Sabrina's POV
---------------------Umaga nang nakarating ako ulit sa Pagudpud. Nagkaroon kasi ng matinding kamalasan dahil pumutok nanaman ang gulong ko nang nasa pangasinan na ako kagabi, kaya ngayon lang ako nakarating dito.
Nanginginig na ang buong katawan ko at parang winewelding ang utak ko dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naiisip ko ang magiging reaksyon ni Roshan kapag nalaman niyang alam ko na ang lahat.
Inihinto ko ang kotse ko sa harap ng bahay nila, hindi ko alam na ganito lang din pala ako kabilis na makakabalik dito.
Unang katok ko palang sa pinto ay sinalubong na ako ng nakangiting si tita Esmy.
"Oh? Bumalik ka, may nakalimutan ka ba?"
Mabilis akong umiling.
"Wala po, tita. Nand'yan po ba si Roshan?""Nandoon siya sa likod nagsisibak ng kahoy, hindi ko nga alam kung anong nakain n'on, e. Bigla nalang tinamaan ng kasipagan."
Mabilis kong hinawakan ang dalawang kamay ni tita Esmy.
"Pwede ko po ba siyang makausap? Importante lang."
Ngumusu ng may kasamang ngiti si tita Esmy.
"Oo naman, puntahan mo na siya.""Salamat po."
Patakbo akong tinungo sa kusina kung saan ang daan papunta sa bakuran nila.
"Ahm, Sabrina."
Mabilis akong lumingon nang tawagin ako ni tita Esmy.
"Tumawag sa 'kin kahapon si Lukas na pupunta ka raw dito, ang totoo niyan alam ko rin ang tungkol sa pagpapanggap ni Roshan bilang si RCS7."
"Paano?"
Gulat na tanong ko."Umuwi ang anak kong nakacoma dahil nabaril siya sa dibdib, syempre binugbog ko ang tito niya para umamin. Hindi rin alam ni Roshan na alam ko, mula nang dumating ka rito alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa, nagpanggap lang akong walang alam dahil mas gusto ko na kayong dalawa mismo ang umayos ng tungkol sa inyo."
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi ni tita Esmy.
"Salamat po, tita Esmy."Tumango siya sa 'kin habang nakangiti.
"Sige na, puntahan mo na si Roshan. Balian mo ng buto kapag nagpakipot pa."Hindi na ako nagsayang pa ng oras, tinakbo ko na agad ang labasan papuntang bakuran. Naabutan ko siyang nagsisibak ng kahoy gamit ang palakol.
Hininaan ko na ang lakad ko ng malapit na ako sa kanya."Hi, Roshan."
Halata sa kanyang nagulat siya nang lingunin niya ako, hindi manlang siya nagsalita at ipinagpatuloy lang pagsisibak.
Medyo na-awkwardan ako kaya nag-isip nalang ako ng pwede naming pag-usapan.
"Kumain ka na ba? May dala akong pagkain, binili ko kanina habang nasa daan ako papunta rito.""Anong ginagawa mo rito?"
Hinambalos niya ng palakol ang kahoy na nasa harap niya."Kagabi pa dapat ako nandito, kaso pumutok ang gulong ng kotse ko-ulit, kaya ngayon lang ako nakarating. Sayang plano ko pa naman sanang ako ang gigising sa 'yo kaninang umaga."
Tumayo na siya ng deretso saka siya iritadong bumaling sa 'kin. Ang asul na mata niya, namiss ko talaga ng sobra.
"Ba't mo naman gagawin 'yon, Sabrina?"

BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...