Chapter: 8

139 8 0
                                    

Sabrina's POV
-------------------------

"Best nas'an ka na?"
Tinawagan ko agad si Athila pagbaba ko ng kotse.

"Sorry best, hindi ako makakapasok nilalagnat ako, na-over fatigue ata ako."
Garalgal na ang boses niya at halatang malat.

"Sige best pagaling ka ha, dadalawin kita d'yan mamaya after class."

Pinatay ko na ang tawag.
Hay nako mag-isa na naman ako. Pati si Emely walang pasok dahil may project ang section nila ngayon.

Naglalakad ako sa corridor papasok sa room nang biglang may humila sa'kin ng malakas habang hawak ang kamay ko.

"Ouch!" Sigaw ko saka ako tumingin sa humihila sa'kin.
Biglang namilog ang mata ko nang nalaman ko kung kaninong kamay ang may hawak sa'kin ngayon.

Oh! My! Gosh!

Mabilis niya akong hinila papunta sa rooftop ng building namin.
Nagpumiglas na ako para makatakas sa kanya.

"Anong kailangan mo? Bakit mo ako hinila rito?"
Mataray na tanong ko.

Humaharap siya at sinalubong ako ng maamong ngiti niya
"Wala lang gusto lang kitang makasama rito."

Hindi ko nagustuhan ang dahilan niya, pero bakit masaya akong marinig 'yun galing sa kanya?
Bakit mo ba ako ginaganito Suea?

"Wala ka naman palang importanteng sasabihin, mahuhuli na tayo sa klase."
Tumalikod na ako.

"Wala tayong fist subject ngayon, dito ka muna gusto kitang makasama."
Ganyan ba talaga siya kaprangka?

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ulit ang kamay ko, pero mas malumanay na ngayon na parang mababasag ang kamay ko kapag hindi niya hinawakan ng maingat.

Dinala niya ako sa dulong parte ng rooftop kung saan siya laging nakatambay. Binitawan ko na ang kamay niya pagdating namin d'on.
Hindi dahil ayaw ko... kundi dahil para akong mapapaso sa init ng kamay niya.
Bakit ganito ang epekto niya sa'kin?

Pasuplada akong tumingin sa kanya habang nakacrossed arms.
"Anong gagawin natin dito?"

Parang wala siyang narinig, tumingin lang siya sa'kin habang nakangiti.
"Kamusta ang weekend mo, Sabrina?"

Nakakaintimidate talaga ang paraan ng pagtingin niya kaya hindi ako nakikipagtitigan sa kanya.
"A-ayos naman... Su-suea."

"Mabuti naman, may gagawin ka ba sa weekend na 'to?"

"Ha? Wa-wala naman, bakit?"

Nakita ko siyang dalawang beses na tumango.
"Magdate tayo sa linggo."

Ha? As in ha? Niyaya niya akong magdate?

"Ha? Ba-bakit?"
Nauutal na talaga ako.
Bakit niya ako niyayayang magdate?
'Di ba ang mga nagdedate ay ang mga taong gustong maging couple? So kaya niya ako niyayayang magdate kasi- Oh my gosh!

Inabot niya sa'kin ang cellphone niya.
"Ilagay mo d'yan ang cellphone number mo, tatawagan kita kung saan tayo magkikita."

"Te-teka, hindi mo manlang ba ako tatanungin kung gusto ko bang makipagdate sa'yo?"
Siguradong mukha akong kahihiyan ngayon dahil pulang-pula na ang pisngi ko.

"Kaya nga hindi kita tinanong para hindi mo ako matanggihan, kung ayaw mong itype, ako nalang. 09?"

Kinuha ko sa kanya ang cellphone niya saka ko itinype ang number ko.
Nakakahiya nanginginig pa ang kamay ko habang inaabot ko sa kanya ang cellphone niya.

Pagkakuha niya ng cellphone niya hindi na ako makatingin sa kanya sa sobrang hiya. Samantalang siya naman nakuha pang tumingin sa'kin habang nakangiti.

MY ROBOT BUTLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon