Chapter: 29

76 7 0
                                    


Sabrina's POV
---------------------

Maaga kaming gumising lahat para sa mga schedule na pupuntahan namin.
Naninibago lang ako ng konti dahil mukha ni Athila ang unang bumati sa'kin, taliwas sa nakasanayan ko na si Roshan.
Sabagay hindi naman siya pwedeng pumunta dito. Kundi raratratin siya ng mga teacher namin.

Mabilis kaming kumilos at nakapagbihis.
Sakto namang tinawag na kaming lahat.
Una sa schedule namin ang Heritage village na hindi naman kalayuan sa kinalalagyan namin.

"Okay, para mas enjoy naman tayo ngayon kalimutan muna natin ang tungkol sa mga duties...."
Bungad ni Athila habang naglalakad kaming anim pababa ng hotel.
"Sabrina and Roshan, separate muna kayo ha. Para naman makapag-enjoy din kayo."

"Ha?"
Gulat na tanong ko.

"Alam ko naman best na medyo nasasakal ka na dahil sa bantay mo. So... Okay lang na kayo na ni Suea ang magsama at sila naman ni Emely. Basta ipangako mo lang na hindi kayo biglang mawawalang dalawa."

"Okay sa'kin."
Mabilis na sagot ni Emely.

Binalingan ko si Suea, mukhang okay naman sa kanya dahil nakangisi siyang bumaling sa'kin. Samantalang wala namang reaksyon si Roshan. Seryoso lang siya at parang walang pakeelam sa narinig niya. Ganyan ang itsura niya kapag sang-ayon siya. Tssss!

Tumulak na kami sa Heritage village. Pagpasok pa lang namin para na kaming tumalon sa oras. Makikita mo agad ang mga makalumang mga gusali, bricks na kalsada at ang mga dumadaang mga kalesa na siyang lalong nagpapaganda theme ng lugar.

Kanya-kanya kaming punta sa mga parte ng lugar na nakakuha ng atensyon namin. Maya-maya nagtawag si Athila na magpicture. Nagkumpulan kami sa gitna para magpicture. Inilabas ni Athila ang dala niyang monopod at itinutok na sa'min ang camera habang hawak niya.

Nasa harap sila ni Bernardino habang kaming apat naman ang nasa likod. Katabi ko si Suea at tumabi naman sa kabila ko si Roshan.

"Say shiss!"
Sigaw ni Athila kasunod ang tunog ng camera.
"Isa pa."

Hindi pa kami umalis sa pwesto hanggang sa tumutok ulit sa'min ang camera.

"Ulit! Say shiss!"
Sigaw niya.

Naramdaman ko ang pagdagan ng braso ni Roshan sa balikat ko. Saglit ko siyang nilingon, nakatutok ang ngiti niya sa camera habang nakadikit sa mukha niya ang kamay niyang nakapeace sign.

Tumingin na lang tuloy ako sa camera at sinabing... "Shiss!"

Pagkatapos naming libutin ang Heritage ay pumunta na kaming lahat sa bus para puntahan ang second destination namin.
Ang simbahan ng bayan ng Bantay.

Magkatabing bayan lang ang Bantay at Vigan kaya hindi na kami nagtagal sa biyahe. Maybe two or three minutes?

Excited kaming bumaba sa bus at pinasadahan ang tingin ang simbahan habang umaakyat kami sa hagdan. Sikat ang Bantay Church Bell. Sigurado akong marami ring mga turistang pumupunta dito.

Nang nagsawa na kaming magpicture ay lumabas muna kami ni Suea at iniwan namin ang iba. Kagaya ng sabi ni Athila. Si Suea ang kasama ko.

Nakayuko akong naglalakad nang narinig kong nagclick ang cellphone niya. Nilingon ko siya at pagtawa lang ang isinukli niya sa'kin.

"Anong ginawa mo?"
Tanong ko.

"Ang cute mo kasi kaya pinicturan kita."

Ngumiti lang ako sa kanya.
"Loko ka talaga."

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon