Chapter: 4

149 11 0
                                    



Roshan Craze Soller's POV
------------------------------------------

Pagpasok namin ng bahay nadatnan agad namin ang tatlo sa sala.
Inisa-isa ko silang tinignan.
Apat silang umupo sa mga sofa pero si tito sinabihan ako na tumayo lang daw ako.

"Medyo napatagal ata ang pagbabalik ngayon ni RCS7, Dr. Lukas?"

Tinitigan ko ang nagsalita.
Walang duda siya ang mommy, si Hot mama. Kamukha nga niya 'yung nasa picture. Check.

"Marami po kasi akong idinagdag sa program niya Ma'am Irina."
Sagot ni tito sa kanya.

"Mukhang marami kang binago sa kanya, Dr. Lukas."

'Yung lalaking katabi naman ni Hot mama ang nagsalita, sigurado na siya ang tinutukoy ni tito na may-ari ng Kompanya. Si The Terror. Check. Kamukha niya 'yung sa picture.

Pasimple akong nangisi dahil sa pinagiisip ko nang napansin ko na nakatingin ang isa sa kanila sa akin.
Sumeryoso ulit ako ng mukha pero ang sama parin ng paraan ng pagtitig niya sa'kin.

Siya ang anak nila, pero parang iba ang itsura niya sa picture. Mukhang mabait 'yung nasa picture, siya mukhang mananapak. Wrong, hindi niya kamukha.

Biglang tumayo si tito saka lumapit sa'kin.

"Ipapaliwanag ko ang mga upgrade na ginawa namin kay RCS7, unang-una ginawa namin ang kahilingan mo, Sabrina. Binigyan namin siya ng iba pang mga emosyon bukod sa pagngiti. Pero dahil pinag-aaralan pa namin ang function niya na 'yon, pwede kang makaexpirience sa kanya ng over reaction kaya huwag mong ikakagulat kung magkakaron siya ng malfunction."

Woohhh! Wala ba kayong mga kamay! Ano kayang nakain ni tito para maging ganyan siya kasinungaling.

"Dinagdagan din namin ang security function niya. Ngayon meron na siyang GPS para masundan natin kung nasaan siya sa tulong ng bracelet na nasa braso niya... Bakit? Dahil main program niya ngayon ang protektahan si Sabrina at hindi na ang kaibiganin siya. Which means mas magiging mahigpit na siya sa pagbabantay sa kanya."

Kitang-kitang ko ang matalim na mata ni The Victim sa'kin, mukhang hindi niya nagustuhan ang narinig niya.

"At may idinagdag pa akong sa system niya, ito rin ang dahilan kaya nadelay kami. As requested ni Lady Sabrina, mas ginawa naming realistic ang pagiging tao ni RCS7, pwede na siyang kumain at uminom, pero limitadong dami lang. Dahil din sa function na 'yun kailangan na naming imaintenance si RCS7 every alterdays para ilabas ang mga magiging dumi ng katawan niya. Hindi katulad natin kailangan niya ng tulong ng lab para magawa 'yun."
Saka siya tumingin sa'kin.

Tito! Anong kalokohan itong pinagsasabi mo? Kahit ako hindi maniniwala sa mga sinasabi mo. Sinong tanga ang maniniwala sa ganong klase ng robot?

Sabay kaming napatingin ni tito nang biglang tumikhim si The Terror.
Tinitigan niya muna si tito ng ilang segundo.

Sigurado akong hindi siya maniniwala.

"Sa totoo lang... Hindi siya kagaya ng inaasahan ko, pero pwede na rin."
For real? Naniwala ka d'on?

"Salamat, Mr. Cordona."
Sagot ni tito sa kanya.

"Baka may gagawin ka pa, Dr. Lukas. Kami nang bahala rito."

"Tama kayo, ma'am Irina. Marami pa nga po akong gagawin kaya mauuna na ako."
Tumayo na si tito pero bago siya lumabas bumaling muna siya sa'kin.
"Ikaw nang bahala rito, RCS7."
Pinagdidiinan niya pa 'yung RCS7.

Paglabas ni tito Lukas, umakyat na rin ang mag-asawa, ang may killer eye naman nilang anak pumunta na rin sa kwarto niya. Gaya ng bilin ni tito sumunod lang ako sa kanya hanggang kwarto niya.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon