya sa 'yo."



"Opo, tita. Mabait po si Dr. Lukas."
Sagot ko.


"Mabuti naman, alam mo ba? Dinala ni Lukas dati si Roshan sa maynila para magtrabaho daw sa laboratory niyo."


Namilog ang mata ko sa sinabi ni tita Esmy.
"Talaga po?"


"Ano ba? Puro mga walang kwentang bagay nalang ba ang pag-uusapan niyo sa harapan ko?"

Padabog na inilapag ni Roshan ang kutsarang hawak niya saka siya tumayo at lumabas sa kusina.



Imbis na maging tahimik ay pasimple pang humagikgik si tita Esmy.

"Ganon lang siya asarin."


Napatango nalang ako.
"Ganon po ba?"


Mabait si tita Esmy, masarap siyang kasama dahil hindi nauubos ang pinag-uusapan namin. Hindi ko tuloy maisip kung saan nagmana si Roshan, hindi naman kasi bugnutin si tita Esmy, malamang hindi rin sa papa niya, dahil hindi rin naman masungit si Dr. Lukas, kaya siguradong ganon din ang papa ni Roshan. Baka iba lang talaga trip niya sa buhay.

Pagkatapos naming kumain ay nanood naman kaming tatlo ng T.V. sa sala, magkatabi kami ni tita Esmy sa mahabang kahoy na sofa, samantlang nasa harap naman namin si Roshan, hindi manlang niya ako sinulyapan kahit isang beses.


MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon