Chapter: 34

81 7 0
                                    

Sabrina's POV
---------------------

Dinala ako ni Roshan sa garden ng campus. Saka siya biglang umalis ng hindi manlang nagsasalita, naiwan akong nakaupo rito sa sementadong upuan habang pinagmamasdan ang mga halaman.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik siyang may dala nang chocolate shake.

Ibinigay niya sa'kin ang isa, humigop ako ng konti. Napansin kong nawala na ang tensyon niya. Naging kalmado na ang itsura niya ngunit nananatili pa ring seryoso.

"Salamat kanina."

Tumingin lang siya sa'kin saka siya bumaling sa harap niya habang nakatayo pa rin.
"Trabaho ko 'yon, hindi mo kailangang magpasalamat."


Nginitian ko siya.
"Alam ko, pero salamat pa rin."

Narinig ko siyang nagpakawala ng buntong hininga saka siya umupo sa tabi ko. Awkward akong humigop ng shake habang pasimpleng nakamasid sa kanya.

"Nasaktan ka ba sa nalaman mo?"
Bumaling siya sa'kin, may halong pag-aalala ang tingin niya.

Inosente akong umiling.
"Hindi. Nagulat lang ako." Sagot ko.

Sa totoo lang, hindi naman sa pagiging manhid pero wala talaga akong naramdaman na sakit. Nakadama lang ako ng dissapointments dahil sa mga naisip kong mga what ifs. Pero 'yong nasaktan ang damdamin ko dahil sa panloloko sa'kin ni Suea? Wala.

Kung meron man akong nararamdaman 'yun ay ang awa kay Aleni. Nakadama ako ng pait sa bawat luhang dumaloy sa mata niya kanina. Parang ang lalim ng pinanggalingan. Sabagay normal naman siguro sa mga babae ang magkaganon kapag niloko sila ng mga boyfriend nila. I mean nanloko talaga si Suea, kitang-kita naman. Saka hindi ko rin naman alam ang pakiramdam ni Aleni dahil hindi pa naman ako nagkakaboyfriend. At ayaw ko ring maranasang maloko.

Kung anuman ang dahilan si Suea sa ginawa niya? Ayaw ko nang malaman.

Dalawang beses siyang tumango saka rin siya humigop ng konti sa hawak niyang shake.

"Dapat hindi mo na ginawa 'yon, Roshan. Pwede kang magkaroon ng bad record sa school dahil sa ginawa mo."

Ngumisi lang siya sa'kin. Pinisil niya ng daliri niya ang labi niya habang nakakalokong nakatingin sa'kin.

"Bakit?"
Tanong ko, hindi ko matake ang ganyang gesture niya.

"Huwag kang masyadong mag-alala sa'kin."
Gumuhit ang ngiti niya habang hawak parin niya ang labi niya.

Nag-iwas na ako ng tingin dahil pakiramdam ko mapapaso na ako sa paraan niya ng pagtitig sa'kin.
"Ang kapal din naman ng mukha mo Mr. Soller, ha."

"Ano ulit ang sabi mo?"
May halong pang-aasar ang boses niya.

Tumitig ako ng masama sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mo."
Pag-uulit ko.

"Hindi 'yan, 'yung isa pa."
Sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya.

"Mister... Soller?"

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. Alam mo 'yung tawa na parang wala nang bukas?

"Problema mo, Roshan?"
Naniningkit ang matang sabi ko.

Huminto na siya sa pagtawa saka niya iniliyad ang kamay niya.
Parang naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin kaya ibinigay ko ang kamay ko sa kanya. Nadatnan ko siyang naniningkit ang matang nakatingin sa'kin.

"Bakit?"
Tanong ko.

"Pahiram ako ng cellphone mo. Bakit mo hinahawakan ang kamay ko? Ikaw ha."
Saka nanaman siya ngumisi.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon