Sabrina's POV
---------------------Kinagabihan lumabas muna ako para magpahangin. Lutang ang isip ko habang naglalakad kaya hindi ko na namalayan na nasa Heritage Village na pala ako naglalakad.
Mas maganda ang lugar kapag gabi dahil mas nagiging mas makaluma ang theme ng lugar. Marami akong mga nakikitang mga magbabarkada na nagpipicture. Pakiramdam ko tuloy ako lang ang mag-isa ngayon dito.
Naramdaman ko na ang pagod sa paa ko kaya nagdesisyon akong umupo sa kahoy na swing sa gilid. Naramdaman ko na ang lamig kaya niyakap ko ang sarili ko habang nagmamasid sa paligid.
Dahan-dahan kong inalog ang swing na kahoy. May konting tunog na ginagawa ang kahoy sa bawat paggalaw. May kalakihan ang upuan na inuupuan ko ngayon, sapat ang laki nito para makaupo ang dalawang tao. Nabigla pa ako nang may biglang umupo sa tabi ko. Gulat akong napatingin sa kanya pero deretso lang ang tingin niya.
"A-anong ginagawa mo rito?"
Tanong ko sa kanya."Sinusundan na kita kanina pa mula nang lumabas ka ng hotel, ganyan ka ba talaga maglakad? Walang lingon-lingon?"
Tumuon na sa'kin ang asul niyang mata. Seryoso ang mukha niya.Bumaling na ulit ako sa kalsada. Mahina kong ipinadyak ang paa ko para umandar ang swing na kahoy.
"May iniisip lang ako."
Sagot ko sa kanya.Naramdaman ko ang pagsandal niya sa sandalan ng upuan. Kagaya ng ginawa niya sumandal din ako para matanaw ko ang langit. Natanaw ko ang magandang tanawin sa taas. Ang mga nagkikislapang mga bituin.
"Ang ganda ng nga bituin, no?"
Wala sa sariling sabi ko."Kahit saan naman nakikita ang mga bituin, 'di ba?"
Kunot ang noong sabi niya."Oo nga, ngayon ko lang naappriciate..."
Bumaling ako sa nagtatanong niyang mga mata. "Kung minsan kung kelan naappriciate mo na ang isang bagay doon mo marerealized na hindi pala talaga pwedeng maging iyo ang bagay na iyon. Parang ang mga bituin, ngayon ko naappriciate ang kagandahan niya... Pero ngayon ko rin narealized na hanggang tingin lang pala ako at kahit kelan hindi ko sila pwedeng angkinin."
You're my unreachable star... Roshan.Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Saan mo naman hinugot 'yan? Kumain na ba?"
Humagalpak siya ng tawa.Imbis bugbugin siya, pinanood ko lang kung paano siya tumawa. Ang bawat detalye ay kinakabisado ko. Dahil alam ko darating ang oras na hindi ko na ulit iyon makikita.
"Bakit ganyan ka tumingin sa'kin, Bree? Kinakabahan ako sa titig mo, baka bigla mo na lang akong barilin."
Hinampas ko siya sa braso saka ako bumaling sa kalsada.
Nagkaroon na naman kami ng pansamantalang katahimikan."Ngayon lang ako nakapunta sa probinsya na ganito. Ano pa kayang lugar ang magandang puntahan?"
Pagbabasag ko sa katahimikan.Bumaling ako sa kanya, nakatingin din siya sa kalsada habang nakataas ang kalahati ng bibig niya.
"May bayan hindi kalayuan dito na masarap puntahan. Sa Pagudpud. Maganda doon lalo na ang mga beach."
Mabilis akong bumaling sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Bakit? Nakapunta ka na ba doon?"Walang nagbago sa reaksyon niya. Nananatili pa rin siyang nakabaling sa kalsada na parang may malalim na iniisip.
"Doon ang hometown ni Dr. Lukas. Doon nakatira ang asawa ng yumao niyang kapatid at ang pamangkin niya na mahal na mahal siya."
"Pamangkin?"
Bakit ba sa dami ng pwedeng itanong? Bakit 'yon pa ang lumabas sa bibig ko.Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla itong pumait at nagmukhang malungkot. May nasabi ba akong hindi maganda?
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...