Chapter: 46

67 2 0
                                    

Suea's POV
-----------------

Hindi ko naman gustong mangyari ito, pero ito ang kailangan kong gawin.

"Simple lang naman ang gusto ko, Saber. Gusto ko lang na ibigay mo sa 'kin ang dapat na sa 'kin. Kapag nakuha ko na ulit ang kompanya ko, e 'di amanos na tayo. Makukuha mo ang anak mo ng walang bawas."


Ikinuyom ko nalang ang kamao ko sa mga naririnig ko kay papa. Nakahalukipkip lang ako sa gilid ng kwarto ni papa. Nasa tagong bahay kami ngayon kung saan namin dinala si Sabrina.


"Oo naman, hindi ko siya sinaktan. May puso naman ako kahit paano. Sasabihin ko kung anong oras at susunduin kayo ng mga tao ko. Dapat kayong dalawa lang ng asawa mo ang pumunta kung hindi... Mapipilitan akong paiyakin ang magandang dalaga mo."

Umalingaw-ngaw ang malakas na halakhak niya nang pinatay niya na ang tawag.

Lumapit ako sa kanya, tumingin siya saglit saka siya ulit yumuko.

"Anong plano mong gawin?"
Hindi ko na napigilan pang magtanong.


"Simple lang, ibibigay na sa atin ang kompanya ko. At mabubuhay na tayo ng maligaya."
Sumilay nanaman ang kakaibang ngiti ni papa.

Kahit papaano ay nakadama ako ng kapanatagan sa sinabi niya.
"Pagkatapos nilang ibigay sa atin ang kompanya mo, papalayain mo na si Sabrina."


Mabilis na tumayo si papa habang hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.
"Naku hindi. Pagkatapos pirmahan ni Saber ang papeles na nagpapatunay na akin na ang Cordona Enterprise, papatayin na natin silang tatlo."


Napanga-nga nalang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganito ang nasa isip niya.

"Papa, ang sabi mo sa 'kin hindi mo sila sasaktan kapag naibigay na nila ang kompan-"

Napatigil ako nang malakas na kinalampag ni papa ang maliit na mesa sa tabi niya.

"Kung ginawa mo lang sana ng maayos ang iniutos ko na paibigin si Sabrina at magawa mong maitali siya sa 'yo, e 'di sana wala tayo sa sitwasyon na 'to ngayon. Kasalanan mo 'yan at ng mabunganga mong fiancee. Ipagpasalamat mo nalang na hindi ko dinamay sa galit ko ang Aleni na 'yon..."


Yumuko nalang ako. Sa sobrang taas ng paggalang ko sa kanya ay hindi ko siya magawang suwayin.

"'Wag kang mag-alala, Suea. Sisiguraduhin ko naman na hindi sila masasaktan. Sa ulo ko sila babarilin para wala na silang maramdamang kahit konting sakit."

Umalingaw-ngaw nanaman ang halakhak ni papa. Hindi ko mapigilang tindigan ng balahibo dahil sa sinabi niya. May magagawa pa ba ako? Siya ang papa ko, e.

Hindi na ako nagsalita. Tumalikod nalang ako at iniwan siya.


Malaking bahay ang kinalalagyan namin ngayon. Puno rin ang bahay ng mga bantay na tauhan ni papa.



Sa isa sa mga kwarto nakakulong si Sabrina. Pumunta ako sa kinalalagyan n'on. Sa pintuan palang ng kwarto ay may dalawang bantay.


"Papasukin mo ako."
Seryosong sabi ko sa bantay.


Tumango lang ito at umalis agad sa dadaanan ko. Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan ko si Sabrina na nakaupo sa tabi ng bintana.


Normal na kwarto ang itsura ng kwarto na ito. May pulang kama na halatang hindi manlang niya nagalaw. Mula kaninang pagdating namin ay d'yan nalang siya umupo sa gilid ng bintana. Gawa sa bakal ang bintana kaya hindi niya 'yan masisira.


MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon