Chapter: 42

58 0 0
                                    

Sabrina's POV
---------------------

Isang sampal ang ibinigay sa'kin ni daddy nang nasa likod na kami at wala nang ibang tao.

"Ito ba ang paraan mo ng pagpapakita ng pagrerebelde sa'min?"

Siguradong galit na galit si daddy, ito ang kauna-unahang beses na nasaktan ako ni daddy. Sabagay naiintindihan ko siya. Sino ba namang matinong anak ang makikipaghalikan sa robot sa harap ng napakaraming tao.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo, Sabrina? Ilan sa mga taong nandoon ang kasama sa board member ng Cordona Enterprise, alam nila na robot si Roshan. Ano na lang ang iisipin nila kapag nakita nila ang anak kong nakikipaghalikan sa robot na ang mismong kompanya namin ang gumawa?"


Wala akong magawa kundi ang umiyak na lang, hinaplos ko na lang kamay parte ng pisngi ko na tinamaan ng sampal ni daddy.

"Sabrina!"
Dumating na rin si mommy at mabilis akong niyakap.
"Anong ginawa mo, Saber?"


"Nasampal ko siya dahil sa galit ko."


"What? Dahil lang sa bagay na 'yon, nagawa mong saktan ang anak mo?"
Hinawakan ni mommy ang pisngi kong nasampal ni daddy.
"Okay ka lang ba, baby?"


Tumango ako dahil hindi ko na kaya pang magsalita dahil sa kakahikbi ko.


"Ayan ang problema sa'yo, Irina. Kinukunsinti mo na naman 'yang anak mo. Kaya tignan mo ang ginawa niya ngayon. Hindi lang ang sarili niya ang pinahiya niya kundi tayong lahat-"
Naputol si daddy.


"I don't care!"
Sigaw ni mommy.


"Best!"
Naramdaman ko rin ang yakap sa'kin ni Athila.


"Sir Saber, pagpasensyahan niyo na ang nangyari, mukhang hindi napaghandaan ni RCS7 ang pangyayaring iyon kaya hindi niya naiwasan."
Nandyan na rin si Dr. Lukas at sigurado akong kasama niya ngayon si Roshan.

Ayaw kong makita niya akong ganito, pero wala akong magawa. Tuloy-tuloy lang sa pagtulo ang luha ko.


"Walang kasalanan si Roshan dito..."
Sagot ni daddy.
"Si Sabrina ang may kagagawan nito."


"Saber!"
Sabat ni mommy.


"What, Irina? Sinong dapat sisihin? Hindi ko alam kung anong naisip ni Sabrina at nagawa niya ang kabaliwan na 'yon..."
Narinig ko ang yabag ng paa ni daddy palapit sa'kin.
"Sabihin mo nga, Sabrina. Anong kabaliwan ang naisip mo ba't ginawa mo 'yon?"


"Saber, tumigil ka na."


"Tito."
Pati si Athila ay umiiyak na rin.

"Manahimik kayo d'yan, gusto ko lang malaman. Sige na Sabrina. Sabihin mo lang, makikinig ako."


"Mahal ko po siya."
Ipit na ang boses ko dahil sa matinding paghikbi.


"Ano ulit 'yon hindi ko narinig."


Tumingin ako sa mga mata ni daddy, kitang kita ko ang matinding galit sa mga mata niya. Pero kailangan niya itong malaman.

"Daddy, mahal ko po si Roshan."

Hindi ko alam kung anong nakakatawa pero biglang tumawa si daddy.
"You're just kidding, right? Imposible naman 'yon kasi robot si Roshan. Hindi magandang dahilan 'yon. Dapat sinabi mo na lang na nagrerebelde ka sa'min, mas maniniwala pa ako."



"Iyon ang totoo daddy, I love him."



Tumingin ako sa mga mata ni daddy at kitang-kita ko kung paano lalong mas nag-alab ang galit niya. Lalapit sana siya sa'kin nang bigla siyang hinarangan ni Roshan.


MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon