Chapter: 22

86 8 0
                                    

Sabrina's POV
-----------------------

Kagaya ng napagplanuhan.
12:30 kaming umalis dahil napag-usapan namin na susunduin namin sa Rancho si Emely.
Alam ko ang lugar nila dahil may bahay rin kami doon. Pero mas pinili ni daddy na tumira sa family house namin na ipinamana pa sa kanya ng lola ko. Nirenovate na 'yon ng ilang beses at malayong-malayo na sa dating itsura.

Pumayag naman si Suea na sa ideya ko, para daw hindi masyadong maging istorbo si Roshan dahil may iba siyang pagkakaabalahan.

Nagtext na si Emely na nasa labas na siya ng gate ng subdivision. Mukhang excited talaga siya.

Nang nasa gate na kami natanaw na agad namin siya. Inihinto ni Roshan ang sasakyan sa isang bangketa at mabilis na naglakad papunta sa'min si Emely.

Naughty angel, ganyan ko madediscribe si Emely Tan. Nakasuot siya ng kulay cream na dress na medyo mababa ang bandang dibdib kaya medyo natatanaw ang maputi niyang cleavage. Medyo maliit siya kaya ang jolly niya tignan kapag gumagalaw siya. Saktong-sakto lang ang make-up niya kaya makikita ang pagiging maamo ng mukha niya, dumadagdag pa sa package niya ang parang laging makislap niyang mata. Alam mo 'yong itsura ng mga cute anime characters pero may boobs?
Kaya hindi ako nagtataka na marami ring lalaki ang sinasamba siya para lang mangitian niya. Kaya ang tanong na lang ngayon. Bakit si Roshan pa?

Pumasok na siya agad sa loob.
"So? Saan daw makikipagkita si Suea my love mo?"

"Sta. Lucia raw."
Tipid na sagot ko.

Pinaandar na ni Roshan ang kotse.
Nakikita ko ang seryosong mukha niya habang tutok siya sa kalsada.
Nakablack T-shirt siya ngayon na may design na bungo at baraha. Tinernohan niyo 'yon ng ripped jeans na may kadena sa bewang. May suot din siyang malaking silver na kwintas na parang mga kadena at bracelet na ganon din ang design. Para lang siyang member ng gang. Ang badboy ng datingan niya. Bagay sila ng date niya.

Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niyang nakatingin ako sa kanya.
Bumaling na ako agad bintana.

Simpleng puting dress lang ang suot ko na may design na black belt sa bewang.
Hangang taas ng tuhod ko abot nito kaya siguradong makikita ang ilang parte ng hita ko kapag maglalakad ako.
Tinernohan ko 'yon ng itim na sandals na may mataas na takong. At syempre nakaponytail ako.
Bitchy good girl huh.

"Mabuti, Roshan pumayag ka na makipagdate sa'kin."
Narinig kong nagsalita si Emely sa likod.

Bumaling ako kay Roshan, nakita ko siyang tumango.
Hindi manlang siya nagsalita tsss!

"Bakit ba wala kang cellphone? Sayang gusto pa naman sana kitang makatext."

Pakiramdam ko nao-awkward ako sa kanilang dalawa.
Kinakausap ng kinakausap ni Emely si Roshan. Samantalang si Roshan naman isang tanong isang sagot lang.
Huwag mo namang iparamdam sa kanya na ayaw mo sa date na 'to.

"So... Ang plano hindi kami hihiwalay sa inyo. Dapat kung nasaan kayo doon lang din kami?"
Tanong ni Emely sa'kin.

"Yup, ayon kasi ang kundisyon ni daddy."
Sagot ko sa kanya.

"Okay, no problem. As long as si Roshan ang kadate ko okay lang ako kahit saan."

Nginisian ko siya. Iba rin talaga ang confidence na taglay ni Emely. Sabagay nasanay siya na ang mga lalaki ang nagkakandarapa sa kanya. At mamamatay sa saya ang lalaking sabihan niyang gusto niya. Kaya siguro napakaopen niya na sabihin kay Roshan na gusto niya ito. Kasi malakas ang tiwala niya sa sarili niya na makukuha niya ito.

Pumasok na kami sa mall.

Tinext ko si Suea kung nasaan na kami.
Nagreply naman siya kung nasaan siya kaya pumunta na kami.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon