Sabrina Cordona's POV
------------------------------------------"Sabrina!"
Nakangiti lang ako habang pinapanuod ko ang paglapit sa 'kin ng nakasimangot na kaibigan ko.
Nangingibabaw ang magandang mukha niya sa kumpulan ng mga taong nagsasayawan, nakikita ko siyang nagsasalita pero hindi ko siya marinig dahil sa lakas ng tugtog dito sa loob ng bar.
Humarang pa sa akin ang mga lalaking kasayaw ko, idinidikit nila ang mga katawan nila sa 'kin, ako naman tuloy lang sa pag-indayog sa tugtog.
Naramdaman ko na lang na may kamay na humila sa 'kin paalis sa kumpulan na 'yon at mabilis akong dinala sa table na inuupuan ko kanina.
"Ano ba best, Nagsasaya pa ako ba't mo naman ako hinila agad?"
Angal ko sa kanya, nakayuko na lang ako dahil sa kalasingan."Sab, pagsasaya ba 'yung pinagpipiyestahan ka ng mga lalaki? Yari talaga ako sa mommy mo kapag nalaman niya 'to," pakamot ulo nalang siyang tumingin sa'kin habang naniningkit ang mga mata.
"Alam ko naman na hindi mo ako ilalaglag, 'di ba? Athila?"
Tumitig lang siya sa 'kin na may halong asar sa mga mata niya, saka siya nagbuntong hininga.
Hindi talaga ako matitiis ng bestfriend ko."Umuwi na tayo Sab, ala-una na."
Hinawakan na niya agad ang kamay ko saka ako malakas na hinila."Ano? Ayaw ko pa!"
Hindi pinapansin ni Athila ang angal ko, tuloy-tuloy lang siya sa paghila sa 'kin hanggang sa makarating kami sa kotse niya... I mean kotse ng daddy niya na itinakas niya.
Nang nakarating na kami sa tapat ng bahay namin ay pinababa na ako ni Athila.
"Best, galingan mong magninja-moves ha, para hindi ka mahuli ng mommy at daddy mo.""Alam ko best, hindi talaga ako papahuli... katakot-takot na sermon aabutin ko kapag nahuli ako."
Saka ako kumaway sa kanya.Mabilis nang humarurot ang kotse.
"Hay nako Sabrina, back to reality ulit tayo," nagpakawala muna ako ng abot-langit na buntong hininga bago ako pumasok sa gate namin.
Puno ng CCTV ang bahay namin, buti nalang alam ko kung saan 'yun lahat nakaharap. Payuko akong dumaan sa gilid ng garden namin para hindi ako mahagip ng mga camera.
Nang nakalagpas na ako sa garden saka ako mukhang tangang tumakbo sa eskinita papunta sa backdoor namin.
Sana naman walang makahuli sa 'kin.Pinihit ko na ang pinto saka ako maingat na pumasok sa kusina, nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na patay ang lahat ng ilaw malamang tulog na sila, naglakad ako ng walang tunog.
Nasa pintuan na ako ng kusina, nakikita ko na ang hagdan papunta ng kwarto ko.Napangiti na ako dahil alam kong konti nalang nasa safezone na ako.
Nakatapak na ako sa unang baitang ng hagdan nang biglang bumukas ang ilaw sa kinalalagyan ko.
Nang tumingin ako sa kinalalagyan ng switch ng ilaw, nakita ko ang isang nakakabwisit na pangitain.Nakangiti siya ngayon habang hawak-hawak niya parin ng switch ng ilaw. Nakasuot siya itim na tuxedo.
"Magandang gabi, my lady, saan ka galing?"
Naasar talaga ako sa pagmumukha niya lalong-lalo na sa asul niyang mata.At dahil nahuli ako, ano panga ba, katakot-takot na sermon na 'to.
"Sabrina Cordona! Kelan kaba matututong bata ka?"
Ayan nanaman si daddy.Nakayuko lang ako habang kunwari nakikinig kay daddy, labas pasok lang sa tenga ko.
Nasa sala kami ngayon, nakaupo sa tapat ko si monmy at daddy.
BINABASA MO ANG
MY ROBOT BUTLER
Teen Fiction"Iniisip ko pa lang na ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa tabi ko, ang siya ring dahilan kung bakit hindi kita pwedeng mahalin. Siguro nga baliw na ako, pero hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat." Meet RCS7, isang robot butler na i...