Sabrina's POV
----------------------Pagkatapos nilang mag-speech ay pinapwesto na ako sa gitna para masimulan ang inaabangan ng lahat na 18 roses, nagtitilian pa ang iba kong mga kaklase nang nagsimula na ang mga tugtog.
Si daddy ang unang pumunta sa'kin. Tumatawa pa siya habang inaabot sa'kin ang rosas na hawak niya. Yumakap muna ako sa kanya bago kami magsayaw.
"I love you, daddy."
Humiwalay na sa pagkakayakap sa'kin si daddy at inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko. At isinampa ko naman ang dalawang braso ko sa balikat niya.
"Ngayon lang tayo nagsayaw ng ganito."
Natatawang sabi ni daddy."Kaya nga po, daddy."
Nakangiting sagot ko."Samantalang dati karga-karga pa kita kasi maliit ka pa, pero tignan mo ngayon, kasabay na kitang sumasayaw, ang bilis talaga ng panahon. Sa susunod na isasayaw kita baka sa kasal mo na."
"Daddy talaga, wala pa akong balak."
"Bakit? Wala ka pa bang napupusuan? Akala ko pa naman nagiging malapit na kayo ni Suea ba 'yon?"
Ngumuso ako saka umiling.
"Meron na, pero hindi siya. Mahabang kwento kung sino.""Saber, Sabrina! Smile."
Nasa gilid na namin si mommy habang kinukuhanan kami ng litrato ng katabi niyang photographer.Sabay naman kaming tumingin ni daddy saka ngumiti.
Pagkatapos naming sumayaw ni daddy ay sumunod naman ang mga lalaking pinsan ko. Ang mga pinsan kong mga walang kaseryosohan sa buhay. Puro pakikipagharutan lang ang ginagawa nila sa'kin habang nagsasayaw.
Nandoon 'yung tinadtad nila ng halik ang pisngi ko habang may lipstick sila sa labi nila, kaya ang kinalabasan tadtad ng kissmark ang pisngi ko.
Pinakahuling naisayaw ko ay ang third degree cousin kong si Theon, schoolmate ko siya pero hindi kami close dahil iba ang trip niyang gawin sa buhay. Close si mommy at mommy niya pero kami parang casual na magkakilala lang.
I mean close lang kapag magkasama."Sabrina, baby!"
Bati niya sa'kin, iniabot niya ang hawak niyang rosas sa'kin."Theon, the wind boy."
Tinanggap ko ang hawak niyang rosas saka siya yumakap sa'kin at nagsimulang magsayaw."Grabe ka naman sa'kin, baby Sabrina. Magkasing edad na tayo ngayon isipin mo 'yon, tumatanda ka na pala."
"Baliw, last month ka lang naman nagbirthday, nga pala bakit doon kayo nagcelebrate sa U.S.? Hindi ka tuloy nakapunta sa fieldtrip."
"Long story, baby Sabrina."
Saka siya malakas na tumawa.Hindi ko close si Theon, pero kapag nag-uusap kami akala mo close na close talaga, ganyan kasi laging makipag-usap si Theon, akala mo kaibigan niya ang lahat. Wala siyang ginawa kundi ang magpatawa habang nagsasayaw kami.
Halos hindi ko na nga napansin ay tapos na pala ang kanta.Kumalas na sa'kin si Theon at ang sumunod naman ay ang pinaniwawalan ng lahat bilang ang papa ni Roshan. Si Dr. Lukas.
Nakangiti siyang iniabot sa'kin ang hawak niyang rosas. Nakasuot siya ng dark blue suit na tinernohan ng pulang kurbata. Masasabi ko na nag-iba siya sa paningin ko ngayon dahil sa ayos niya.
"Sabrina meets her biyanan!"
Malakas na sigawan ng mga kaklase ko.Hindi ko alam mung matutuwa ako o maiinis sa sigaw nila. Pakiramdam ko tuloy malalaman na ng lahat ang tungkol sa'min ni Roshan. Pero napansin ba talaga nilang lahat?
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...